[MIYUMI'S POV]
Lumipas ang mga araw at dumating ang pinakahihintay kong pagkakataon sa buhay ko.
[GRADUATION DAY]
"Congrats anak, proud kaming dalawa ng papa mo sayo" nakangiting sabi ni Mama sabay yakap saakin.
Niyakap ko din siya ng mahigpit habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ulit ng luha ko. Sa wakas, tapos na din ang lahat ng mga paghihirap ko. At hindi lang ito ordinaryong araw kundi isang espesyal na araw to para sa aming lahat na nakagraduate na. Hindi to isang katapusan kundi simula palang ng panibagong araw para sa pangarap ng bawat isa.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na tapos na ako sa pag-aaral. Nasa kamay kona ang tagumpay kaya hindi kona ito papakawalan pa.
"Para sainyo po ang lahat ng ito Ma" sabi ko matapos ko siyang yakapin ng mahigpit.
"Miyumi" mabilis akong napatingin kay Jicell na palapit saamin ni mama kasama sina Hanz at William.
"Hi Tita" bati nila kay Mama.
"Ang ganda niyo pala kapag nakamake up lalo kana Miyumi" sabi ni Hanz, sabay kaming natawa ni Jicell.
"Edi kapag wala kaming make up pangit kami ganon?" Tanong ko naman.
"Hindi naman sa ganon, ang ibig naming sabihin mas lalo kayong gumanda diyan sa make up niyo" si William ang sumagot.
Napailing nalang kami ni Jicell. Sabay kasi kaming nagpamake up ni Jicell sa isang make up artist na kinuha ni mama, sayang naman kung magha-hire pa ng sariling make up artist si Jicell kaya inisa nalang namin.
"Anyway Congrats" sabay sabay nilang bati saakin.
"Congrats sa ating lahat" nakangiting saad ko at niyakap sila "Proud ako sainyong tatlo, lalo na sayo Hanz" sabi ko pa at masayang tumingin kay Hanz. Summa cum laude kasi siya at hindi ako makapaniwala though alam ko naman na kaya niya.
"Maliit na bagay Miyumi" pagmamalaki niya.
"At proud din kaming tatlo sayo, dahil sa kabila ng lahat ng mga nangyari naging matatag ka parin." saad ni Jicell at muli akung niyakap. Alam kona kung anong ibig niyang sabihin.
"Sabi kase ni Hanz kanina sa speech niya, don't let struggles defeat us, instead let's make those struggles be our weapon to defeat itself." Nakangiti kong sagot. Napatingin ako kay Hanz ng bigla niya akong akbayan.
"Naiinspire ka nanaman saakin ah" kunwari ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ano kaba Hanz, sa quote mo siya na inspire hindi sayo" natatawang saad ni Jicell.
"Ganon na din yon" sagot niya lang at inalis ang pagkaakbay sa balikat ko.
"Anyway, maauna na kami ni mama, ah? May pupuntahan pa kase kami" paalam ko sakanila.
"Wait magpapicture muna tayong apat, wala pa tayong picture na magkakasama eh" sabi ni William.
"Hmm okay sige" sang-ayon ko.
After naming magpapicture ay agad na akong dumiretso sa comfort room para magpalit ng damit. Nagpahintay nalang ako kay mama sa may waiting shed sa labas ng university.
Nang makapasok ako sa loob ng comfort room ay hinubad ko na ang suot kong graduation gown at nilagay sa dala kong malaking paper bag kasama ang mortar board nito. Nakadoble naman na ako ng dress na suot ko kaya hindi kona kailangang magbihis ulit.
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...