CHAPTER 29

462 29 2
                                    

Zuzette's POV ( Herriette's Mother )

Matapos kong sabihin lahat lahat kay Herriette bigla akong nakaramdam ng pagkalambot ng puso. Bumabalik na naman ang dating ako, ang mahinang ako.

Tumulo ang luha ko at napaupo rito sa office ko. I think hindi ko na dapat hadlangan ang kasiyahan ng anak ko. Tamana ang sakit. Tamana ang away.

Ipinikit ko ang mata ko at sa pagmulat ko nakita ko si Harry- ang asawa ko. Lalong tumulo ang luha ko. Tumayo ako at niyakap siya.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad at niyakap niya ako pabalik.

"I will now going to accept everything. Aayusin ko na lahat ang gulo."

-

Juliane's POV

Tinawagan ako ni Tita Zuzette para pumunta saa kanila dahil may sasabihin daw siyang mahalaga.

"Saan ka pupunta kuya?"

"Kina Herriette."

"Kuya! Kaano ano ba talaga ni Jacinth si Hershelle? Mag girlfriend sila?!"

"Viana, tigilan mo na si Jacinth, ok? Marami ka namang manliligaw diyan."

"Oo na! Titigil na ako! Hindi naman 'yon kawalan hmp!"

Iniwan ko na si Viana at pumunta kina Herriette.

-

"I'm sorry, Juliane." 'Yun nalang ang nasambit sa akin ng mga magulang ni Herriette matapos ikuwento sa akin ang lahat.

Hindi pala sila magpinsan ni Jacinth. They are married. Ngumiti nalang ako, wala akong karapatan para pigilan ang pagmamahalan nila. Walang wala ang mga nararamdaman ko sa nararamdaman nila.

Walang wala ang ginawa ko sa mga ginawang sakripisyo ni Jacinth. Walang wala ang sakit nararamdaman ko sa sakit na naramdaman nila.

I think they desereve a happy ending.

Matapos 'yon ay biglang dumating si Jacinth at tinanong kung nasaan si Herriette. Nagkasalisihan 'yata sila.

Matapos makuha ang sagot na gustong makuha ni Jacinth mabilis niyang iniwan ang bahay nina Herriette para puntahan ito sa airport.

-

Nasa labas na ako ng bahay nina Herriette para umuwi. Masaya na ako para sa kanila ni Jacinth.

"Saan pupunta si Jacinth?" Paglitaw ni Hershelle. Bakit siya narito?

"Pupuntahan niya si Herriette."

"Susunod ako!" Patakbo siya para sundan si Jacinth ng hilahin ko ito pabalik.

"Hayaan mo na sila Hershelle."

"No! Hayaan mo ako!" Alam kong manggugulo lang siya kina Herriette. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ko.

"Bitawan mo nga ako!" At dahil doon hindi ko na napigilan ang sarilu ko. Hinila ko si Hershelle sa bewang at agad siyang hinalikan.

"Para tumigil kana." Napako siya sa kinatatayuan niya matapos 'yon. Napangiti nalang ako, she's cute.

-

Hershelle's POV

Tumunog ang phone ko at agad ko iyong sinagot.

"Sino sila?" I asked from the other line.

"It's me, your Dad. Puwede ka ba naming makausap? Pumunta ka sa bahay. We my wife have something important to tell you. Puwede ba?" Napahinto ako noon hindi ko ba alam kung papayag ako o hindi pero nagdesisyon nalang ako na pumunta.

Bumaba ako sa sasakyang sinasakyan ko ng makita ko si Jacinth na mabilis na tumakbo at sumakay sa isang sasakyan.

Maya maya ay lumabas si Juliane at tinanong ko kung saan si Jacinth pupunta. Matapos kong malaman 'yon ay akto kong susundan si Jacinth ng pigilan ako ni Juliane.

Alam na alam niya talagang manggugulo ako.

Nagpumiglas ako pero sa hindi inaasahan isang bagay ang nakapagpalambot at nakapagpahinto sa'kin.

He kissed me. At matagal 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko bigla nalang akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko. Napatingin ako kay Juliane na ngayon ay malawak ang ngiti sa harapan ko.

Sinipa ko siya sa kaselanan niya at'saka tumakbo.

"Manyak!" Pagkasigaw n'on ay pumasok ako sa bahay nina Dad.

Sa loob noon kinausap nila ako. Hindi ko alam pero sa lahat lahat ng nalaman ko bigla nalang akong naging malambot.

Gusto na nila akong tumira sa kanila mismo. Herriette's mom told me na noong malaman niya na may anak si Dad sa labas which is ako, nagsimula na siyang kamunghian ako. Nagbalak daw si Dad noong iuwi ako sa Pilipinas pero hindi pumayag si tita Zuzette dahil galit parin ito.

Anak ako ni Dad sa best friend niyang babae. It was his first love. Arrange marriage lang ang naganap sa kanila ni tita Zuzette. N'ong time na ikinasal sila hindi pa mahal ni Dad si tita Zuzette at n'ong time rin na 'yon buntis na si Mom sa'kin at hindi alam 'yon ni Dad.

Sabay palang nabuntis si tita Zuzette at si Mom. Simula n'ong nagbuntis si tita kay Herriette doon palang siya natutunang mahalin ni Dad.

Pinadalhan ng sulat ni Mom si Dad na nabuntis siya sa'kin. 'Di rin nagtagal namatay si Mom dahil sa sakit. Itinago ni Dad na may anak siya sa iba kay tita Zuzette dahil ayaw niyang magkaroon ng problema sa pagsasama nila. Ipinadala ako sa US ni Dad at doon pinaalagaan. Hindi ko talaga kilala si Dad kung hindi lang ako kinausap noon ng Dad ni Jacinth.

Ngayon gusto nilang bumawi. Ngayon gusto nilang maging magulang sa'kin. At si tita Zuzette? Tanggap na niya ako.

I think wala ng dahilan para magalit pa ako sa kanila.

At si Herriette hahayaan ko na siyang maging masaya kay Jacinth. They both deserve to be happy.

Sa ngayon gusto kong maging ate kay Herriette. Matanda ako sa kaniya ng isang buwan. Magpapaubaya na ako.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon