Maxine's POV
Excited akong lumabas papunta sa parking lot dahil ngayon ko kakausapin si lolo. Kay Coleen ako nagpasundo ngayon dahil sa pack kami didiretso at nagpahanda rin ako ng dinner para sa amin. Ngayon na lang din kasi namin ulit makakasabay si lolo sa pagkain.
Natanaw ko agad si Coleen na nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan at parang may tinitingnan kung saan kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.
May pulang sasakyan sa 'di kalayuan na sa tingin ko ay kakaparada lang. Maya-maya ay may lalaking lumabas mula 'ron. Gwapo at matangkad ito.
Ibinalik ko ang tingin kay Coleen pero nakatitig pa rin siya sa lalaki kaya nilapitan ko na siya.
"Kilala mo?" Tanong ko.
Parang nagulat naman siya sa akin pero agad ding sumeryoso nang ilipat ang tingin sa akin.
"Hindi." Sagot niya sabay pasok sa sasakyan.
Nagkibit-balikat na lang ako at muling tiningnan 'yong lalaki pero ako naman ang nagulat dahil bigla rin siyang tumingin sa akin. Agad akong nag-iwas nang tingin at mabilis na pumasok sa sasakyan. Si Coleen kasi e, nakahalata ata si kuya na may nakatingin sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ni Coleen nang makapasok ako.
"Bigla kasing tumingin sa akin 'yong lalaki. Nakahalata ata na tinititigan mo. Ikaw ah! Type mo 'yon ano?" Asar ko pero dahil nga parang si Azri rin 'tong si Coleen na mainitin ang ulo e inirapan lang ako.
Ang hirap naman malaman kung anong gusto niya sa lalaki. Akala ko talaga noon gusto niya si Edon pero hindi naman pala.
NANG MAKARATING KAMI sa pack ay abala ang lahat. Nagpahanda rin kasi ako nang mga pagkain para sa kanila. Welcome party ko na rin ito para kay lolo.
Dumiretso kami sa table namin nakabukod pero tanaw pa rin ang lahat.
"Dumating na kaya si lolo?" Tanong ko nang makaupo kami.
"Kanina pa ako nandito."
Sabay kaming nagulat ni Coleen nang biglang sumulpot si lolo habang may hawak na wine glass sa isang kamay. Tumayo kami upang humalik sa pisngi niya.
"Natutuwa ako sa salu-salong ito." Wika ni lolo pagkatapos ay umupo sa pinakadulong upuan. Bumalik din naman kami ni Coleen sa pwesto namin, nasa magkabilang gilid kami ni lolo.
"Masaya rin po ako na nagustohan niyo." Sagot ko.
Nagyaya nang kumain si lolo kaya nag-umpisa na kami. Pasimple kong tiningnan sina Coleen at lolo. Nag-aabang kasi ako ng tiyempo para masabi kay lolo ang plano kong pagbobonding namin.
"May sasabihin ka ba, Max?" Tanong ni lolo pagkatapos niyang punasan ang kanyang bibig.
"Ano po kasi..." Bigla akong kinabahan. Paano ko ba sasabihin? Sana hindi magalit si lolo.
"Kung babanggitin mo lang ang tungkol sa asawa mo ay huwag mo nang ituloy dahil ayaw kong masira ang gabing ito."
Napalunok ako dahil sa sinabing iyon ni lolo kaya hindi ko na nagawa pang ituloy ang sinasabi ko. Napatingin ko kay Coleen na nakatingin din sa akin at parang dinadamayan din ang nararamdaman kong lungkot.
Paano na 'to? Paano ko mayayaya si lolo na magbakasyon kasama si Azri? Ayaw ko namang masira ang mood ni lolo ngayon.
"Maghanda kayo next week dahil may pupuntahan tayo." Sabi ulit ni lolo kaya napatingin kami sa kanya ni Coleen.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Ito na ba ang chance ko?
"Magbabakasyon ba tayo lolo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.