Maxine's POV
Tahimik lang akong nakasandal sa pader habang nakahalukipkip at nakangusong pinapanood si Azri.
Kanina niya pa kasi ako hindi pinapayagang kumilos. Siya na nga ang nagluto sa lahat ng mga pagkain at maging sa pag-aayos ng lamesa ay ayaw niya akong patulungin. Kahit ano ring pilit ko ay ayaw niya talaga akong payagan.
Nang lingunin niya ako ay nag-iwas agad ako ng tingin.
"What's with the long face huh? I just don't want you to get tired and our baby." Malambing na sabi niya na hinawakan pa ang tiyan ko saglit pagkatapos ay ang magkabilang pisngi ko.
Napabuntong hininga ako. "Gusto ko lang naman kasing tumulong para may magawa naman ako."
"Fine. Go get a pitcher of water and glasses that we're going to use later." Natatawa niyang sabi kaya nagliwanag na ang mukha ko.
Nakangiti akong pumunta sa ref at kumuha ng inumin. Kumuha na rin ako ng fresh milk at isinalansan ko ang mga baso sa lamesa.
"Happy now?" Tanong ni Azri na nasa tabi ko na at ipinulupot ang bisig sa baywang ko.
Humarap ako sa kanya at nakangiting tumango. Naiiling naman siyang ngumiti saka bahagyang pinisil ang ilong ko.
Bigla namang tumunog ang doorbell kaya mabilis akong lumayo sa kanya.
"Nandiyan na sila!" Excited kong sabi nang maramdaman kong sina lolo at Coleen na iyon.
Mabilis kaming nagtungo sa pintuan. Ako ang nagbukas at unang bumungad sa akin si lolo na may hawak na maliit na bilao.
"Lolo, spaghetti ba 'yan?" Agad kong tanong ng maamoy ko ang familiar na sauce.
Napangisi naman si lolo at inabot iyon sa akin.
"Yes. Hindi ba't paborito niyo 'yan ni Coleen noong mga bata pa kayo?" Sagot niya at binalingan pa si Coleen sa tabi niya.
Napangiti ako. "Pasok po kayo. Nakahanda na ang dinner."
Tumabi kami ni Azri para bigyan sila ng daan papasok.
"Good evening, Mr. Gonzales." Bati ni Azri na yumuko pa sa harap ni lolo.
Kinabahan ako ng huminto si lolo sa harap niya pero napalitan ito ng gulat sa sunod na nangyari. Nakangiting tinapik ni lolo ang balikat ni Azri!
"No need to be formal. You can call me lolo."
Napa-angat ang tingin si Azri at bakas sa mukha niya ang gulat. Maging ako ay gulat na gulat din!
Tumingin ako kay Coleen at nginitian niya lang naman ako. Parang gusto ko tuloy maiyak dahil matagal ko na itong pinapangarap.
"Kumain na tayo. Kanina pa ako nagugutom." Basag ni lolo sa katahimikan at mahina pang tumawa.
Nagtungo kami sa dining area. Parang lutang pa rin ako at hindi makapaniwala. Mahina ko pang tinapik-tapik ang pisngi ko para masigurong hindi ito panaginip.
Pinag-usod ako ni Azri ng upuan habang sina lolo at Coleen naman ay naupo na sa kani-kanilang upuan.
"Si Azri po ang nagluto ng lahat ng iyan, lo." Pagmamalaki ko nang mag-umpisa na kaming kumuha ng pagkain.
"Really?" Gulat na wika ni lolo.
"Opo, magaling po siya magluto." Sabi ko pa.
Ngumiti naman si lolo at tumango pagkatapos ay binalingan si Azri.
"Are you taking good care of them?" Tanong niya kay Azri.
"Of course, Mr. Gonzales." Mabilis na sagot ni Azri.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
Ma cà rồngBook 2 of Engaged With The Vampire King.