Chapter 1

17.8K 372 12
                                    

Maxine's POV

Hindi ako makapag-focus sa movie na pinapanood namin ni Azri dahil kanina pa ako may gustong sabihin sa kanya kaso hindi ko naman alam paano sasabihin.

Bumuntong hininga ako at nag-ayos ng upo dahil nakasandal kami sa headboard ng kama. Nag-request ako sa kanya na maglagay ng tv dito sa kwarto namin para hindi na namin kailangan pumunta ng movie room kapag alam kong pagod siya at gusto ko manood.

"Do you have something to tell me? Spill it." Wika ni Azri habang nakatutok lang sa screen ang kanyang tingin.

"Kasi Azri nag-apply ako ng trabaho. Interview ko na bukas." Nakagat ko ang aking labi pagkatapos kong sabihin iyon. Natatakot kasi akong magalit siya dahil alam kong hindi siya sangayon sa paghahanap ko ng trabaho sa ibang company.

Nanatili siyang tahimik at mukhang malalim ang iniisip kaya lalo akong kinabahan.

"Please huwag kang magagalit. Natakot lang talaga akong sabihin sayo agad kasi alam kong hindi ka papayag."

Noong nagsabi kasi ako sa kanya na gusto kong maghanap ng trabaho sa ibang company ay hindi siya pumayag. Gusto ko lang naman maranasan magsimula sa mababa at paghirapan ang mataas na position.

"I already thought about that. Matigas ang ulo mo kaya alam kong gagawin mo pa rin kung anong gusto mo. I can't do anything about it."

"Galit ka ba?"

Huminga siya nang malalim saka tumingin sa akin. Kinuha niya rin ang isa kong kamay at marahang hinalikan ang likod nito. Heto na naman tuloy ang puso ko, bumibilis na naman ang pagtibok.

"If that's what you really want and you'll be happy with it then I won't stop you. We're partners now, I should be the one who supports you."

Napanganga na lang ako at wala ng masabi. Paano ba ako naging ganito ka-swerte at isang Azriel Knight ang ibinigay sa akin?

Niyakap ko na lang siya nang mahigpit. "Thank you."

GUSTO KO PA sanang bumalik sa pagtulog nang mag-alarm ang phone ko pero naalala kong maaga ang interview ko ngayon kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon. Nanghinayang naman ako dahil hindi ko naabutan si Azri, magpapahatid pa naman sana ako sa kanya.

Pikit mata akong nag-inat nang makarating ako ng kusina. Napangiti pa ako sa amoy ng scrambled egg at bacon.

"Good morning, lo—" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng mapansing hindi naman si lolo ang nakatalikod na lalaking nagluluto.

"You're up. Good morning, love." Nakangiting bati ni Azri nang humarap sa akin habang hawak ang pan at sinasalin sa plato ang laman nito.

Napatikom ako ng bibig nang maghubad siya ng apron. Nakasuot lang siya ng plain black tshirt na pinagtaka ko.

"Hindi ka papasok sa office ngayon?"

"No. I'll be your personal driver for today."

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako patungo sa dinning table habang may hawak namang plato ang isa niyang kamay.

BUMILIS ANG PAGTIBOK ng puso ko nang makapasok ako sa elevator. Kaya ko 'to. Hindi ko dapat sayangin ang efforts ni Azri na naghihintay sa akin sa parking lot.

Huminga ako nang malalim at napatingin ako sa lalaking pumasok. Naka-brush up ang buhok niya, nakasuot ng pair na navy blue tux at hindi maipagkakaila ang taglay nitong kagwapuhan. Binati siya nang good morning ng mga kasabay ko sa elevator. Ngumiti lang naman ang lalaki at nagulat ako nang balingan niya ako. Sandali akong napatitig sa kulay brown niyang mata pero mabilis din akong nag-iwas nang biglang sumakit ang ulo ko.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon