Andrei's POV
Nilibot ko ang aking tingin sa buong parking lot para masigurong safe ang paligid. Balik na ulit ako sa pagsundo kay Max at kailangan ko na ring triplehin ang pag-iingat dahil mahirap na, baka balikan ako 'nong dalawa.
Natanaw ko na si Max na naglalakad palapit pero kumunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa kanya.
Dati-rati ay malayo pa lang nakangiti na siya pero ngayon ay wala man lang expression ang kanyang mukha. Diretso lang siyang nakatingin sa akin nanv seryoso.
Bakit kaya? Nag-away kaya sila ni Master?
"Queen." Sambit ko nang tulungan na siyang makalapit sa akin.
"May hinahanap ka?" Seryoso niyang tanong at tinaasan pa ako ng kilay.
Napalunok naman ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso at parang masungit pa ang tono ng pananalita.
"Dumaan muna tayo sa restaurant ni Azri. Nagugutom na kasi ako at gusto rin kitang makausap." Sabi niya saka mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan.
Naiwan naman akong naka-tanga at kukurap-kurap dahil hindi talaga ako makapaniwala. Si Max ba talaga ang kasama ko ngayon?
"Ano? Tatayo ka na lang ba riyan?" Mataray niyang sabi nang silipin ako mula sa bintana.
"H-Hindi. Sorry, q-queen." Sagot ko saka mabilis na pumasok sa driver's seat.
Lintik nauutal ako! Grabe talaga nakakatakot pala ang ganitong side ni Max. Parang girl version ni Master na magtatayuan ang balahibo mo sa takot.
Mabalis kaming nakarating sa restaurant at pagkapark na pagkapark ko ay bigla na lang siyang lumabas.
Bumuga naman ako nang hangin dahil parang nahirapan akong huminga kanina habang nasa byahe dahil sa sobrang kaba.
Pagpasok ko ay naka-upo na si Max sa bandang gitna. Wala na talagang halos nagpupunta rito sa resto dahil lahat sila ay takot na lumabas-labas.
Naiilang akong umupo sa tapat niya at mas lalo pa akong nailang nang panoorin niya ako habang blangko pa rin ang kanyang mukha.
Hindi ako sanay sa ganitong Max. Masyadong nakakatakot. Ano ba kasing nangyari?
Agad na lumapit sa amin ang waiter pero biglang itinaas ni Max ang isa niyang kamay na parang inipigilan ito sa pagbigay sa amin ng menu.
"Mamaya na kaming o-order. Mag-uusap muna kami." Sabi niya saka binalingan ang waiter.
Nakita ko naman itong napalunok na mukhang natakot din kay Max. Sino ba namang hindi e 'yong aura niya pa lang ramdam na ramdam mo nang nakakatakot.
"Alis na." Sabi niya ulit at nanginginig pang yumuko at nagmamadaling umalis 'yong waiter.
Gusto ko sanang sumipol para ilabas ang kabang nararamdaman ko pero natatakot akong gumawa ng ingay at lalo lang niyang ikagalit.
"Andrei."
Nanlaki ang mga mata ko at muli akong napalunok ng banggitin niya ang pangalan ko. Dahan-dahan kong bumaling sa kanya hanggang sa magtama ang paningin namin.
"Tinatawag mo kong queen 'di ba?" Taas kilay niyang tanong at dahan-dahan naman akong tumango.
Ano ba 'to? Parang kailangan ko ng back up. Hindi ko ata kakayanin na ganito si Max.
"Ibig sabihin kinikilala niyo akong queen ng clan niyo dahil na rin asawa ko na si Azri, ang hari ninyo." Sabi niya pa.
"Y-Yes, queen." Lintek talaga. Mas nakakatakot pa siya kay Master. Iba talaga kapag babae na ang nag-sungit e.
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirBook 2 of Engaged With The Vampire King.