[MIYUMI'S POV]"Ayiiiee! Sabi kona nga ba at may something sakanila ni Hanz Javier eh"
"Ang swerte naman ni Miyumi, gwapo, matalino at mayaman ang boyfriend niya"
"May bagong loveteam dito sa I.U"Ilan lang 'yan sa mga tili ng mga classmate ko dahil sa nasaksihan nila, ngayon lang. Sobrang pula ng dalawang pisngi ko hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kahihiyan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng bigla akong mag-angat ng tingin at nakitang palapit saakin si Sir Blake. Bigla ko tuloy naalala ang mga narinig ko mula kay ma'am Elise kanina dahilan para makaramdam ako ng inis, hindi ko alam kung bakit. Basta naiinis ako sakanya! Inis na inis. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko at yumuko nalang nang tuluyan na siyang makalapit saakin. Mukhang sisigawan ako nito, mukha siyang frustrated at hindi ko alam kung bakit. Bakit naman siya magagalit aber? nakita niya kaya ang paghalik saakin ni Hanz? Eh ano naman ngayon?!
"You are 20 mins. late. Can you explain why?!"
Sir kasi nahulog ako sa hagdanan dahil sa katangahan ko at sinamahan pa ako ni Hanz sa clinic kaya natagalan ako. Gusto ko 'yang isagot pero wag na nga. Wala naman ding mangyayari kung sasabihin ko sakanya ang totoo. Hindi ko alam kung nag-aasume lang ako, pero halata sa boses niya ang pagkainis. Siguro dahil sa kaninang umaga. Nabuhusan ko siya ng hot chocolate na iniinom niya diba?
"S-sorry sir.-" hingi ko ng tawad, wala akong maidahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na traffic dahil alam niyang 5:30 palang ay umalis na ako ng bahay.
"I said explain" malamig niyang tugon.
"S-sir-" shit, anong isasagot ko?! Hindi ko pwedeng sabihin ang totoo.
"Maybe you flirt first before entering the classroom, am I right?"
Inis ko siyang binalingan ng tingin. Nakipagtitigan siya saakin gamit ang galit niyang mga mata. Iniinsulto niya ba ako? Ganyan na ba ang tingin niya saakin ngayon?! Sa harapan pa talaga ng mga classmate ko pinagsabihan niya ako ng ganyan?! Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Bigla kong narinig ang bulungan ng mga classmate ko ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayuko. Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita
"Marami ka ng bad records saakin. And once you aggrandize that, you will be approached in our discipline office. Is that clear?!" Kahit labag sa kalooban ko, tumango nalang ako at kahit na masakit parin ang katawan ko ay binilisan ko ang paglalakad para makaupo na ako sa pwesto ko.
"Mabuti nga" dinig kong bulong ng isa kong kaklase. Kung hindi ako nagkakamali, si cathy yon. Hindi ko kasi matignan ngayon ang mga classmates ko dahil pinahiya na ako ni Sir Blake sa harapan nila.
"I know Hanz, he just need her because he want her to be his fling. Nothing more. Nothing less." dagdag naman ni Eunice. Sinamaan ko siya ng tingin na nagpatahimik sakanya. May araw din saakin 'yang si Eunice. Magsama sila ng kaibigan niyang impakta!
"Pst. Miyumi ayos ka lang?" Pagkuha ng atensyon saakin ni Jicell. Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayuko. Mabilis kong pinahid ang mga luha na sunod-sunod ng umagos sa pisngi ko. Bakit ba ganyan na agad ang iniisip nila saakin?!
"Napano yan?" Bigla niyang tanong sabay hawak sa may braso ko.
"A-aray! Ano ba!" Sabi ko dahil sa gulat.
"S-sorry. S-sige mamaya nalang kita kakausapin" sabi niya at ibinalik ang atensyon sa seatwork na ginagawa niya.
Muli kong pinunasan ang pisngi ko gamit ang dala kong panyo. Nakita ko ang mantsa doon dahil sa hot chocolate na nabuhos kanina kay Blake at ginamit ko itong pamunas sakanya.
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...