Maxine's POV
Salubong agad ang kilay ni Azri ng bumaba ako mula sa sasakyan ni Andrei. Alam niya na ba na alam ko na ang lahat?
"Dito na 'ko, queen, master." Paalam ni Andrei saka mabilis na umalis.
Naglakad naman ako palapit kay Azri at hinalikan siya sa pisngi. Nang lumayo ako ay seryoso pa rin siya at nagulat na lang ako nang bigla niyang i-angat ang kaliwang braso ko.
"What happened to your arm?" Kunot noong tanong niya at nagulat ako ng makitang may kalmot ako sa braso.
Hindi ko napansin 'yon at hindi ko rin naramdaman. Nakalmot siguro ako 'nong nagpupumiglas 'yong werewolf mula sa pagkakasakal ko.
Sasabihin ko ba ang totoo kay Azri? Lalo siguro siyang magagalit kapag nagsinungaling ako at isa pa, kakausapin ko rin siya tungkol sa mga nalaman ko.
"May humarang kasi kaninang werewolf sa dinadaanan namin ni Andrei." Mahinang sabi ko.
Malakas na suminghap si Azri at parang pilit pinapakalma ang sarili.
"Pero huwag kang mag-alala kasi napaalis ko naman agad at hindi naman kami nasaktan." Ngumiti pa ako nang matamis pero hindi nagbago ang kaseryosohan niya.
"Then what do you call that?" Galit niyang sabi habang nakaturo sa braso ko.
"Kalmot? Hindi naman masakit e. Ngayon ko nga lang napansin 'nong sinabi mo." Tumawa pa ako pero mukhang galit talaga siya.
Inirapan niya lang ako saka tahimik na pumasok sa loob. Tingnan niyo 'yon, nagsusungit na naman.
Sumunod na lang din ako hanggang sa makarating kami sa living room. Umupo ako sa sofa at pinanood siyang magsalin sa wine glass niya.
"What are your plans for our vacation?"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at bigla kong naalala na weekend na bukas. Sabi nga pala niya ay weekend kami magbabakasyon at hindi ko pa nasasabihan sina Coleen at lolo!
"A-Ah nakalimutan ko kasi dahil sa sobrang busy. Pupunta na lang ako sa pack ngayon para makausap si Coleen at lolo."
Sa sobrang dami kong iniisip nakalimutan ko na iyon. Nakakinis naman.
"Go there tomorrow. I won't allow you to go out tonight." Sabi niya saka uminom sa hawak niyang baso.
Masyadong seryoso ngayon si Azri kaya hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nalaman ko. Baka lalo lang siyang magalit.
Iisipin ko na lang muna kung paano ko sasabihin kay lolo na kasama si Azri sa bakasyon na sinabi ko sa kanya.
"Do you have something to tell me?" Salubong ang kilay na tanong ni Azri.
Napakurap naman ako at ngayon ko lang napansin na nakatulala lang pala ako sa kanya habang nag-iisip.
"W-Wala. Kumain ka na ba?"
"I'm not hungry." Walang emosyon niyang sagot saka inikot ang kanyang daliri sa ibabaw ng baso.
"Busog na rin ako e kasi kumain muna kami ni Andrei bago umuwi."
Tumango lang naman siya at hindi na nagsalita. Mukhang malalim din ang iniisip niya pero hindi ko malaman kung ano.
KINABUKASAN AY MAAGA akong nagpunta sa pack. Sinabi ko kay Coleen na sabay-sabay kaming magbe-breakfast ni lolo. Hinatid lang ako ni Azri pagkatapos ay dumiretso na siya sa Bloodstone dahil may importante raw siyang aasikasuhin.
Pagkarating ko ay nakaupo na sina lolo at Coleen sa tapat ng table at mukhang ako na lang ang hinihintay.
"Good morning, lolo." Bati ko saka nagmano sa kanya.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.