CHAPTER 22: SURRENDERED

2.6K 58 0
                                    


[MIYUMIS POV]

Kahit nahihiyang pumasok ngayong araw dahil sa mga nangyari kahapon, pinilit ko paring pumasok dahil sobrang dami ng walang pasok tapos hindi pa ako papasok? Nahuhuli na nga ako sa mga lessons tapos magpapaapekto pa ako sa mga problema ko?

Paano ako makakagraduate kung ganon?

Dahan dahan kung sinara ang malaking gate na nilabasan ko at magsisimula na sanang maglakad paalis ng mahuli ako ni Blake.

Nakasimple lang siyang white polo at papasok na sana sa loob kotse ng hindi niya na tinuloy at muling sinarado ang pinto nito.

Kakausapin niya na kaya ako? Simula kase ng nag walk out siya kahapon sa Dean's office ay hindi na kami ulit nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Hindi ko alam baka galit lang siya saakin kaya niya ako iniisawan.

"Sumabay kana" walang emosyong na sabi niya.

"W-Wag na. Kaya ko namang mag isa--" hindi kona natuloy ng bigla niya akong sigawan.

"WHY DO YOU ALWAYS DISOBEY ME HUH?!" Napapikit ako dahil sa bigla niyang pagsigaw.

"Eh bakit kaba naninigaw diyan?!" Hindi siya sumagot at hinila na ako papasok sa loob ng passenger seat.

So wala akong magagawa kundi ang sumabay nalang sakaniya ngayong araw. Pero ngayong araw lang dahil sisiguraduhin ko na sa susunod ay hindi kona siya makakasalubong sa pagalis. Kung pweding maaga ako aalis para hindi kami magkita ay gagawin ko.

Bakit kase hindi pa bumili ng bagong bahay si Mama! May sapat na pera naman siya na kinikita sa shop niya at siguradong pwede na yon makabili ng bahay pero pinili niya paring makitira dito sa bahay nila Blake.

Muli akong tumingin sa gawi ni Blake at hindi parin nabubura ang maitim na aura na pumapalibot sakaniya. Psh! Hindi sana mamana ni Liam ang bad temper niya.

"B-Blake" tawag ko sakaniya pero hindi naman siya sumagot ni sumulyap manlang saakin. Hindi na din nawala ang galit na expression sa mukha niya dahil sa kanina. Nakakatakot naman siyang kausapin sa itsura niya dahil parang konting pagkakamali ko lang ay mananakit siya.

Pero hindi naman siya talagang nananakit eh, ang pinakamasakit niya lang na nagawa saakin at pag hawak ng mahigpit sa braso ko. Tapos kapag alam niya na hindi niya na talaga makontrol ang galit niya bigla nalang siyang nag w-walk out at ilang araw nanaman ang bibilangin bago niya ako muling kausapin.

"G-Galit kaba saakin dahil sa mga nangyari kahapon?" Kinakabahan kkng tanong dahil baka bigla niya nanaman akong sigawan.

"Ano sa tingin mo?" Galit niya paring sagot habang hindi parin ako tinatapunan ng tingin at seryoso lang na nakatingin sa daan.

"I'm sorry Blake. Ayoko lang talaga na maalis ka sa pagiging professor ayokong bigla nalang mawala ang lahat ng mga pinagpaguran mo ng dahil lang saakin, pwede naman nating i-set aside muna to--" hindi kona natuloy ng bigla na siyang magsalita.

"Sino ka para sabihan ako ang dapat kong gawin? Gagawin ko kung anong gusto ko at walang sino man ang makakapigil saakin, kahit na ikaw" sabi niya dahilan para hindi ako makasagot.

Tama siya. Buhay niya yan at wala akong karapatan na sabihan siya kung anong dapat gawin dahil may sarili siyang isip para gawin kung ano ang sa alam niyang tama.

Hindi na talaga ako nagabala pang magsalita ulit at tinuon nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. Ano na ba ang dapat kung gawin?

Umayos ako ng upo ng mapansing malapit na kami sa University.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon