Maxine's POV
Inaayos ko na lang ang sarili ko sa salamin ng maramdaman kong nasa tapat na ng pintuan si Azri.
Nilingon ko siya para sana ngitian pero hindi ko natuloy ng makita ang lungkot sa mga mata niya.
"You look gorgeous as always." Nakangiti niyang sabi habang nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pintuan.
Napangiti na rin at nilapitan siya.
"Sigurado ka bang ayaw mo talagang sumama?" Tanong ko.
Kanina ko pa kasi siya pinipilit na sumama sa dinner namin ngayon nila lolo pero panay ang tanggi niya.
"Your grandpa won't like it if he saw me there." Sagot niya.
Napabuntong hininga na lang ako at niyakap siya. Naramdaman ko naman ang mas mahigpit niyang yakap.
"Please behave and don't make me jealous huh."
Bigla akong napatingala sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Bakit naman kita pagseselosin?"
Bumaba ang tingin niya sa akin habang magkayakap pa rin kami.
"I get jealous even if you don't mean it and I'm sorry about that." Nakangiti niyang sagot pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
"I love you, wife. I love you so damn much." Sabi niya pa sabay buntong hininga.
Kanina ko pa talaga napapansin na parang kakaiba ang kinikilos niya. Kanina ko pa rin nararamdaman na malungkot siya at hindi ko alam kung bakit.
"I love you too, hubby. Huwag ka nang sad, okay? Uuwi naman ako agad e." Pinilit kong maging masigla para hindi na dumagdag pa sa lungkot niya.
Tipid naman siyang ngumiti at tumango habang nakatitig lang sa mga mata ko. Kitang-kita ko tuloy ang lungkot doon kahit pigilan niya.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at marahan iyong hinaplos. Ito lang ang alam kong paraan para kahit papaano ay mabawasan ang lungkot niya.
Tumingkayad ako at inabot ang kanyang mga labi. Tinagalan ko nang kaonti ang pagkakalapat ng mga labi ko sa mga labi niya hanggang sa ako na rin ang lumayo.
"Kakain lang naman kami saglit 'don, hubby. Smile ka na."
Hinaplos ko pa ang pisngi niya gamit ang hinlalaki ko at unti-unti naman siyang ngumiti.
"Come on. Your cousin is already waiting for you downstairs."
Magkahawak kamay kaming bumaba ni Azri at tulad nga ng sinabi niya ay nandoon na nga si Coleen. Tumayo siya ng makita kami at agad ko siyang nginitian.
"Hi! Ang ganda ganda mo ngayon ah." Puri ko sa kanya.
"Tss ano pa nga ba? Nasa lahi na natin 'yan." Nakangisi niya namang sagot.
Natawa na lang ako at binalingan si Azri.
"Alis na kami. See you later." Paalam ko.
"Take care." Sagot niya at binalingan naman si Coleen. "You also take care. Enjoy your dinner."
Lumapit na ako kay Coleen at lumabas na kami ng bahay. Si Azri naman ay pinanood lang kami na pumasok sa sasakyan. Kinawayan ko pa siya bago kami tuluyang umalis.
Ipinarada ni Coleen ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant. Malaki ito at kahit sa labas pa lang tingnan ay mukha na itong mamahalin.
"Baba na. Malamang nandiyan na si lolo." Sabi ni Coleen.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampireBook 2 of Engaged With The Vampire King.