Chapter 27

3.7K 164 6
                                    

Maxine's POV

Palihim kong sinundan si Azri hanggang sa makarating kami sa supermarket. Matagal-tagal na rin noong pumunta kami ni Coleen dito. Nate-tempt na naman tuloy akong bumili.

Mula sa malayo ay nakita kong tahimik na kumuha si Azri ng cart. Ngayon ko lang siya nakitang nag-grocery dahil wala na ring mamimili para sa kanya dahil wala na si lolo. Hindi na rin naman kami magkasama kaya hindi ko na iyon magagawa para sa kanya.

Masyadong maliwanag dito sa supermarket kaya nakasuot siya ng shades. Pansin ko ring bawat madaanan niyang mga babae ay hinahabol talaga siya ng tingin kaya nagsalubong ang kilay ko.

Kaya ko naisipang sundan siya ay gusto kong malaman kung anong balak niyang gawin para tuluyan na akong makabuo ng plano.

Pinanatili ko ang malayo naming distansya pero hindi ko hinahayaang mawala siya sa paningin ko para hindi siya makahalata.

Nang makarating ako sa mga cold beverages ay nakuha ang atensyon ko ng mga Yakult. Kumuha ako ng isang pack at ng ibalik ko ang tingin kay Azri ay wala na siya! Nasaan na 'yon?

"Are you looking for me?"

Na-estatwa ako ng marinig ko ang boses ni Azri sa aking likuran. Nahalata niya agad? Ang daya naman!

Dahan-dahan ako lumingon at nagkunwari akong nagulat ng makita siya.

"H-Huh? Hindi ah! Nandito ako para bumili ng Yakult." Sagot ko at ipinakita sa kanya ang hawak ko.

Nagbaba naman siya ng tingin dito pero hindi nagbabago ang kaseryosohan sa kanyang mukha.

Lalo akong nagulat nang bigla niyang kunin ang Yakult ko at ilagay iyon sa cart niya pagkatapos ay kumuha pa ng ilang pack!

"H-Hoy! Yakult ko 'yan! Bakit mo kinuha?" Sita ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.

"Come." Sabi niya lang pagkatapos ay naglakad na palayo.

Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundan siya. Nangunguha ng Yakult nang may Yakult, nakakainis! Hindi naman siya umiinom ng ganoon.

Nakarating kami sa counter at binayaran niya agad ang mga pinamili niya. Nagulat pa ako nang ipahiwalay niya ng supot ang mga Yakult saka niya ito inabot sa akin.

"Come to my house, the divorce papers are ready. You just have to sign it and we're done." Sabi niya pagkalabas namin ng supermarket.

"Pwede bang makisabay sa'yo? Wala kasi akong dalang sasakyan e."

Kumunot ang noo niya ng balingan ako. "How did you get here?"

"N-Nag-taxi hehe." Pagsisinungaling ko dahil tinakbo ko lang talaga. Mas maaabutan ko kasi agad siya at hindi mawawala sa paningin ko sa ganoong paraan.

Inalis niya ang tingin sa akin at hindi na nagsalita. Nang mapansin kong papunta kami sa parking ay kinalabit ko siya dahil nasa likuran niya ako. Napahinto naman siya sa paglalakad pagkatapos ay nilingon ako.

"What?" Malamig na tanong niya.

Parang bumalik lang kami sa dati kung makitungo siya sa akin ngayon. Cold at masungit.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang makitungo sa akin nang ganito samantalang ako ay hirap na hirap na ngayon. Gustong-gusto ko na siyang yakapin dahil sobrang miss ko na siya.

"Nagugutom kasi ako e. Pwede bang bumili muna tayo ng burger bago umuwi?" Ngumiti pa ako pero seryoso lang niya akong tiningnan.

"Fine." Tipid niyang sagot.

Lalong lumawak ang ngiti ko. Medyo kinabahan ako 'ron dahil akala ko ay hindi siya papayag.

Excited akong pumunta sa unang burger shop na nadaanan namin at agad na pumila sa counter. Si Azri naman ay tahimik lang na nakatayo sa likuran ko.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon