Chapter 23

3.6K 125 11
                                    

Coleen's POV

"Wala akong nakuhang sagot. Maski si Master hindi makausap." Umiiling na sabi ni Andrei.

Napabuntong hininga ako at nilibot ang tingin sa paligid upang masigurong walang kahina-hinala. Nagkita kami ngayon dito sa isang restaurant para mag-usap.

"Hindi ko pa rin nakakausap si Max tungkol sa kanila ni Knight. Halata kasing ayaw niyang pag-usapan." Sagot ko naman.

Kinuha ko ang iced tea at uminom dito bago magsalita ulit.

"Ito na ang huli nating pagkikita. Alam kong maging si Max ay hindi na gusto na nagkikita pa tayo." Sabi ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko pagrehistro ng gulat at pagtataka sa kanyang mukha.

"Hindi ako papayag. Inutusan ako ni Max na bantayan ka kaya gagawin ko 'yon." Pagmamatigas niya.

Umirap ako. "Narinig mo naman si Max kagabi 'di ba? Kailangan ko pa bang ulitin 'yon?"

Malakas niyang ibinagsak sa lamesa ang dalawang kamay na nakakuyom kaya gumawa ito ng ingay. Gulat akong napatingin sa kanya at batid kong nakakuha rin kami ng atensyon.

"Ano bang ginagawa mo?!"

"Poprotektahan kita kahit sabihin pa ni Max na hindi ko na kailangang sundin ang utos niya. Poprotektahan ko kayo hangga't kaya ko." Matigas na sagot niya. Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi ako naniniwalang maghihiwalay na sila ng tuluyan. Mahal na mahal ni master si queen. Sigurado akong may malalim siyang dahilan kung bakit niya ginagawa 'to. Iyon ng kailangan nating malaman." Sabi niya pa pagkatapos ay hinawakan ang isang kamay ko at marahang pinisil iyon.

Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay namin pero hinayaan ko lang iyon doon.

"Huwag mo na akong pigilan sa gusto kong gawin, please."

Dahan-dahan kong inilayo ang kamay ko. "Oo na."

Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Edi pwede na rin kitang ligawan?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig pero nanatiling nakaiwas ang aking tingin.

"Tigilan mo nga ko sa kalokohan mo! Kailangan nating tulungan sila Max at malaman kung ano ba talaga ang nangyayari." Pag-iwas ko sa kanyang sinabi.

Humalukipkip ako at muli ko na siyang tiningnan. Nakasimangot ang muka nang loko pero hindi ko iyon pinansin.

"Siguradong alam mo na rin naman na gusto ng lolo namin na maghiwalay na talaga sila?"

Tumango lang siya.

"Matindi ang pagtutol niya dahil magkaaway ang mga lahi natin. Pati na rin ang ibang pack ay hindi sang-ayon sa relasyon nila. Si Timothy Stanfield din ang alpha ng mga werewolves na umaatake sa inyo." Sabi ko pa.

"Kaya ba ayaw mo kong payagang manligaw sa'yo? Kasi tututulan din tayo ng lolo mo?" Tanong niya habang titig na titig sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ko at nag-iwas ulit ng tingin.

"Pwede ba? Bakit mo ba laging sinisingit 'yan? May malaki tayong problema ngayon kaya pwede bang tigilan mo muna 'yang kalokohan mo?!" Inis kong sabi.

"Okay, I'm sorry."

Hindi naman ako nakasagot dahil nahagip ng paningin ko si Max na papasok ng restaurant kasama si Timothy.

Hindi ko na napigilan ang tumayo para lapitan siya.

"Coleen." Gulat na sambit niya at napatingin sa likuran ko kung saan batid kong nakatayo si Andrei.

"Bakit magkasama kayo?" Seryoso niyang tanong ng muling ibalik sa akin ang tingin.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon