CHAPTER 24

379 29 2
                                    

Herriette's POV

Isang buwan narin ang nakalipas matapos ang birthday ko. Hindi na kami nag-uusap ni Jacinth. Wala na kaming komunikasyon. Ni tingnan nga ay hindi niya ginagawa.

Nililigawan na ako ni Juliane. Lagi kaming magkasama at kalat na sa school na itinaktda na kaming ikasal.

"May transferee!"

"Ang ganda n'ong transferee student."

"Kakilala siya ni Jacinth?"

"Baka girlfriend niya?"

"Bakit sila magkasama?"

Rinig kong bulungan ng mga est'yudyante dito sa hallway. Maya maya biglang dumating si Jacinth kasama ang isang babae.

As I stared at the girl's long straight physique- like how a line drawn on a paper where ruler were used; her ebony-like dark hair too, was blown by the wind: dancing with passion that of all a ballerinas. I stared at her intently, scrutinizing every details of her face, she has this brown eyes that could make people fall, I looked at her pinkish cheeks to her pointed nose down to her lips that stretched slightly and from there I felt like a goddess has just came down on Earth. She's almost perfect!

"Hi!" She greeted while facing us a wide smile.

"H-hello!" Sambit ko pagkatapos niyang batiin kami ni Juliane.

"Mauna na ako. Kaya mo na ang sarili mo, Hershelle." Matapos 'yon ay nilisan kami ni Jacinth. I suddenly froze and felt something inside me. That name. It's familiar.

"Hoy Jacinth! Wait for me. Bago palang ako dito kaya huwag mo akong iniiwan." Sambit ng babaeng nagngangalang Hershelle habang hinahabol si Jacinth.

"Herriette." Napapitlag ako ng tawagin ni Juliane ang pangalan ko.

"Hmm?"

"Kahawig mo 'yung babae. Pero mas maganda ka syempre." Ngumiti ako matapos sabihin 'yon ni Juliane.

"Baliw ka talaga, Juliane. Mas maganda 'yon." I laughed bitterly.

-

Lunch time, kasabay ko si Juliane ng biglang lumapit sa'min 'yong babae kanina na kasama ni Jacinth.

Hila hila niya sa'min si Jacinth, parang pinipilit na maupo sa table namin.

"Pasabay kami ni Jacinth ha!" Nakangiting sambit ng babae.

"Ang cute niyo ni Jacinth," wika ni Juliane na katabi ko.

Napatingin ako kay Jacinth na nakatitig pala sa'kin kaya nagbawi agad ako at napayuko.

"Talaga?" The girl laughs.

"Oo nga pala! Hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Hershelle.. Hershelle N. Cosmus." Pagpapakilala nito habang nakalahad ang kamay sa akin.

I literally stopped as I heard her whole name. Kaano-ano ko siya?

"I'm Juliane E. Parsley. Nice meeting you, Hershelle." Pag-abot ni Juliane ng kamay dito. Maya maya ay humarap naman sa akin si Hershelle.

"And you?"

"I-I'm Herriette C. Reagan." Matapos kong sabihin 'yon ay tila nagbago ang ekspreyon sa mukha niya, pero kalaunan ngumiti siya at inabot ang kamay ko.

-

Jacinth's POV

Pinilit ako ni Hershelle para sumama sa kaniya dahil sa magtatransfer siya sa Vtrix University. At dahil ako ang tumulong para sa papers niya, minabuti na ng paaralan na pagsamahin kami sa iisang section.

"Sigurado kang ayaw mong ituro ko kung sino si Herriette?"

"Told you, Jacinth. Gusto kong ako mismo ang makakilala sa kaniya. At ako na ang bahala para makilala niya ako."

Hindi nalang ako muling nagsalita pa. Do what her want and I don't care.

Naglalakad kami sa hallway ng magkasabay at doon maraming est'yudyante na naman ang pinag-usapan kami.

Nakita ko si Herriette kasama si Juliane. Well, nothing new. Nilapitan sila ni Hershelle at binati, sa dami dami ng tao sila pa talaga?

Agad ko silang iniwan pero sinundan din ako ni Hershelle.

Dumating ang lunch, hinila ako ni Hershelle palapit sa table nina Herriette at Juliane. At wala na akong nagawa.

Tumingin ako kay Herriette, sinusuri ko ang magiging reaksiyon niya sakaling makilala niya ang taong nasa harapan niya.

Nagulat nalang ako ng biglang magtanong ito kay Hershelle.

"My middle name is Cosmus. Do you think magkamag-anak tayo?" Tanong nito na hindi ko na ikinagulat. Hindi ko alam ang ibigsabihin ng middle name ni Herriette noon not until nagk'wento sa'kin si Mom at nalaman ko lahat.

Napangiti si Hershelle at sumagot, "I think yes."

"I'm sure magkamag-anak kayo, hindi kayo nagkakalayo ng histura, magkahawig talaga." Dagdag naman ni Juliane.

"I'll ask Mom about you, Hershelle."

"Kailangan mo talaga siyang tanungin, by the way, mauna na kami ni Jacinth baka nakakaistorbo na kami sa inyo."

And we left them.

-

Pauwi na kami, magkasabay kami ni Hershelle ng biglang humarang sa amin si Viana.

"Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong ni Viana. Kahit kailan ang kulit talaga ng babaeng 'to.

"It's none of your business." Sagot ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Hershelle ng humarang ulit siya sa'min.

"Hey ano ba! Sino ka ba?" Sigaw ni Hershelle.

"Ikaw ang sino? Sino ka ba ha?" Dahil sa inis, hinila ko sa bewang palapit sa'kin si Hershelle.

"She's my girlfriend." Sambit ko para tigilan na niya ako.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Viana, at kita ko rin ang pagngisi ni Hershelle sa ibang direks'yon dahilan ng pagtingin ko dito.

At doon nakita ko si Herriette kasama si Juliane. Nagulat ako noon at sa hindi inaasahan, hinila ako ni Hershelle palapit sa kaniya.

She kissed me. I don't know, but I closed my eyes, hinawakan ko rin ang pisnge ni Hershelle at hinalikan siya pabalik.

Sa harap nila.

OUR SURNAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon