Chapter 30

4.5K 171 20
                                    

Coleen's POV

Hindi ako mapakali habang nasa labas ng kwarto. Nandito kami ngayon sa bahay ni Knight at nasa loob ng kwarto nila si Max kasama ang doctor. Si Andrei naman ay nagpapahinga na sa kabilang kwarto.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Tulalang wika ni Knight na nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Si Max ang nagsabi na huwag munang ipaalam." Mahinang sagot ko.

"F uck." Madiing sambit niya at napasabunot pa sa kanyang buhok.

"That's why she's acting weird lately. Dammit! This is all my fault." Sabi niya pa.

Naaawa ako sa kanya na bakas ang matinding frustration. Wala sanang masamang mangyari kay Max at sa baby.

Lumabas na ang doctor kaya parehas kaming napatayo nang maayos. Hinarap niya si Knight.

"Your wife is fine as well as the baby. Mabuti na lang at malakas ang kapit ng batang nasa sinapupunan niya pero kailangan niyang magpahinga. Ingat niyo ring huwag ng maulit ang nangyari dahil maaaring sa susunod ay hindi na kayanin ng baby ang matinding trauma." Wika nito.

"Thank you." Sambit ni Knight.

"She's conscious. Pwede niyo na siyang puntahan sa loob. I'm also going."

Muling nagpasalamat si Knight at ako naman ay nagprisinta na ihatid ang doctor sa labas para makapag-usap silang dalawa.

Pagbalik ko ay dumiretso muna ako sa kwarto ni Andrei. Nakatagilid siya at agad na nagmulat ng pumasok ako sabay ngiti.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Okay na okay na. Pwede na nga ulit sumabak sa laban e." Mayabang niyang sagot kaya napangiwi ako.

"Huwag mo kong yabangan kung ayaw mong dagdagan ko pa 'yang sugat mo."

Humalukipkip ako at pinagmasdan ang katawan niyang puno ng benda.

"Kumusta ang likod mo?" Tanong ko ulit.

"Matagal-tagal daw gagaling dahil medyo malalim ang tama so meaning, matagal-tagal mo rin akong aalagaan." Nakangisi niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At sinong may sabi sa'yong aalagaan kita? Doon ka magpaalaga sa doktor mo."

"Sungit. Buti nga dumating ako kanina." Bulong niya.

"Kung hindi ka dumating edi sana wala kang tama ngayon." Bwelta ko. Hindi uubra sa akin ang pagiinarte niya.

"Kumusta ang braso mo?"

Umirap ako. "Okay lang. Malayo sa bituka. Sige na, magpahinga ka na. Iche-check ko pa si Max."

"Ano pa lang nangyari kay queen?"

"Saka ko na ikukwento. Magpahinga ka na." Sagot ko.

Maxine's POV

Paglabas ng doctor ay marahan kong hinaplos ang aking tiyan. Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nito na nasa mabuti pa ring lagay ang baby ko.

"I'm so proud of you, baby. Kahit nasa loob ka pa lang ng tiyan ko lumalaban ka na."

Bumukas ang pinto at pumasok si Azri. Seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Why did you hide it from me?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya at ramdam ko rin na galit siya.

Pumikit siya sandali na parang pinapakalma ang sarili pagkatapos ay umupo sa tabi ko. Malambot na ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya nabawasan ang kaba ko.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon