Chapter 36

4.1K 154 4
                                    

Maxine's POV

Pagmulat ko ay nasa pamilyar akong lugar kaya bigla akong napabalikwas. Nandito ako ngayon sa dati kong kwarto sa bahay namin ni Azri.

Bigla kong naalala ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang imahe ni Edon na wala ng buhay at ang pagtusok sa akin ni Timothy sa leeg ng kung anong bagay. Napahawak tuloy ako sa leeg ko.

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa pintuan pero nagulat ako nang bumungad sa akin si Coleen pagbukas ko.

"Oh gising ka na pala." Gulat din niyang sambit.

"Anong nangyari? Si Edon? Kumusta siya? Nailigtas niyo ba siya?" Sunod-sunod kong tanong pero yumuko lang siya.

Nanikip na naman ang dibdib ko. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at walang lakas na inalog upang sagutin niya ako.

"Coleen... sumagot ka." Wika ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luhang namumuo sa mga mata ko.

"Wala na siya, Max. Patay na si Edon." Malungkot niyang sagot.

"Colee-"

Sumulpot si Andrei na hindi natuloy ang sasabihin.

Puno ng benda ang kanyang katawan at may bahid pa ng dugo at iba't-ibang parte nito. May malaki ring bandaid sa pisngi at leeg niya.

"Q-Queen." Sabi niya ulit saka yumuko.

"Anong nangyari sa'yo?"

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil wala sa kanila ang nagsasalita. Nilingon siya ni Coleen, mukhang nag-uusap sila sa tingin at ramdam kong may ayaw silang ipaalam sa akin.

"Sabihin niyo nga sa akin kung anong nangyari habang wala akong malay." Ma-awtoridad kong sabi dahil hindi ko nagugustohan ang ikinikilos nila.

"Magpahinga ka na muna, Max. Mamaya ko na lang sasabihin sa sa'yo." Sagot ni Coleen. Umiling ako.

"Sabihin mo na ngayon sa akin. Ano bang nangyayari?!"

Nakatikom lang ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin. Binalingan ko naman si Andrei pero nakayuko lang siya.

"Andrei! Coleen! Kailangan ko pa nang malinis na tela. Hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo ng dibdib ni Azriel." Sigaw ng isang babae.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano ba talaga ang nangyayari? Tama ba ang narinig ko? Si Azri?

Wala sa sarili kong hinawi sina Coleen at Andrei palayo sa dadaanan ko at patakbo akong nagtungo sa kwarto namin ni Azri. Pagbukas ko ng pintuan ay naabutan ko ang isang babae na mukhang doctor dahil sa suot nito.

Bumaba ang tingin ko sa dalawang kamay niya na parang binibigyan ng pressure ang dibdib ng lalaking nakahiga sa kama. Nanginig at nanghina ang mga tuhod ko dahil si Azri 'yon.

Pinilit kong lumapit sa kanila at natulala ako dahil sobrang dami ng dugo.

"Max hindi ka pwede rito. Lumabas na muna tayo." Dinig kong sabi ni Coleen na humawak sa balikat ko.

Tulala akong umiling at ramdam ko rin ang masaganang luha na panay ang agos sa pisngi ko.

"A-Anong nangyari, Coleen? Anong nangyari kay Azri?" Tanong ko at napahawak ako sa kanya dahil nanginginig ang mga kamay ko.

Lumapit si Andrei sa doktor at inabot ang puting tela. Napayakap na ako kay Coleen dahil hindi ko na kayang makita pa ang sunod nitong gagawin.

Namalayan ko na lang na nakalabas na kami ng kwarto pero hindi pa rin ako mahinto sa pag-iyak.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon