Jacinth's POV
Hindi ko rin alam ang ginawa ko maging ako ay nagulat. Nadala ako ng bugso ng damdamin, I lost my sanity and control. All my mind want that time is to kiss her. So I did.
Matapos kong gawin 'yon kita ko ang pagkagulat ni Herriette. Marami rin akong naririnig na bulungan at ang iba ay hindi ko maintindihan. Bumaba siya sa stage at umalis. Hindi ko na siya sinundan pa, siguro ay hindi niya talaga inaasahan ang ginawa ko.
Natapos ang program. Hindi kami nanalo dahil hindi namin natapos ang kanta. Umuwi nalang din ako at doon tinawagan ko si Herriette, tinext ko rin siya pero hindi siya tumutugon.
Is she mad at me?
-
Natapos ang araw at ngayon ay nasa Green House kami ni Herriette.
"Jacinth." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng mayroong masamang mangyayari.
"I'm sorry." My world stopped as I heard those words of Herriette. Bakit siya nagsosorry?
"For what?" Walang ekspresyong tugon ko.
"Ayoko na, Jacinth. Itigil na natin ang meron sa'tin. Hindi tayo p'wede. Tayo lang din ang masasaktan."
"No." I directly said.
"Yes. Please Jacinth, ayokong umabot sa point na hindi na kita kaya pang pakawalan o bitawan. Sa ngayon kakayanin ko. Makakaya ko pa."
"You love me, right?" Hindi siya sumagot sa tanong ko at tumulo lang ang mga luha niya. "Alam kong mahal mo ako at sapat na 'yon para hindi ako sumuko. Hayaan mo ako. Ikaw suko kana? Ako hindi pa. Lalaban ako kahit mali at kahit ako nalang mag-isa."
"Tama na 'to, Jacinth. Let's just talk to each other na magpinsan lang tayo. Na magkaibigan lang tayo. P'wede naman 'yon diba?" Sambit niya habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha.
"Hindi ko kaya." Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo. Hindi niya ako mapapasuko.
-
Herriette's POV
Ilang araw narin ang nakaraan simula noong pag-uusap namin ni Jacinth. Lagi parin siyang nasa tabi ko, pinagtatabuyan ko na siya pero hindi niya ako nilalayuan. Iniiwasan ko na siya pero siya mismo ang lumalapit.
"Ano ba Jacinth! Bakit ba lagi paring nasa tabi ko?" Sigaw ko at pinipigilan ang mga nagbabad'yang luha ko. Pauwi na ako at ngayon sumabay siya sa'kin.
"I told you, Herriette."
"Tigilan mo na ako! Please lang! Hindi ka ba naaawa sa'kin? Maraming tao ang pinag-uusapan ako, lahat ng est'yudyante sa school ako ang bukang bibig. Lahat ng mata nakatutok sa'kin. Fvck Jacinth! I'm tired! Nasasayang 'yung ginagawa kong pag-iwas ko sa'yo dahil ikaw mismo ang lumalapit sa'kin!" I shouted under my breath. My voice was cracked and my knees are trembling as the way my hands are. I could feel like in any time I will out my balance, I feel dizzy.
"Lalayo lang ako kapag may mahal ka ng iba." As of that, he left me with tears. I think I hurt him.
-
Juliane's POV
Papalakad ako pauwi ng mapansin kong may tao sa Dance Studio. Patay ang ilaw pero may flashlight na nakabukas kaya naman pumasok ako rito.
Pagkapasok ko nakita ko ang isang babaeng nakaub-ob ang mukha sa tuhod habang yakap yakap ito ng kamay niya sa isang tabi.
Kinapa ko ang switch at binukasn iyon. Nag-angat ng ulo ang babae at doon nakita ko siya- si Herriette.
I immediately switches the light off. Nagsimula akong maglakad papunta sa tabi niya.
"Nakakatawa ako 'no? Pinatay ko 'yung ilaw pero may flashlight ako. HAHAHA." Pagak na tawa nito.
"You had fear in the dark, right?" I asked.
"Yeah. By the way, Juliane, thank you nga pala. Medyo nagiging ok na kami ni Viana. Ramdam kong hindi na siya mas'yadong galit sa'kin, nagsimula 'yon no'ng kinausap mo siya kaya salamat."
"That's ok. Isa pa mali rin 'yung kapatid ko."
"Bakit ka nga pala narito?"
"I just saw that someone's here and found that it's you, so yeah curiousity. Ikaw bakit ka narito? Gabi na ah? Nasan si Jacinth?"
"Tinaguan ko siya kanina kaya ako nandito. And I texted him na nakauwi na ako." Ramdam ko ang paghigpit niya sa yakap sa tuhod niya.
"What happened? Mind to share? I will listen." I can sense that Herriette is crying.
"Ayaw niya akong tigilan. Pagod na ako, Juliane. Kapag patuloy parin siyang ganito paano ko makakalimutan 'yung nararamdaman ko sa kaniya? Paano ko mapipigilan?" She murmured.
"Sabi niya hindi siya titigil, ipaglalaban niya ako kahit mali at kahit siya lang mag-isa."
"Titigil lang daw siya kapag may mahal na akong iba. Ano bang dapat kong gawin?"
"Gusto mo na ba talagang tumigil siya?"
"Yes, alam kong mas makakabuti 'yon."
"Herriette, I can help you." I said while facing her a wide smile.
"What do you mean?" She asked as if she's confused.
"I like you, Herriette." I calmly said. Oo gusto ko si Herriette matagal na, pinigilan ko lang. Pero noong malaman ko na siya ang nakatakdang ikasal sa'kin nagpatuloy 'yung nararamdaman ko sa kaniya.
"Sa ngayon alam kong si Jacinth ang mahal mo. But I can wait. Alam kong pagdating ng araw matatanggap mo na hindi kayo. At alam kong matututunan mo rin akong mahalin."

BINABASA MO ANG
OUR SURNAME
Teen FictionA surname binds two strangers: Herriette, an only child bearing a surname unlike her parents', and Jacinth Reagan, a man who believes he has no living relatives in the Philippines. How can they share a surname when they should have no connection? A...