Maxine's POV
Naglakad lang ako pabalik sa apartment at nang makarating ako ay wala pa si Coleen. Sinubukan kong tingnan siya sa kwarto ngunit wala siya rito.
Sabi niya kaninang umalis ako ay pauwi na raw siya pero hanggang ngayon ay wala pa.
Kinabahan ako kaya agad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan siya. Lalo lang nadagdagan ang kaba ko dahil cannot be reached ito. Kinukutuban ako nang hindi maganda pero huwag naman sana.
Mabilis akong lumabas ng apartment at dali-dali akong nagtungo sa pack. Nang makarating ako agad akong dumiretso sa private room. Wala itong laman kaya humigpit ang hawak ko sa doorknob.
Habol hininga kong muling kinuha ang phone ko para tawagan si Edon ngunit maging siya ay hindi ko rin ma-contact.
Mangiyak-ngiyak akong lumabas ng pack at bumalik sa apartment para i-check siya ulit doon.
Nagulat ako dahil hindi naka-lock ang pintuan kaya dali-dali akong pumasok. Naabutan ko siyang papunta sa kusina at natigilan ng makita ako.
"Oh, bakit ganyan ang hitsura mo?" Taka niyang tao.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.
"Akala ko ay nakidnap ka na! Hinahanap kita kanina hanggang sa pack pero wala ka 'ron kaya bumalik ako rito." Maluha-luha kong sabi.
Humiwalay naman siya sa akin at nginiwian ako.
"Ang oa mo. Dumaan lang ako ng grocery dahil wala na tayong stock dito."
"Hindi kasi kita ma-contact kanina kaya kinabahan ako." Nakanguso kong sagot.
"Na-deadbatt ang phone ko. Sige na, ayusin mo na 'yang sarili mo. Mukha kang ewan."
Dumiretso na siya sa kusina. Ako naman ay humugot nang malalim na hininga saka pumunta sa kwarto para magbihis.
Mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Si Coleen na lang ang natitira kong kakampi ngayon.
DUMAAN ANG ISANG linggo at halos dito lang kami sa apartment at paminsan-minsan ay nagtutungo sa pack. Gumagawa kami ng plano upang hindi matuloy ang gusto nina lolo. Naikwento ko na rin sa kanya ang pag-uusap nina Azri at ng lolo ni Timothy.
"Max, hindi ka pa ba babangon? 10am na. Kanina pa nakahanda ang breakfast." Dinig kong sabi ni Coleen na kinatok pa ang pintuan ng kwarto ko.
Kanina pa talaga ako gising pero hindi ako makabangon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Naliliyo ako sa tuwing tumatayo kaya mas gusto ko na lang humiga.
"Lalabas na ako maya-maya." Nanghihinang sagot ko.
Narinig ko naman siyang umalis kaya dahan-dahan akong umupo. Pinakiramdam ko ang aking sarili at nang makakuha ako ng lakas ay pinilit ko na ang sarili kong bumaba.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" Bungad sa akin ni Coleen pagbaba ko.
"Kahapon pa pero mas matindi ngayong umaga. Nahihilo ako." Sagot ko.
"Puyat ka kasi nang puyat."
Hindi ako nagsalita at dumiretso na lang sa kusina. Hindi nga talaga ako makatulog nang maayos kakaisip dahil hindi pa buo ang plano namin.
Sumunod si Coleen sa akin at umupo sa isang upuan.
"Tiniis ko ang gutom ko para magkasabay tayong kumain kaya umupo ka na." Masungit niyang sabi.
Kinuha ko agad ang fresh milk sa ref at nagsalin sa baso saka umupo sa tapat niya.
"Pansin kong nahihilig ka sa gatas ah." Aniya kaya napahinto ako sa pag-inom.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.