Coleen's POV
Inis akong bumangon at chineck ang orasan sa bedside table ko. Alas tres pa lang ng madaling pero may kumakatok sa pintuan. Badtrip!
Kunot noo kong kinuha ang baril ko sa drawer saka pumunta sa tapat ng pintuan.
"Sino 'yan?!" Pasigaw na sabi ko ng muli itong kumatok.
"Ako 'to, future boyfriend mo." Sagot niya at napairap ako dahil si Andrei 'yon.
Ano namang ginagawa ng bwisit na 'to rito?
Inis kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa aking ang napakalapad na ngiti niya na ikinabwisit ko lalo.
"Ano namang ginagawa mo rito ng ganitong oras? Alam mo bang hindi ako nagdadalawang isip na pasabugin ang ulo ng kung sino man ang manggigising sa akin?" Seryosong sabi ko saka ikinasa ng hawak kong baril.
"Woah, kalma ka lang. Sorry kung nagising kita. Kanina pa talaga ako rito dahil inutusan akong bantayan ka." Sagot niya habang nakataas ang dalawang kamay.
Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig.
"At sino naman ang nag-utos sa'yo?" Inis kong tanong.
"Si Max." Sagot niya agad.
Nilapitan ko siya at tinitigan kong maigi ang mukha niya dahil parang hindi kapani-paniwala ang isinagot niya sa akin.
"Si Max? At bakit niya naman ako ipapabantay sa isang katulad mo?"
"Hindi ko rin alam pero kinausap niya ako kanina. Sumusunod lang ako sa utos ng queen namin." Aniya at mukhang nagsasabi nga talaga siya ng totoo.
Ano na naman kayang trip ng abnormal na 'yon at pinababantayan pa ako? Dahil ba sa naging ingkwentro namin kay Jeffrey Gregor? Tss.
"Umuwi ka na." Walang gana kong sabi at isasara ko na sana ang pintuan pero mabilis niya itong pinigilan.
"Hindi ako pwedeng sumuway sa utos niya. Babantayan kita sa ayaw at sa gusto mo."
Napapikit ako dahil sa matinding inis. Gusto ko siyang sapakin!
"Umuwi ka na hanggang kaya ko pang magpigil. Kaya ko ang sarili ko at walang magtatangka sa buhay ko." Pigil ang inis kong sabi.
"Sinabi ni queen na naka-engkwentro mo na naman daw si Jeffrey Gregor." Kampante niyang sagot.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman?"
"Ibig sabihin lang 'non ay kailangan mo talaga ako." Pangiti-ngiti niyang sagot.
Napangiwi naman ako. "At sino namang may sabi sa'yong kailangan kita?"
"Si Max." Mabilis niyang sagot.
Gusto ko siyang sapakin sa sobrang bwisit ko dahil hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi niya sa akin.
"Kailangan ko pa bang ulitin sa pagmumukha mo na hindi kita kailangan? Umalis ka na nga!"
Isasara ko na ulit ang pintuan pero masyado siyang malakas. Bwisit talaga.
"Fine, listen to me. Kanina pa ako nandito sa harap ng bahay mo at simula ng dumating ako ay marami na agad akong napansin na nagmamasid sa'yo sa tabi-tabi."
Napatingin naman ako sa paligid at kahit hindi ko nakikita ang mga iyon ay ramdam na ramdam kong may mga nakatingin nga sa amin.
"Pumasok ka." Sabi ko na lang at naglakad na ako patungo sa sala.
Tahimik akong umupo sa sofa at nag-isip. Sinasabi ko na nga ba't babalik 'yang si Jeffrey Gregor e.
Kasalanan 'to ni Max kung hindi niya pinairal ang kabaitan niya. Alam ko namang naawa lang siya sa bwisit na 'yon kaya hindi niya tinuluyan. Tapos ano ngayon? Uutusan niya si Andrei na bantayan ako? Abnormal talaga e.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
WampiryBook 2 of Engaged With The Vampire King.