Chapter 29

4K 154 17
                                    

Coleen's POV

Pilit akong kumakawala sa bakal na nakagapos sa mga kamay ko pero nakakainis dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko maalis. Nangangalay na ako dahil nakataas ang mga kamay ko at idagdag pa ang braso kong walang tigil sa pagdugo dahil nadaplisan ng bala kanina.

"Andrei! Ayos ka lang ba?" Sigaw ko. Nakayuko siya sa tapat ko at hinanghina. Nakagapos din ang dalawan niyang kamay pataas.

Nasaksak siya sa likod pagkatapos niyang ipangsangga ang sarili niya sa akin at binugbog pa ng mga bwisit kanina.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at nagbakasakaling makaisip ako ng paraan para makaalis kami rito pero ang mas nakakainis ay nandito na naman kami, dito sa lugar kung saan namin nakasagupa sina Adam.

Naalarma ako nang biglang bumukas ang pintuan. Lalo pa akong kinabahan ng maglakad palapit sa amin ang isang lalaking may malawak na ngisi.

"Nakikipagtulungan ka na pala ngayon sa isang werewolf, Anderson?" Wika nito nang tuluyang makalapit sa amin.

"Huwag niyo siyang sasaktan, King Black. Please." Pagmamakaawa naman ni Andrei.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. King Black? Ibig sabihin siya ang ama ni Vanessa.

"Sino? Ito ba?" Sagot naman nito na binalingan ako at biglang sinampal nang malakas. Halos tumilapon naman ang mukha ko.

Tuluyan niya akong hinarap at kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding galit.

"Naaalala mo ba kung anong ginawa mo sa lugar na 'to?" Tanong niya.

Nakipaglaban lang naman ako ng tingin pero hindi ako nagsalita. Bigla niyang hinablot ang mukha ko at muling sinampal.

"You can't remember? You killed my daughter kaya dito rin kita papatayin!" Sigaw niya sabay bunot ng baril. Hindi ako nagpatinag ng itutok niya ito sa noo ko.

Malakas na bumukas muli ang pintuan na kumuha ng atensyon naming lahat. Pumasok ang isang babaeng hinihingal at mukhang kinakabahan.

"M-Master... dumating po si Knight at ang asawa niya." Anunsyo nito.

"Bwisit!" Inis na sigaw ni King Black.

Ibinaba niya ang kanyang kamay pero nanlilisik ang matang tumingin sa akin.

"You're very lucky, young lady. Pero huwag kang mag-alala dahil pagkatapos ko silang patayin, ikaw ang isusunod ko." Banta niya saka mabilis na nilapitan ang babae.

"Dito ka lang at bantayan mo sila." Sabi niya rito.

Nagkatinginan kami ni Andrei pero mabilis din akong nag-iwas. Bakit pa pumunta rito si Max? Hindi talaga nag-iisip! Paano kung mapahamak siya at ang baby niya?!

Maxine's POV

Bumunot muna ako ng baril saka mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi na ako makapaghintay na matapos 'to at mailigtas si Coleen at Andrei.

Tiningala ko ang building at napahawak ako nang mahigpit sa baril ko nang maalala ang lahat ng nangyari noong huli akong makarating dito.

Tatakbo na sana ako sa loob pero biglang humarang si Azri sa harap ko.

"Stay behind me." Sambit niya.

Gusto ko sanang umangal dahil baka hindi ko makita ang mga kalaban pero tumango na lang ako at mabilis na kaming pumasok.

Unang tapak pa lang namin sa loob ay dinumog na kami ng mga kalaban. Magkatalikuran kami ni Azri habang nagpapaputok ng baril.

Sabay kaming nagkatutukan ng baril ni kuyang may bigote. Mabuti na lang at ako ang unang naka-kalabit ng gatilyo pero nagulat ako dahil wala ng lumabas na bala!

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon