Tulala akong bumaba sa kotse. Dala ang libro sa aking kamay- deret'yo akong naglakad papasok sa school.
Mag-isa lang ako ngayon dahil hindi papasok si Allisha. Namatay ang lola niya at umuwi ng Laguna.
Pinikit pikit ko ang mata ko at inalog ang ulo ko ng marealized na kanina ko pa iniimagine ang hitsura ni Jacinth sa utak ko. Bigla nalang nagreminise sa'kin 'yung nangyari kagabi.
Aish. Hindi ko natanong si Mom and Dad kung kamag-anak ko ba talaga si Jacinth. Mamaya na nga lang.
"Uy Herriette." Rinig kong pagtawag sa akin ng isang boses dahilan ng pagtingin ko sa likod.
"Oh James!" Nakangiting tugon ko.
"Uy grabe ka, nakalimutan mo na agad kung sino ako?"
"Ha? Bakit? Hindi ba iyon ang pangalan mo?"
"It's Juliane." Nakangiti niyang pagtatama habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.
Agad ko namang tinugon iyon- making a shake hands. Matapos 'yon ay nagsimula kaming maglakad papunta sa building.
"Wala kang kasama?"
"Oo, hindi kasi pumasok 'yung best friend kong si Allisha sa kabilang building Section A. Siya lang naman kaibigan ko rito."
"Ah I see. May kasabay ka mag lunch mamaya?"
"W-wala."
"Pwedeng sumabay? Wala rin akong kasabay eh."
"Sure sure."
-
Jacinth's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa school. I was wearing a simple maroon polo tucked by my black pants.
Nakaearphone rin ako, listening to my own voice. And yes, one of my hobby is ang pagkanta.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ang isang babaeng dahan dahang naglalakad papasok sa gate. Nakatulala siya habang nakatingin sa taas. Tinanggal ko ang earphone ko at tinago sa bulsa ko. Tumingin rin ako sa taas kung saan siya ngayon ay nakatingin dahil sa kuryosidad. I thought may makikita ako but I found nothing. Lutang at may iniisip lang siguro ang babaeng ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang panyo sa baba na ikinahinto ko. Dito nanggaling ang babaeng iyon at sigurado akong pag mamay-ari niya iyon.
Tinitigan ko ang panyo, hindi ko obligasyong ibalik 'yun sa kaniya. Wala siyang ingat sa gamit. Nilagpasan ko nalamang iyon ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay binalkan ko ito and I found myself picking it.
Lalapitan at tatawagin ko sana ang babae para ibalik ang panyo ng may lumapit ditong lalaki kaya't napahinto ako.
Itinago ko na lamang muna ang panyo, saka ko na ito ibabalik.
-
Lunch time at dumeret'yo ako sa cafeteria para kumain. Hindi ko alam kung bakit saan man ako dumaan ay pinagbubulungan at pinag-uusapan ako. Kaya pinipili ko nalang lagi na mag earphone eh.
Hawak ko na ngayon ang tray at naghahanap ng mauupuan ng makita ko ulit ang babae kanina.
Ginala ko ang mata ko at napansing wala siyang kasama sa table kaya naman napagdesisyunan kong sa tabi nalang niya umupo, tutal may ibabalik rin naman ako.
Papalakad ako papunta sa direks'yon niya ng biglang may tumabi sa kaniya. Isang lalaki at ito rin ang lalaking lumapit sa kaniya kanina. Dahil doon lumiko nalang ako ng direks'yon at humanap ng ibang mauupuan.
Tapos na akong kumain pero hindi ko magawang umalis sa kinauupuan ko. Nakatitig ako ngayon sa kanilang dalawa at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila. Maya maya ay umalis ang lalaki at naiwan ang babae sa table.
Bigla nalang akong napatitig sa kabuuan ng mukha niya. Her hair was curvey like how vases has curves on it's right places where flowers were put. She had this black tantalizing eyes. I looked down on her lips that stretched slightly, and from there I saw her beauty. She indeed beautiful. I can't deny it. She's so familiar. She looks like someone I knew.
Napatungo ako at napatingin sa panyong hawak ko. Nagulat nalang ako ng mabasa ang nakaburda dito.
"Hey!" Sigaw sa akin ng isang lalaking tumabi sa akin.
"Nakatitig ka sa kaniya?"
"Kanino?"
"Dun." And he pointed that girl. "Crush mo?"
"No." I directly said.
"Buti naman. Crush ko siya." Bulong niya sa akin.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko para narin maliwanagan kung bakit ganon ang nakaburda sa panyo.
"Si Herriette."
"Herriette?"
"Herriette C. Reagan."
-
Matapos kong marinig ang buong pangalan ng babae ay naguluhan ako.
Kaya pala H.C. Reagan ang nakaburda sa panyo. Pangalan niya 'yon at sigurado akong sa kaniya ang panyo.
Pero ang mas ikinalilito ko ay kung bakit ganon ang apelyido niya. I thought wala na akong ibang kamag-anak sa Pilipinas?
BINABASA MO ANG
OUR SURNAME
Teen FictionSi Herriette na nag-iisang anak ng mag-asawang Cosmus ay kaiba ang apelyido sa kaniyang magulang. Makikilala niya ang lalaking nagngangalang Jacinth Reagan at magiging malapit dahil sa magkaparehas nilang apelyido. Ngunit ang alam ng binata ay wala...