Maxine's POV
Nagpahanda ako ng dinner para sa buong pack dahil ito ang unang pagkakataon maipapakilala ko sa kanilang lahat si Azri.
Nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Naka-half up ponytail ang buhok ko at kulay itim na sleeveless dress naman ang suot kong damit na hanggang tuhod.
"Ready, love?"
Binalingan ko si Azri na nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakangiti siya at nakapamulsa. Kulay itim ding longsleeves ang suot niya na naka-tuck in sa kulay itim na slacks at may black leather belt pa siyang suot.
Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad palapit sa kanya. Sobrang gwapo niya talaga at hindi nakakasawang titigan ang mukha.
"How did I get so damn lucky huh? I have an exquisite wife and an upcoming baby that I'm sure will look like you." Nakangiting wika ni Azri na ipinulupot ang mga bisig sa baywang ko.
"Mas gusto kong kamukha mo ang magiging baby natin para sobrang gwapo rin." Sagot ko.
Ngumiti lang naman siya at sandali akong hinalikan sa noo.
"I love you so damn much." Sabi niya pa bago ako bitawan.
"I love you too, hubby." Sagot ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Let's go." Aniya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.
NANG MAKARATING KAMI sa pack ay agad na nagsiyuko ang lahat. Hinanap ng mga mata ko si lolo at nakita ko siyang palapit kasama si Coleen.
"Welcome to our pack." Nakangiting sabi ni lolo kay Azri.
"Thank you for the warm welcome, lolo." Nakangiti sagot ni Azri saka yumuko.
"Formally introduce your husband, Max." Baling sa akin ni lolo.
Tumango naman ako at binalingan si Azri. Naglakad kami patungo sa hagdanan at umakyat sa taas kung saan tanaw namin ang lahat. Nasa likuran naman namin sina lolo at Coleen.
Lumapit ako sa railings habang nililibot ang tingin sa paligid. Tahimik ang lahat at nasa amin ang kanilang atensyon.
"Magandang gabi sa inyong lahat." Panimula ko. "Para sa lahat na hindi aware kung bakit ako nagpahanda ng dinner, ngayon gabi ay unang beses kong ipapakilala sa inyong lahat ang aking asawa. Alam kong ang iba sa inyo ay nakita na siya at para sa mga hindi pa, I would like you to meet my husband, Azriel Knight."
Nagpalakpakan ang lahat at tiningala ko naman si Azri sa tabi ko. Nagngitian kami saglit pagkatapos ay nilibot niya ang tingin sa paligid.
"Good evening. It's nice to meet you all." Maikling sabi niya.
Patuloy ang palakpakan at nang muling tumahimik ay napagpasyahan kong magsalita ulit dahil marami pa akong sasabihin.
"Alam kong alam niyo rin na isa siyang bampira at nagpapasalamat ako sa inyong pagtanggap sa amin sa kabila ng ideyang kalaban ng ating lahi ang mga bampira. Nais ko sanang mapanatag kayo dahil sinisiguro ko sa inyong lahat na ang kanyang nasasakupan ay hindi natin kalaban. May paparating na digmaang kailangan nating harapin at gusto ko rin sanang hingiin ang suporta ninyo sa pagkakaisa ng ating pack at ng clan nila." Pagkatapos kong magsalita ay muli ko silang tiningnan.
"Makakaasa po kayo sa amin." Sabay-sabay nilang sagot pagkatapos yumuko.
Parang hinaplos naman ang puso ko sa narinig kaya muli akong napangiti. "Maraming salamat sa inyong lahat."
Muli silang nagpalakpakan at nagbigay na rin ako ng hudyat na simulan na ang pagkain.
Masaya akong umupo at ramdam kong maging sina lolo ay masaya rin. Tahimik kaming kumain hanggang sa matanaw ko sa hindi kalayuan si Edon kaya napatayo ako.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.