CHAPTER 17

403 28 3
                                        

Herriette's POV

Hindi ko nagawang pumayag agad sa hinihiling sa akin ni Jacinth para maging partner siya. Humanap ako ng mga dahilan at ang totoo niyan hindi talaga ako umaasa kay Juliane para maging partner ko. It's just that, hindi makakatulong ang pagpayag ko kay Jacinth, sigurado akong lalo lang magugulo ang nararamdaman ko.

Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Juliane palabas ng school matapos umalis ni Jacinth.

"Ihatid na kita?" Pag-aya sa akin ni Juliane. I just nodded.

Nasa labas na kami ng School ng makita namin ang dalawang imahe na nakatayo sa waiting shed. We walked towards it, then there we found Jacinth and Viana- kissing each other.

Napatulala ako sa kanila at doon nakita ako ni Jacinth. He was partly shocked na naging dahilan ng mabilisan niyang pagkawala sa halik.

"Juliane, huwag mo na akong ihatid. Uuwi nalang muna akong mag-isa."

"Are you sure? 5:00 PM na oh, madilim na."

"I can handle it. Thank you." Mabilis akong tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi na nila ako tanaw mula sa kung nasaan ako ngayon dahil may nilikuan ako. Just like that, tears came out from my eyes without my permission.

Bakit ako nasasaktan? Bakit ang sakit na makita ko si Jacinth na kahalikan si Viana? Bakit naaapektuhan ako? Fvck. What the hell I'm feeling right now?

"Herriette!" Napahinto ako ng marinig ang boses na iyon. Si Jacinth. Agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kaniya.

"B-bakit?"  He immediately hugged me so tight as I asked him. I tried to release myself from his arms, but he tightened his grip to me.

"Hey, Jacinth ano ba! Bitawan mo ako."

"Bakit bigla kang umalis?" Tanong niya matapos akong bitawan.

"G-gabi na eh kailangan ko ng umuwi!"

"Liar. Are you jealous?"

"A-anong sinasabi mo? B-bakit ako magseselos? You're my cousin for pete's sake!"

"Walang pinipili ang selos. Kung magseselos ka, magseselos ka. Kung masasaktan ka, masasaktan ka, hindi mo 'yun mapipigilan. You like me do you?"

"No!"

"Bakit ka umiiyak?" My world literally stopped for his question.

"Why Herriette?"

"Hindi ko alam Jacinth, hindi ko alam.." I sob " ..kakaiba na 'yung nararamdaman ko at alam kong hindi tama ito. Bakit kasi ganiyan ka sa'kin, Jacinth? Bakit ganiyan 'yung pakikitungo mo sa'kin? Normal bang gawin ang mga ginagawa mo sa isang pinsan?" Tears are still flowing behind my eyes and I can't control nor stop it.

" Yung pag kiss mo sa'kin? Ano 'yon ha? Alam mo bang ginugulo no'n ang utak ko? Bakit? Bakit ganito? Nasasaktan ako. Akala ko ba ayaw mo kay Viana? Ano 'yung nakita ko? I know na wala akong karapatan at alam kong hindi puwede 'yung nararamdaman ko sa'yo, hindi lang kita basta gusto, Jacinth. I'm starting to fall in love and I don't know. Bakit sa'yo pa?" I keep on punching his chest.

"Dati ang akala ko walang 'to. Pero habang tumatagal nagiging malinaw sa'kin lahat. Ano bang dapat kong gawin, Jacinth? Hindi tayo puwede. Pipigilan ko ba itong nararamdaman ko?"

Matapos 'yon ay agad niya akong isinandal sa pader at doon muling naglapat ang mga labi namin. He kissed me for the second time.

Tulala lang ako hanggang sa binitawan niya ang labi ko. We're still on our position. Nakacorner ako sa kaniya habang nakasandal sa pader.

Inilapat niya ang noo niya sa noo ko at tinitigan ako sa mata. He's now facing me a wide smile.

"Ang daya mo." He mumbled.

"Ako nga hindi ko pinigilan 'yung nararamdaman ko simula una, tapos ikaw pipigilan mo? You're not fair, Herriette. Bad."

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon