CHAPTER 5: HOT CHOCOLATE

3K 56 0
                                    


[MIYUMI'S POV]

Para akong zombie habang naglalakad papasok ng banyo. Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi at ngayon naman kailangan kong pumasok ng maaga dahil ayokong makasabay sa pagpunta ng University si Blake. Kasalanan 'to ni Blake eh! Kung hindi niya ako kinausap kagabi hindi sana ako magkakaganito at mapayapa akong nakatulog kagabi. Tsk! Nakakainis talaga! Kaya eto ako ngayon 5:00 palang ay kailangan ko ng magising at maligo para makapasok ako ng mas maaga kahit mamaya pang alas otso ang pasok ko sa first subject. At para makapag-almusal din ako dahil hindi na naman ako nakapaghapunan kagabi.

Pagkatapos kong naligo ay agad na akong nagbihis. Mabuti nalang at walang uniform policy ang university na pinapasukan ko at makakapagsuot ako ng kung anong damit na available lang dito dahil nga diba nasunugan kami at wala naman akong nasalba ni isa. Mabuti nalang rin at may iilan ng mga damit dito na mukhang binili ni mama kahapon. Pagkatapos kong mag-ayos, hinalikan ko na sa pisngi si Liam at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Kumatok muna ako sa kwarto ni Mama para magpaalam.

"Ma, papasok na po ako, kayo na bahala kay Liam" sabi ko sakanya habang tinatapik ang balikat niya para magising.

"Hmmm. Bakit ang aga mo yatang papasok ngayon? Nagbago na ba ang schedule mo?" Tanong niya.

"Hindi ma, may gagawin pa kasi ako sa University kasi hindi ako nakapasok kahapon diba?" Pagdadahilan ko.

"Sige, mag-ingat ka. Mag-almusal kana muna sa baba. Alam kong hindi ka kumain kagabi" sabi niya. Tumango ako at agad na din akong lumabas ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay tinignan ko yung laman ng sling bag ko kung nadala ko ba ang cellphone ko. Teka nasaan naba 'yon? Alam ko nalagay ko yun dito kanina bago ako lumabas ng kwarto eh. Aha eto--

"AYYYY, Shit!" Halos lumuwa ang dalawang mata ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Si Blake na naka-topless!

"Oh my! Mainit ba yang iniinom mo?" alalang tanong ko dahil nabuhos sa katawan niya ang lahat ng laman ng hawak niyang tasa. Dahil sa sobrang taranta ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa loob ng bulsa ng jeans at pinunas yon sa katawan niya.

"B-bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" Seryoso pero kalmado niyang tanong.

"Eh-h k-kasi naman ikaw!" Sabi ko at wala paring tigil sa pagpunas sa katawan niya. Oh my goodness, y-yung abs mga bess!

"Bakit ako?" Tanong niya at hinablot ang hawak kung panyo na pinupunas sa katawan niya. Panira ng momment to, nag-eenjoy pa ako eh!

"Hindi ka rin naman tumitingin sa nilalakaran mo!" Pagtataray ko. Habang hindi parin makatingin ng deretso sa mga mata niya.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan, tignan mo yung ginawa mo?" Seryoso niya paring saad sabay turo sa katawan niya na nabasa, namumula na ito ngayon.

"Oo may kasalanan ka dahil kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo, edi sana naiwasan mo ako at hindi yan nangyari. So, It's your fault, not mine" sabi ko at pinagkrus ang mga braso ko. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin saakin na parang konting pagkakamali ko lang ay mananapak na siya.

"Akina nga yan! Aalis na ako, bye" sabi ko at hinablot na sakanya ang panyo ko at patakbong lumabas ng bahay. Bahala na nga, sa cafeteria nalang ako magb-breakfast mamaya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbook na ako ng grab car. Gusto ko sanang maglakad nalang at sumakay ng jeep para makatipid ako pero nawalan na ako ng gana. Nagugutom na din kasi ako. Habang naghihintay ay napatingin ako sa hawak kong panyo.

Wala sa sariling inamoy ko ito at... Urgh! Chocolate?! He is hot and yummy like his favorite drink. *iling iling* Ano bang mga pinag-iisip mo Miyumi! Gutom lang 'yan okay? Gutom ka lang. So, hot chocolate pala ang laman ng tasa na nabuhos sa katawan niya kanina?!

Siya na nga ang nasaktan, siya pa ang sinisi ko. Tapos hindi man lang ako nag-SORRY. Kailangan kong humingi ng tawad. Oo tama, kailangan kong magsorry sakanya. Nakikitira lang nga ako sa kanila tapos ako pa ang may ganang magtaray sakanya? Kailangan ko talagang humingi ng tawad sakanya! Papasok na sana ako pero sakto naman ang dating ng grab car na binook ko kaya sumakay na ako doon. Mamaya nalang siguro ako magsosorry sakanya, kapag naka-ipon na ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha!

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon