Chapter 16

3.6K 130 14
                                    

Maxine's POV

Pauwi na kami ngayon ni Azri dahil may trabaho pa ako bukas. Maghapon akong nakahiga kanina dahil sobrang sakit ng katawan ko kaya ngayong gabi pa lang kami uuwi.

"Are you okay now?" Tanong ni Azri habang nagda-drive.

Tumango lang naman ako habang nakatingin sa daan dahil nahihiya akong tumingin sa kanya. Ewan ko, ang awkward lang.

"About last night--"

"Ah oo 'yong hindi tayo maglilihim sa isa't-isa 'di ba? H-Huwag ka na ulit maglilihim sa akin ah. Okay na 'yon, 'wag ka na mag-sorry. Hindi naman ako nagalit sa'yo e hehe." Putol ko sa sinasabi niya. Pansin kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napalunok pa.

"A-Ah yeah." Sabi niya na lang at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakatulog ulit ako sa byahe at paggising ko ay papasok na kami ng gate. Napaayos ako ng upo dahil parang may bigla akong hindi magandang naramdaman. Bumagal din ang pagpapatakbo ni Azri kaya sa tingin ko ay naramdaman niya rin 'yon kaya binuksan ko ang binta ng kotse.

Parang nanigas bigla ang buo kong katawan ng may maamoy akong sariwang dugo pagkabukas ko ng bintana.

"Fvck!" Madiing sigaw ni Azri at pinaharurot ang sasakyan.

Bumilis ang tibok ng puso ko at malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang nangyari kaya paghinto ni Azri ng sasakyan ay mabilis akong bumaba.

Kakalabas ko pa lang ay napatingin na agad ako sa pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lolo Benjamin na nakahandusay sa sahig kaya agad ko siyang nilapitan.

"Lolo--" Hindi ko natuloy ang pagsasalita ko at kusa akong napaluhod ng makita kong naliligo siya sa sarili niyang dugo.

Napapikit ako at napatakip sa aking mukha hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil wala na siyang buhay.

Naramdaman ko na lang na marahan akong itinatayo ni Azri kaya humarap ako sa kanya at yumakap nang mahigpit. Lalong bumuhos ang mga luha ko ng yakapin niya rin ako at ramdam ko rin ang panginginig niya.

"A-Azri, si lolo..." Wika ko at hindi ko na napigilang humagulgol.

Kitang-kita ko kanina na puno ng dugo ang kanyang dibdib at sa tingin ko ay doon siya sinaksak na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

"They will pay for this. I'll make sure of that. They will fvcking pay for this!" Madiin usal ni Azri at ramdam na ramdam ko ang matinding galit niya.

NASA APARTMENT AKO ni Coleen ngayon at dito muna raw ako mag-stay sabi ni Azri. Hinatid niya ako rito kanina at siya na raw muna ang bahala sa bahay at sa katawan ni Lolo Benjamin.

Hanggang ngayon naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko si lolo at natutulala pa rin ako.

"O uminom ka muna." Sabi ni Coleen na may hawak na baso ng tubig. Inabot ko naman iyon agad at uminom ng kaonti.

"May naiisip ka ba kung sino ang may gawa 'non?" Tanong niya ulit pagkatapos maupo sa tabi ko.

Tulala akong napailing at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko saka pinunasan ang pisngi ko. "Wala namang kaaway si lolo."

Napamahal na rin sa akin si Lolo Benjamin at inalagaan niya talaga kami ni Azri.

"Magpahinga ka na muna. May pasok ka pa sa trabaho bukas 'di ba?"

Napabuntong hininga ako. "Paano si Azri?"

"Binilin ka niya sa akin. Dito raw muna kita patulugin at huwag kang mag-alala 'ron dahil malaki na 'yon at kasama niya rin si Andrei."

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naghanda para sa trabaho kahit wala akong gana.

Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon