Sa gitna nang masukal at madilim na kagubatan ay matatagpuan ang isang malaking underground cave.
Ilang ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa paligid ngunit kung titingnan maigi ay napakarami ring umiilaw na pares ng mga matang nagmamasid.
Dalawang werewolves ang tumatakbo sa 'di kalayuan patungo rito at bago pa man sila makapasok ay may biglang humarang na werewolves na nasa sampu sa dinaraanan nila. Nag-anyong tao ang isa sa mga ito.
"Anong ginagawa niyo rito? Hindi niyo ba alam kung kaninong teritoryo ito?!" Galit na wika nito.
Nag-anyong tao rin ang dalawa at mabilis na iniluhod ang kanilang isa paa habang nakayuko, parehong habol ang hininga.
Hindi sila nakasama sa mga lumaban nang dumating ang grupo ni Knight para iligtas si Max dahil inutusan sila ni Timothy para sa isang misyon.
"Ako si Andrew Jackson at si Jeffrey Gregor naman ang kasama ko. Miyembro kami ng pack na pinamumunuan ni Timothy Stanfield at may mensahe kaming dala mula sa kanya." Saad ni Andrew.
Sandali pa silang tinitigan ng lalaki hanggang sa sumenyas ito sa kanyang mga kasama. Mabilis namang nagsialisan ang mga ito.
"Sumunod kayo sa akin." Aniya.
Tumayo naman ang dalawa at sumunod sa lalaki.
Unang tapak pa lang nila sa loob ay kakaibang pakiramdam na ang nanuot sa kanilang katawan.
Madilim ang paligid at tanging iilang sulo lang sa magkabilang gilid ang nagbibigay ng liwanag sa lugar.
Tila may napakalakas na nilalang sa loob na naghihintay sa kanila at kusa silang nakaramdam ng takot. Sumisingaw ang taglay na lakas nito na magpapatindig ng balahibo sa sinuman.
Nang makarating sa dulo ay awtomatiko silang napaluhod ganoon din ang lalaki na nanguna kanina sa paglalakad.
"Great Lord." Usal nito.
Napalunok sina Andrew at Jeffrey dahil lalo nilang naramdaman ang lakas nito at parang kinakapos sila ng hininga ngayong ito ay nasa kanilang harapan na.
"G-Great Lord." Sabay na sabi ng dalawa na nautal pa.
"Speak." Wika nang nalim na boses na lalaking nakaupo sa malaking trono na gawa sa buto at matutulis ang bawat dulo ng sandalan.
Lalong napayuko sina Andrew at Jeffrey dahil sa malakas na bugso ng kapangyarihan nang magsalita ito.
Kinuha ni Andrew ang scroll mula sa kanyang coat at nakayukong inabot ito sa tinawag nilang Great Lord.
Sandaling tumahimik ang paligid hanggang sa umalingaw-ngaw ang tawa nito. Tila natuwa pa sa balitang kanyang nabasa.
"So it's true huh? That vampire king and alpha female are having an offspring. Very interesting."
Walang liwanag mula sa kinauupuan niya kaya at nakatakip din ng itim na maskara ang kalahati ng kanyang mukha.
Tumayo pa ito at gumawa ng ingay ang kanyang suot na sapatos nang siya ay maglakad.
"After many years, I can feel this thrill again and finally! Someone's born that can match my power."
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.