Chapter 40

5.9K 191 8
                                    

Maxine's POV

Pagkatapos kong ilagay sa likod ng sasakyan ang pinamili naming groceries para sa handaan mamaya ay isinara ko na agad ang compartment.

Kumunot ang noo ko nang makitang bukas ang pintuan ng backseat at nagmamadali kong chineck ang loob ng sasakyan pero wala na ang mga nakaupo kanina.

Agad kong nilibot ang paningin at pinakiramdaman ang paligid hanggang sa may marinig akong kalabog sa 'di kalayuan.

Napatakbo ako patungo 'ron at bumungad sa akin ang dalawang lalaking wala nang malay sa sahig. May mga baril din sa gilid na mukhang nabitawan ng mga ito.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang matandang babae sa gilid ng sasakyan na nakayakap sa dalawang batang lalaki.

"Thank you for saving me, kids. Anong pangalan niyong dalawa?" Tanong nito pagkatapos humiwalay sa kanila.

"My name is Phoenix Sage Knight, grandma." Magalang na sagot ni Phoenix.

"And I'm Silver Dawn Knight, grandma." Nakangiti namang sabi ni Silver.

Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at ayos lang sila.

Si lola naman ay bakas ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Kambal ba kayo? Ang gu-guwapo namang mga bata." Wika ni lola at parehas na hinaplos ang buhok ng dalawa na tumango bilang sagot.

"Silver. Phoenix." Tawag ko.

"Mom!" Sabay na sabi nila nang lumingon sa akin. Tumakbo sila palapit at niyakap ako.

"What happened here?" Tanong ko pagkatapos umupo para mapantayan sila.

"Those bad guys tried to rob grandma's things." Sagot ni Silver sabay turo sa mga lalaking nakahiga sa sahig.

"So we helped her." Dagdag pa ni Phoenix.

Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na chineck ang dalawa.

"Are you both alright? May nasaktan ba sa inyo?" Nag-aalala kong tanong.

Mabilis namang umiling ang dalawa at matamis akong nginitian. Hindi ko na tuloy naituloy ang balak kong pagsabihan sila dahil sa pag-alis nila nang walang paalam.

Bumuntong hininga ulit ako saka tumayo para kausapin si lola.

"Nasaktan po ba kayo?"

Nakangiti siyang umiling. "Hindi ako nasaktan, hija. Nakatawag na rin ako sa mga pulis. Salamat sa mga anak mo. Bata pa lang ay marunong nang makipaglaban at hindi pangkaraniwan ang lakas."

"A-Ah tinuturuan ko po kasi sila ng taekwondo for self defense." Sabi ko na lang.

Muli kong binalingan ang dalawa. "May I borrow your belts?"

Mabilis naman nila akong sinunod at inabot sa nakalahad kong kamay ang mga belt nila.

Sunod kong nilapitan ang dalawang lalaking walang malay at itinali ko patalikod ang mga kamay nila.

"Mag-iingat po kayo. Parating na rin po siguro ang mga pulis. Aalis na rin po kami." Paalam ko nang marinig ko sa 'di kalayuan ang sirena ng sasakyang paparating.

"Maraming salamat ulit sa inyo." Sabi ulit ni lola at sandali pang sinulyapan sina Phoenix at Silver. Kinawayan naman siya ng mga ito at naglakad na kami palayo.

Huminto ako saglit kaya huminto rin ang dalawa at nilingon ako.

"Next time huwag kayong aalis nang hindi nagpapaalam, okay?"

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon