Maxine's POV
"Ano?! Tinambangan kayo ng mga werewolves kagabi?!" Sigaw ni Coleen pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kagabi sa amin ni Azri.
Tahimik lang akong tumango.
Maaga akong pumunta sa pack ngayon para makausap siya at si Azri rin naman ay maagang nagpunta sa Bloodstone.
"Kailangan nating malaman kung saan silang pack nabibilang." Wika ko.
"Wala rin akong ibang alam na pack dito sa atin. Tsk! Ano bang nangyayari?!" Pasalampak siyang umupo sa sofa rito sa secret room. Nanatili naman akong nakaupo sa swivel chair at nag-iisip.
"Kailan ang balik ni Edon?" Tanong ko.
"Ang sabi niya ay with in this week so malamang bigla na lang iyon susulpot simula ngayon." Sagot niya.
"May naghahanap ba sa akin?"
Sabay kaming napatingin ni Coleen sa pintuan at nandoon si Edon na nakangiti habang nakatingin din sa amin.
"See? I told you." Walang ganang bulong ni Coleen.
"Edon! Buti naman at bumalik ka na." Masaya kong sabi ng makalapit siya sa amin.
"Namiss ko kayo e." Nakangiti niyang sagot at naupo sa tabi ko.
Binalingan ko naman si Coleen at nanunukso ko siyang tiningnan pero inirapan niya lang ako.
"Ngingiti-ngiti ka riyan? Sabihin mo na ang problema natin!" Inis na sabi niya. Bakit ng init na naman ng ulo nito? May LQ na naman sila?
"Problema?" Baling ni Edon sa akin na mukhang nagtataka.
"Uuwi na si lolo."
"Nasabi nga ni lolo sa akin. Malamang ay sabay silang dadating dito." Seryosong sabi niya.
"Lolo mo?" Taka kong tanong.
"Yes, matalik na magkaibigan ang lolo ko at lolo niyo."
"Natatakot kami sa pwedeng mangyari pag-uwi ni lolo. Alam mo naman siguro kung bakit?"
Tumango naman siya at hindi na nagsalita. Mukhang bigla rin siyang napaisip.
"Mayroon pang isa." Sabi ko. "Tinambangan kami ng mga werewolves kagabi habang pauwi na kami ni Azri. Miyembro sila ng ibang pack."
Nagulat na naman siya sa sinabi ko.
"Gusto kong malaman ang background ng lahat ng pack." Seryoso kong sabi kay Edon. "As soon as possible, please."
"Expect it tomorrow." Sagot naman niya.
DUMAAN MUNA AKO sa coffee shop na nasa loob ng Bloodstone bago ako pumunta sa office ni Azri. Nag-take out ako ng frappe at blueberry muffin.
"Ise-serve ko na lang po sa inyo, Ma'am. Upo po muna kayo." Nakangiting sabi sa akin ni ate kaya nginitian ko rin siya saka tumango.
Umupo ako malapit sa counter. Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong may na-receive akong email kaya agad ko itong binuksan.
Muntik na akong mapasigaw sa tuwa dahil galing ito sa Stanfield Corporation. Sabi rito ay hindi ko na raw kailangan ng final interview dahil hired na ako at pinapag-start na ako bukas!
"Hi."
Nagulat ako sa lalaking nakaupo sa tapat ko at nakangiting nakatingin sa akin. Siya na naman?
"You look so happy." Muli niyang sabi.
"A-Ah oo, hired na kasi ako sa Stanfield."
"Really? Congratulations! I'm happy for you." Lalo pang lumawak ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampireBook 2 of Engaged With The Vampire King.