CHAPTER 10

466 34 2
                                    

Herriette's POV

Hindi parin ako maka get over sa nangyari kagabi. Tumawag sa akin ang best friend kong si Allisha at sinabing lilipat na siya ng school sa ibang bansa. Pinilit daw siya ng parents niya dahil kailangan at para narin sa ikabubuti ng future niya.

Hindi naman ako tutol kung iyon ang mas makapagpapa-unlad sa kaniya kaso nga lang nakakalungkot. Wala akong ibang kaibigan dito sa school. Wala naman akong nagawa kaya sumupport nalang ako kay Allisha, but we promised na hindi mapuputol ang komunikasyon naming dalawa. We are still best friends.

Ngayon ang huling araw niya sa Pilipinas  at lilipad na siya sa ibang bansa. Hindi ako pumasok para makasama ko ng matagal si Allisha.

Kailangan naming magbonding bago man lang niya ako iwan.

"Sisss!" Pagyakap sa akin ni Allisha ng makarating na ito sa bahay.

"Naiiyak ako Alli! Bakit mo ba ako iiwan ha?" Pagkalas ko sa yakap.

"Huwag ka ngang malungkot diyan. Babalik naman ako kapag nakapagtapos na HAHAHA."

"Ang layo pa Alli. First year ka pa lang."

"Uuwi naman ako kapag may special occasions, pati kapag magb-birthday ka. Alam mo tama na ang drama. Magsho-shopping tayo, libre ko lahat. Tara na."

Hinila niya ako papasok sa kotse niya. Pinatakbo niya ang makina nito at nagsimulang umandar.

Pumunta kami sa MOA. Nanood kami sa sinehan. Naglaro sa Tom's World. Nagshopping, mga bagong damit mga dress, skirts, shorts, and T-shirts. Pati shoes and heels at iba't ibang merchandise na madaanan namin. Naggala rin kami sa NBS at kumain sa isang food court.

Wala kaming sinayang na kahit isang segundo para sa bonding na ito.

Ngayon ay pasado ala-sais na ng gabi. Papalabas na kami ng biglang may isang stall ang pumukaw ng atensiyon namin.

"Pahula na kayo mga iha, libre nalang para sa inyo." Sabi ng isang matandang babaeng nakaupo sa isang lamesa. Puno ng kakaibang bagay ang lamesang iyon at halatang manghuhula siya.

Nagtinginin kami ni Allisha at ngumiti sa isa't isa. Sign ng pagpayag. Dahan dahan kaming lumapit sa puwesto ng matanda. Hanggang sa nasa harapan na nga kami nito.

"Parsley." Tugong ng matanda na siyang ikinalaki ng mata ko.

"Iha bagay sa apeyido mo ang apelyidong Parsley." Dagdag ng matanda habang nakatingin sa akin.

"Hala yieee si Juliane na 'yon! 'Yung crush mo!" Pagkant'yaw sa akin ni Allisha.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ni Allisha.

"Kailangan na nating umuwi, Herriette. Baka mahuli ako sa flight."

"Mauna na po kami, salamat po!" At doon hindi pa man nakakapagpahula si Allisha at hindi pa man ako nakakapagtanong ay nagpaalam na kami sa matanda.

"Teka lang iha!" Pahabol ng matanda ngunit nakalayo na kami.

-

Nakangiti akong nakahiga ngayon sa kama ko. Kinikilig ako sa hula sa akin ng matanda.

"Bagay sa apelyido ko ang apeldyidong Parsley." Mahinang sambit ko.

What's with that surname? Bakit bagay raw sa apelyido ko?

Hindi kaya si Juliane ang future ko?

Napataklob nalang ako ng kumot matapos maisip ang bagay na iyon.

Bakit ako kinikilig ng ganito? Inlove na ba ako kay Juliane?

-

Ilang araw narin ang nakalipas matapos umalis ni Allisha sa Pilipinas. Si Viana Allison ang naging kaibigan ko sa school.

Hindi kami mag bestfriend sad'yang close lang kami. Isa pa palagi naming pinag-uusapan si Jacinth at Juliane.

Siya may gusto sa pinsan kong si Jacinth at ako na may gusto naman sa kapatid niyang si Juliane.

Mas naging close rin kami ni Jacinth. Lagi kaming magkasama. At ang totoo niyan palagi kaming magkasabay kumain sa lunch at sabay umuwi. Siya yata ang pumalit sa best friend kong si Allisha.

-

Narito kami sa Dance Studio, lahat kami ay nagpapractice ng sayaw para sa isang subject namin na isa sa mga requirements para makapasa.

"Oh tubig." Pag-abot sa akin ng bottle of water ng dalawa. Sabay kasi akong inabutan ng tubig ni Jacinth at Juliane.

Nagtinginin silang dalawa at doon binawi ni Jacinth ang tubig at siya nalang ang uminom kaya naman kinuha ko ang binibigay sa akin ni Juliane.

"Teka anong meron sa inyong tatlo?" Tanong ng isang babae na ngayon ay nakatayo sa harap namin.

"Sabay pa kayong nag-abot ng tubig sa kaniya. Don't tell me, ow! Are you guys are courting her?" Dagdag pa nito na ikinalaki ng mata ko.

"Ikaw Jacinth? Diba lagi kayong magkasama. Sabay kumain ng lunch at sabay umuwi. Baka kayo na hindi niyo lang sinasabi?" Sabat naman ng isang babae.

"Sino ba 'tong babaeng ito? Bakit na sa'yo lagi ang atens'yon ng dalawang ito? Oh baka talagang malandi lang ang babaeng 'to?"  Pagtayo pa ng isang babae.

"Watch your words." Pagpapahinto ni Juliane sa tatlong babae na sa tingin ko ay magkakaibigang may gusto kay Jacinth at Juliane.

"At talagang kampi ka sa babaeng 'yan, Juliane? Hindi mo ba alam baka sila na ni Jacinth tapos nililigawan mo pa rin siya."

"Hindi ko siya nililigawan." Sagot ni Juliane. At doon parang may biglang kumirot sa dibdib ko.

"Hoy tumigil nga kayo! Magpinsan si Herriette at Jacinth ok? Mga malis'yosa! Diba Jacinth?" Biglang pagdating ni Viana.

Napatingin ako kay Jacinth naa ngayon ay nakatitig sa akin. Lumagok siya ng tubig mula sa bote at'saka nagsalita.

"Pinsan? Oo. Magpinsan kami." Pagkatapos ay umalis siya at iniwan ang Dance Studio. Sumunod naman sa kaniya si Viana.

"Sa susunod huwag agad kayong basta basta manghuhusga. Magkaibigan lang kami, ok?" Pagpapaliwanag ni Juliane sa tatlong babae dahilan ng pag-alis ng mga ito.

"Are you ok?" Agad na tanong niya sa akin. Pilit nalang akong ngumiti sa kaniya na sapat na para malaman niyang ok lang ako.

Fvck! Bakit ako nasasaktan? Hindi dahil sa mga sinumbat sa  akin ng mga babaeng 'yon but the fact na nasampal ako ng reality na we're just friends and nothing more.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon