CHAPTER 12

432 31 3
                                    

Herriette's POV

Deret'yo akong umuwi sa bahay matapos malaman kay Viana na hindi na bumalik si Jacinth sa room nila. Hindi raw ito pumasok.

Pagkauwi ko ay agad kong dinial ang phone number niya at tinawagan ito ng makailang ulit pero walang sumasagot. Tinadtad ko narin siya ng text pero walang tumutugon.

Nag-aalala ako sa kaniya hindi ko alam kung nakauwi na ba talaga siya. Ang sabi sa akin ni Viana wala naman daw problema na nangyari sa pagitan nila kanina. Sabay daw silang kumain at pagkatapos noon ay umalis na si Jacinth.

Nagtagal ng dalawang oras ang paghihintay ko bago tumunog ang phone ko. Sa wakas! nagreply narin siya sa texts ko.

Pinsan: nasa bahay ako, umuwi lang ako dahil sumama ang pakiramdam ko kanina, pero ok na ako ngayon.

Matapos mabasa 'yon ay nakahinga na ako ng maluwag. Mabuti naman.

-

Kagulo at tila kinikilig ang mga est'yudyante ngayon sa School.

Dumeret'yo ako kung saan ang umpukan at doon nakita ang mga larawang nakapaskil sa bawat sulok.

"Grabe sila na pala."

"Bagay sila oh."

"Nakakakilig sila!"

Ang mga larawan- si Jacinth at si Viana.

May larawan na magkahawak sila ng kamay. At naroon din ang lawaran nila na nasa GreenHouse. Nakaupo habang nakatingin sa isa't isa. Mayroon ring magkalapit ang mga mukha nila habang nakangiti si Viana.

"Omg! Sinong kumuha ng mga larawang 'yan? At sinong nagpaskil niyan diyan?" Biglang pagdating ni Viana. Mukha siyang gulat.

"Viana bagay kayo ni Jacinth!" Sigaw ng isang babae na ikinapamula ng mukha ni Viana.

Maya-maya ay dumating si Jacinth. Galit ang kaniyang ekspresyon at matapos makita ang mga larawang nagkalat mabilis siyang naglakad palayo. Dahil doon sinundan ko siya hanggang sa mapunta kami sa rooftop.

"Sinong nagpakana no'n?" Deret'yong sambit ni Jacinth. Alam niya palang sinundan ko siya.

"Bakit ganiyan ang inaakto mo? Akala ko nagkakamabutihan kayo? Nakakakilig kaya--"

"Damn Herriette! Anong pinagsasabi mo? Hindi ko siya gusto!"

"Bakit ba hindi mo siya magustuhan? Mabait si Viana. Maganda, sexy, matalin--"

"Bakit ba pinipilit mo sa akin si Viana? Ayoko sa kaniya kaya puwede ba? Huwag mo na siyang ipagpilitan sa akin." At doon iniwan niya akong tulala sa rooftop.

Ngayon ko lang siya nakitang gano'n. Ngayon lang siya tumitig sa akin ng gano'n at hindi ko gusto 'yon.

-

Hindi kami sabay naglunch ni Jacinth at umuwi rin akong mag-isa dahil hindi na pala ito pumasok matapos ang nagyari kanina.

Galit siya sa akin.

-

Alas tres na ng madaling araw. Maaga kaming nagpunta sa school dahil may Trip kami sa Boracay.

Ilang minuto nalang ay aalis na ang mga bus pero wala parin hanggang ngayon si Jacinth. Baka galit parin siya sa kin?

Tatawagan ko na sana siya through phonecall ng makita ko siyang umakyat sa bus.

Nagkatinginan kami at hindi niya ako pinansin. Katabi ko ngayon si Juliane. Nasa likod si Viana at tanging sa tabi nalang nito ang vacant. Umupo si Jacinth sa tabi ni Viana, tumingin ako sa kanila pero nakatingin sa ibang direks'yon si Jacinth kaya naman nagbalik ako ng tingin.

Nagsimulang umandar ang bus at sa katagalan ng oras, sa wakas! narito na kami sa Boracay.

"Four persons in one room. Two beds ang bawat room, kayo na ang bahala kung sino ang mga kasama niyo. Sa mga binigayan ko ng susi and number, 'yun ang room niyo bahala kayong maghanap ng 3 others na makakasama niyo. So enjoy guys, kaming mga teacher ay mag eenjoy narin." Sambit ni Professor bago tuluyang umalis kasama ang ibang teachers.

"No. 022! Jacinth, Viana and Herriette. Tara na tayo tayo lang din naman ang magkakakilala rito." Sigaw ni Juliane sa amin. So isa pala siya sa nabigyan ng susi, buti nalang.

Bigla akong napatingin kay Jacinth, tumingin din siya sa akin pero agad ring nagbawi ng tingin. Galit parin siya. Hindi ko na siya kinausap pa at sumunod kay Juliane paakyat ng room namin.

Magkatabi kami ni Viana sa isang bed at sa kabilang bed naman si Jacinth at Juliane. Buti nalang rin dalawang CR ang nasa room na ito. For girls and boys

-

It's already 9:00 in the evening. Tulog na ang lahat at ako nalang ang gising.

Bumangon ako sa kama at lumabas ng room. I need fresh air, hindi ako makatulog.

Naglakad ako palabas at nagpunta sa dalampasigan. Umupo ako sa buhangin at tinitigan ang tahimik na dagat.

Sa hindi inaasahan pumatak bigla ang luha ko kasabay noon ang paglitaw ng isang imahe kaya naman agad kong pinunasan ang mga kuha ko.

"Nakaistorbo ba ako? Sige ituloy mo lang 'yung iyak mo." Akto siyang aalis ng bigla akong magsalita.

"Oy hindi naman pinsan. Teka dito ka muna." Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Umupo rin siya.

"Hindi kana galit sa'kin?" Tanong ko kay Jacinth habang nakatingin ng deret'yo sa dagat.

"Yon ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" Napatawa nalang ako sa tanong ni Jacinth.

"Baliw! Bakit ako iiyak ron? Hindi 'no."

"So bakit ka umiiyak?" Napahinto ako sa tanong niya at doon tumulo ulit ang luha ko.

Napatingin ako kay Jacinth na ngayon ay nakatingin narin sa akin.

"Ok lang kahit hin-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Jacinth, agad akong nagsalita kasabay noon ang pagsandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Huwag mo akong titingnan habang nagkek'wento ha?" Ramdam ko ang pagtango ni Jacinth.

"I'm crying because of my Mom and Dad."

"They fought last night. Hindi ko alam kung bakit lagi silang nag-aaway tuwing magkakasalubong ang landas nila. Minsan na nga rin silang magkita kahit mag-asawa sila. Magkaiba rin sila ng office sa company namin at may kaniya kaniya silang gawain."

"I missed them. I missed the old them, nagbago sila eh. You know what, pinsan? When I was young, napakasweet nilang dalawa. Lagi rin silang may oras sa'kin, hindi 'yung puro trabaho. Always rin kaming nagbabonding. Napakaperfect ng family namin not until my 13th birthday comes. September 25 n'on. Nagbago lahat. Alam mo laging mainit ang ulo ni Mom ang Dad lagi silang nagbabangayan hindi nila alam naaapektuhan rin ako. Pero masuwerte parin ako kasi minsan maganda ang mood ni Mom pagdating sa'kin."

"Muntik na silang maghiwalay kahapon kung hindi lang dahil sa'kin. I pleased them, nagmakaawa ako sa kanila." At doon nagsipatakan ang malalaking luha sa mata ko.

"Herriette." Pagtawag sa akin ni Jacinth.

Tumingin ako sa kaniya habang nakapatong parin ang ulo ko sa balikat niya. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon ng dahan dahan hanggang sa lumapit ang mukha ko sa mukha niya.

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko magawang gumalaw. Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko, at sa hindi inaasahan bigla nalang naglapit ang mga labi namin.

He kissed me.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon