PROLOGUE: NEVER EXPECTED

5.2K 87 4
                                    


[MIYUMI'S POV]

"Hhmmm. Ang bilis ng oras" antok kong bulong habang inaabot ang maingay na alarm clock ko sa taas ng maliit na table na katabi lang nitong kama. [Time check: 6:30am] Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang bigat sa may bandang tiyan ko, dahan-dahan ko itong hinaplos at napangiti nang maramdaman ko kung sino ang nakadagan sa akin ngayon. Imbes na alisin ay niyakap ko ito.

"Good morning baby" I whispered, then I slowly laid my little angel on the bed.

Nanggigigil kong pinisil ang mukha niya sabay walang tigil na paghalik sa dalawang pisngi niya. Pagpasensyahan niyo na, malikot talaga matulog itong anak ko. Mahilig din niyang gawing kama ang katawan ko kaya halos gabi gabi niya akong dinadaganan kapag matutulog na kami.

Tumayo na ako at hinanda ang uniform ko dahil may pasok pa ako ngayong araw sa University. Pumasok na ako sa CR para maligo, kanina pa ako dada ng dada dito hindi pa pala ako nag-papakilala. So habang naliligo ako ay magpapakilala na ako.

I'm Miyumi Tuazon, 20 years old stunner, a college student taking BSE major in Social Studies in Integrated University (IU). I have a two years old son, named Liam. Husband? No. Wala akong asawa. Single parent ako and I am very proud of that. Kung may tanong kayo, malalaman niyo din ang sagot. SOON

Pagkatapos kong naligo at nag-ayos, lumabas na ako ng kwarto. Habang pababa ng hagdan, nakita ko si mama na nakaupo sa may sofa habang nakatulala. Bumuntong hininga ako at naglakad palapit sakanya. Mukhang alam ko na kung anong iniisip niya ngayon.

"Ma, ayos ka lang?" Tumabi ako sakanya at hinawakan siya sa may balikat, nagulat pa siya ng bigla ko siyang hawakan pero agad din siyang nakabawi at pilit na ngumiti.

"Ayos lang, may naalala lang ako---" hindi niya na natuloy ang sinasabi niya ng bigla na akong nagsalita.

"Si Papa ba ang naalala mo? Ma, huwag mo ng masyadong isipin si Papa, masaya na siya kung nasaan siya ngayon. Okay? Baka ma-stress ka na naman niyan." malungkot kong saad dahil kahit ako ay hindi pa talaga masyadong matanggap ang pagkawala ni papa last month.

Namatay si papa dahil sa lung cancer noong nakaraang buwan kaya hanggang ngayon ay sariwa parin ang sakit saakin lalo na kay mama ang pagkawala ni papa.

Wala namang mangyayari kung magpapaapekto parin kami sa pagkawala ni papa, lalo lang kaming masasaktan at mahihirapan, lalo na si mama. Kaya kahit masakit saakin pinipilit ko paring kumbinsihin si mama na kalimutan na ang pagkawala ni papa at tanggapin na lamang ang mga nangyari.

[FAST FORWARD]

Nandito na ngayon ako sa University na pinapasukan ko, naglalakad ako dito sa may hallway nang bigla akong may narinig na tumatawag sa akin.

"MIYUMI!! MIYUMI!!" Pag tingin ko ay si Jicell pala, kaibigan ko. Actually ngayong college ko lang siya nakilala dahil parehas kami ng course na tini-take at magkasundo lang rin kami, kaya mabilis din kaming naging magkaibigan.

"Oh Jicell ikaw pala?! Himala ang aga mo pumasok ngayon" biro ko, lagi kasi siyang late pumasok dahil may part time job siya tuwing gabi.

"Bakit ayaw mo? Minsan na nga lang ako pumasok ng maaga ginaganyan mo pa ako" kunwaring nagtatampo niyang saad. Pasimple ko siyang tinapik sa balikat.

"Ito naman hindi mabiro! Masaya lang ako dahil maaga ka pumasok, maliban sa may bago tayong professor ngayon. Ano pang dahilan bakit ang aga mo pumasok ha?" Curious kong tanong, nginitian niya ako ng nakakaloko, sabay yakap sa braso ko.

"Kasi naman eh!" Tili niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap saakin.

"Kasi ano?" Taka kong tanong.

"Kasi gwapo daw yung bagong professor natin! At eto pa ah! Single pa yun bess so pwedeng pwede pa!" Halos himatayin siya sa kilig habang nagsasalita dahilan para irapan ko siya.

"Tss, ikaw talaga basta gwapo updated ka ha? Saan mo naman nakalap 'yang balita na yan aber?!" Naka-cross arms ako habang seryosong nakatingin sakanya.

"Wala narinig ko lang sa mga iba nating professor haha" napa-iling nalang ako dahil sa sagot niya. May pagkachismosa talaga itong babaeng 'to kahit kailan.

Pagpasok namin sa room namin ay agad na din kaming naupo sa pwesto namin. Magkatabi kami ng upuan kaya kapag wala pang teacher siya ang palaging nakakausap at nakakakwentuhan ko.

Marami-rami na din ang mga classmates namin na nandito at mga 20 mins. nalang mag-uumpisa na ang first subject namin. So ayun, dada lang ng dada itong katabi ko tungkol sa bagong gwapong professor 'kuno' namin habang nag-hihintay kami ng oras.

Marami naman kaming mga professors dito sa IU na malakas ang dating pero kadalasan ay may edad na o kaya naman may asawa na. Bihira lang din ang mga professor namin dito na mga nasa 20's palang, dahil kadalasan ay nasa 30+ and 50+ na ang edad ng mga ito.

"So kumusta na pala ang inaanak ko?" Tukoy niya kay Liam.

"Ah 'yon? malikot na, dalawang taon palang siya pero gusto na ding pumasok sa school" natatawa kong sagot.

"Wow, ang cute naman!" Sabi niya at may hand gestures pa.

"Guys nandito na si Prof!" Hiyaw ni Carla isa sa mga classmate ko sa subject na to which is contemporary mathematics.

Mabilis pa kay the flash ng biglang tumahimik ang mga kaklase ko at umayos ng upo. At tila tumigil bigla ang mundo ko ng makita ng aking dalawang mata kung sino ngayon ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto nitong classroom namin. OH NO? THIS CAN'T BE!!

Pigil ang paghinga ko habang nakatingin sakanya, parang slow motion ang paglalakad niya papasok dito sa loob at pagtayo sa harapan. Isa lang ang salitang nagpaulit-ulit sa isip ko ngayon. No! PLEASE! HINDI TO PWEDENG MANGYARI! Nananaginip lang ako. Hinde, binabangungot lang ako, gisingin ako ngayon na!!

"I'm Blake Evanghelista, your assigned professor in Contemporary Mathematics for this Semester.--"

I'm Blake Evanghelista

I'm Blake Evanghelista

I'm Blake Evanghelista

Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang mga sinabi, dahil parang nag-lag 'yata ang utak ko habang nagpaulit-ulit na naririnig ko ang pangalan niya sa isip ko.

BINABANGUNGOT AKO, GISINGIN NIYO AKO PLEASE. I-UMPOG AKO NOW NA!

Napatingin ako kay Jicell dahil bigla niyang kinurot ang tagiliran ko dahil sa kilig. What the? This can't be happening. Hindi talaga ako nananaginip! Totoo to waaaaa^^

IS THIS FOR REALLLLLLLL?!

oh my.... MY PROFESSOR IS MY EX FIANCE?!AYOKO NA SA EARTHHHHH! :(

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon