[THIRD PERSON POV]
"LIAM!" Hiyaw ni Blake ng makalabas siya ng kwarto habang inaayos ang pagkabutones ng suot niyang polo dahil 3:00 na at susunduin pa nila si Miyumi sa university nito.
Nang hindi sumagot si Liam ay mabilis siyang nag tungo sa sala para silipin si Liam na nanunuod ng cartoons pero wala na ito ngayon sa pwesto niya kung saan niya ito iniwan.
"Liam nasaan kaba?!" Takot ang bumalot sa buong pagkatao ni Blake ng makitang nakabukas ang pinto nitong penthouse niya at mabilis na lumabas doon.
Nilibot niya ang paningin sa malapad na hallway pero wala siyang nakitang ni isang tao doon.
Mabilis siyang tumakbo papuntang elevator at pinindot ang first floor. Hindi niya na alam kung anung gagawin niya dahil natalo na siya ng kaba at mga posibilidad kung napano na si Liam.
Mabilis niyang naalala si Miyumi, siguradong magagalit ito sakaniya kapag nalaman na nawawala si Liam kaya kailangan niya na itong mahanap, ngayon din.
Nilabas niya ang cellphone niya at mabilis na nag type ng message para kay Miyumi.
'Baka hindi kana namin masundo ni Liam ngayong araw. But don't worry, maaga ko din siyang ihahatid sayo mamaya'
Nagdadalawang isip siya na i send ang message niya dahil hindi siya sigurado kung mahahatid nga niya si Liam mamaya kay Miyumi.
Mabilis namang nag reply si Miyumi at tinanong kung nasaan ba sila. Mabilis siyang nag reply ng 'penthouse' ay agad na din siyang lumabas ng elevator.
Tumakbo siya palapit doon sa may front office at mabilis na kinausap ang manager doon.
"Sir may kailangan po ba kayo?" Tanong nung babae.
"Nawawala ang anak ko--" hindi niya na natuloy may biglang may lumapit sakanilang isang security guard.
"Liam" hiyaw ni Blake at mabilis na kinuha si Liam doon sa security guard.
"D-Daddy" umiiyak na sabi ni Liam at mabilis na yumakap sa leeg ni Blake.
"Saan kaba galing?!" Agad niyang tanong.
"Ahhm, sir nakita ko lang po siya mag isa doon sa may garden sa likod nitong building, habang hinahanap kayo" paliwanag noong security guard.
"Paki review nalang yung CCTV at balitaan ako kung may nakita kayong kasama ang anak ko ng pumunta siya doon sa garden. Room 311 ang penthouse ko" sabi niya.
"Yes po Sir. Pasensya na po sa mga nangyari, hindi napo talaga mauulit" sabi nung manager bago niya iwan at muli silang sumakay ng elevator at bumalik sa penthouse nito.
[BLAKE POV]
"Liam pinakaba mo ako, bakit kaba lumabas ng hindi nag papaalam ah?" Tanong ko at inupo siya sa sofa. Hindi siya sumagot habang humihikbi parin. Napatingin ako sa hawak niyang isang bar ng chocolate.
"D-Daddy open" sabi niya at binigay saakin yong chocolate na hawak niya.
"Kanina to galing?" Tanong ko at sinuri ang chocolate. May nakadikit na note sa likuran ng wrapper nito.
'This is not the last Blake. This is just the first level of our game'
Mabilis akung tumayo at tinapon ang chocolate sa basurahan kasama ang nakadikit doon na note.
Damn you Elise.
"Daddy!" Hiyaw ni Liam at mabilis na bumaba sa sofa para kunin yung chocolate na tinapon ko. Kinuha kona ang susi ng kotse ko na nakapatong sa center table at binuhat si Liam

BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...