Maxine's POV
"Max kumain ka na. Kanina pa naghihintay 'yong pagkain sa baba."
Napabuntong hininga ako at pinakiramdaman ang sarili. "Pahingi na lang ako ng fresh milk, Coleen. Wala akong gana kumain e."
"Hindi ka na kumain ng breakfast pati ba naman lunch? Kung gising lang 'yang asawa mo kanina ka pa pinagalitan." Inis na sabi niya.
Napabuntong hininga ako. Sana nga gising siya e.
Sinermonan pa ako nang sinermonan ni Coleen hanggang sa mapapayag niya na akong kumain.
"Chineck ulit ni Zyna si lolo kanina."
Napahinto ako sa pagsubo at tiningnan siya.
"Anong sabi niya?" Agad kong tanong.
"Ubusin mo muna 'yang kinakain mo. Sa sala tayo mag-usap."
Kinutuban ako nang hindi maganda kaya pinilit ko talagang ubusin ang pagkain ko pagkatapos ay nagtungo na kami sa sala.
"Severely damaged ang parehong mata ni lolo kaya... hindi na raw siya makakakita pa."
Napapikit ako sa narinig dahil parang piniga na naman ang puso ko.
"Gising na ba siya?" Pigil ang luha kong tanong.
"Hindi pa."
Humugot ako nang malalim na hininga. Hindi nawawala ang bigat sa dibdib ko habang alam kong parehas silang hindi pa okay at walang malay.
"Max, hindi pwede ang ginagawa mo sa sarili mo. Wala kang maayos na tulog pati ang pagkain mo ay wala rin sa ayos. Tandaan mong hindi lang ikaw ang maaapektuhan niyan. May buhay na rin sa sinapupunan mo."
Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin dahil totoo naman ang mga sinasabi niya.
"Ibinuwis nila ang mga buhay nila para mailigtas ka, para mailigtas kayong dalawa ng baby mo kaya huwag mong sayangin 'yon. Max alam kong mahirap pero kayanin mo, nandito kami." Sabi niya pa.
"Bampira si Azriel, Max. Werewolf din si lolo. Hindi sila mga normal na tao kaya alam kong makakaya nila 'yan.
LUMIPAS ANG MGA araw at nakinig ako kay Coleen. Habang hinihintay kong magising sina lolo at Azri ay inaalagaan ko naman ang sarili ko.
Ayaw kong mapagalitan si Azri paggising niya kapag nalaman niyang pinabayaan ko ang sariki ko at si baby.
Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pintuan at pumasok si Coleen na hinihingal.
"Max si lolo gising na." Natatarantang sabi niya.
Napatayo naman ako at nahawa na rin sa pagkataranta niya kaya napatakbo ako papunta sa guest room.
"Lo?" Bungad ko pagbukas ng pintuan.
Mabilis akong lumapit at umupo sa gilid habang hawak ang isang kamay niya.
"Lolo, si Max 'to." Sabi ko ulit at hindi ko na napigilang mapaluha.
Pumaling naman ang ulo ni lolo paharap sa akin habang nakapikit ang mga mata.
"Kumusta ka, apo? Kumusta kayo ng isa ko pang apo?" Mahinang tanong niya.
Pinunsan ko muna ang pisngi ko bago sumagot.
"O-Okay po kami, lo. Kayo po? Kumusta ang pakiramdam niyo?" Balik tanong ko.
"Ayos na ako, apo. Huwag na kayong mag-alala. Salamat naman at ligtas kayo." Nakangiting sagot ni lolo saka pinisil ang kamay ko. "Si Azriel pala?"
BINABASA MO ANG
Married To The Vampire King (EWTVK Book 2)
VampirosBook 2 of Engaged With The Vampire King.