EPILOGUE

4.4K 101 11
                                    

[MIYUMI'S POV]

(THE WEDDING DAY)

"You may now kiss the bride"

Napatingin ako kay Blake na kanina pa pala nakatingin saakin. Lumipat ang tingin ko sa kamay niya na nasa harapan ko. Mabilis ko 'yung tinanggap at sabay kaming tumayo sa harap ng altar.

Dahan dahan akong napatingin sa lahat ng mga tao na nandito sa loob ng simbahan. Napakadaming guest, napakadaming bisita na inimbita ni Mama at Tita Angelica. 1/4 lang yata ang kilala ko sakanila, the rest ay wala na akong ideya kung sino sila. Either kamag-anak nila Blake o mga kaibigan nila.

"Look at me" mabilis akong napatingin kay Blake ng marinig ko ang boses niya. Taka ko siyang tinignan dahil walang emosyon ang mukha niya. Anong problema nito?

Tinaas niya na ang suot kong veil, dahilan para mapayuko ako. Hindi ba pwedeng mamaya nalang ang kiss? Ang awkward naman kasi kung hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao. At sa pagkakaalam ko may ilang mga professors at students sa university ang nandito. Nakakahiya.

Sinabi ko naman kasi kay Mama at Tita na wag nalang nilang imbitahan ang ilang mga professors at students sa university maliban sa mga kaibigan ko pero binigyan parin nila ng invitation.

"I said look at me, what's your problem wife?" Kumabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Tinawag niya ba akong wife?

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baba ko at unti unti yong inangat dahilan para mabalik ang tingin ko sakaniya.

Unti unti akong napapikit ng dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya saakin. Pagkatapos non ay naramdaman kona ang malambot niyang mga labi saakin. Kasabay non ang sabay sabay na palakpakan ng mga tao na nakasaksi sa amin.

Oh My God, totoo ba to? Kasal na kami? For real?! Hindi ba to' isang panaginip?!

Hindi ako makapaniwala. Kung panaginip lang to' isa itong napakagandang panaginip na ayaw ko ng iwanan at ayaw ko ng magising na panaginip na to.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga oras na to' napakadaming mga bagay na pumasok sa isip ko pero isa lang ang totoo. Si Blake at ako ay kasal na. May kung anong kiliti sa puso ko dahil sa iniisip ko.

Pagkatapos niya akong halikan ay hinila niya ang bewang ko na kanina niya pa hawak palapit sakaniya at nakangiting tumingin sa mga guest.
Akward akong napatingin sakanila at hindi ko alam kung saan i fofocus ang mata ko.

"Humanda ka saakin mamaya"  nakangising bulong niya. Bakit parang kinabahan ako sa sinabi niya?

Wala na akong mahihiling sa mga oras na to' natupad na ang mga pangarap ko na makagraduate at makasal sa taong mahal ko, ang gusto ko nalang niyang mangyari ay bumuo ng masaya at maayos na pamilya.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng mga pagsubok, pagkatapos ng lahat ng mga problema, pagkatapos ng lahat ng mga pasakit na sumubok sa katatagan ng pagmamahalan namin nandito parin kami nagpapakatatag, at wala ng iba pang iniisip dahil natapos na namin ang lahat.

Napagtagumpayan na namin ang mga problema kaya eto kami ngayon para harapin ang panibagong yugto ng aming pagmamahalan. Para saakin ay hindi ito isang katapusan, dahil umpisa palang to sa pagbuo ng tunay naming mga pangarap na hindi lang para saaming dalawa kundi para kay Liam at sa mga taong magiging parte pa ng pamilya namin.

Nandito na kami ngayon sa reception at wala paring tigil ang mga bisita na batiin kami at magpapicture saamin. Magkatabi kami ni Blake na nakaupo sa dalawang bar stool chair. Habang Nakaupo sa lap niya si Liam at kinakausap ito.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon