CHAPTER 17: DEOXYRIBONUCLEIC ACID TEST

2.8K 56 0
                                    

[MIYUMI'S POV]

Nakaupo ako sa mahabang sofa dito sa may sala habang katabi si Liam. Lunes ngayon pero wala kaming pasok dahil may 1 week break kami dahil sa naging activity namin last week at para daw makapagpahinga kami dahil siguradong napagod kami sa mga activities na ginawa namin noong nagcamping kami.

"Mommy ah" sabi ni Liam at sinubuan ako gamit ang hawak niyang kutsara.

"Ano bayan Liam. Sayo yang pag kain tapos saakin mo pinapakain. Hmm ubusin mona yan" sabi ko at pinunasan ang bibig niya.

Gusto niya kasi, kapag kumakain siya ay siya mismo ang nagsusubo sa sarili niya kaya hinahayaan ko nalang siyang kumain mag isa.

"Mommy carrots?" Sabi ni Liam at pinakita saakin ang kinakain niyang carrots.

"Very good baby. Ubusin mo yan okay. O ito, ano to?" Tanong ko kay Liam sabay turo sa ampalaya.

"Mommy ayaw" aniya at kumuha non gamit ang kutsara niya "mommy ahh" sabi niya ulit at sinubuan ako nung ampalaya.

"Hmm yummy! Ikaw naman." Saad ko at kumuha ng ampalaya gamit ang kutsara at isusubo na sana sakaniya yon ng bigla niyang takpan ang bibig niya.

"No..ayaw mommy" sabi niya at tumakbo paalis.

"Liam bumalik ka dito! Hindi kapa tapos kumain-" hiyaw ko. Susundan kona sana siya ng biglang tumunog ang messenger alert tone ko. Pagtingin ko nakita kong tumatawag si Hanz sa pamamagitan ng Video call.

Agad ko yung sinagot at humarap sa camera.
"Hey! Hanz. Napatawag ka, may kailangan kaba?" Tanong ko at muling umupo sa sofa.

"Hey Miyumi" aniya.

"Hmm papa Hanz!" Tuwang tuwang hiyaw ni liam at patakbong lumapit saakin at humarap sa camera.

"Hey Liam, kumusta" saad ni Hanz at kumaway pa sa camera. Tumayo siya galing sa pagkakahiga sa kama niya at sumandal sa headboard nito. Mukhang kagigising lang niya. Teka tanghali na ah!

"P-papa Hanz. H-hello!" tuwang tuwang saad ni Liam. Papa ang tawag niya kay Hanz dahil tinuruan siya ni William noon na papa daw ang itawag niya kay Hanz.

Sabi ko kay Liam tito lang ang itawag niya pero parang nagustuhan niya yata ang pagtawag dito ng 'papa' kaya hindi nalang ako umangal doon. Wala namang masama diba?

"Anong ginagawa mo Liam?" Tanong sakaniya ni Hanz.

"liam eat papa Hanz." Sagot ni Liam at kinuha ang plato niya at hinarap sa camera.

"Papa Hanz, Liam eat Carrots yummy po" kwento niya dito.

"Talaga? Goodboy naman pala si Liam eh. You want cookies?" Tanong sakaniya ni Hanz.

"Yehey. Cookies, papa Hanz. Cookies" tuwang tuwa na saad ni Liam habang tumatalon.

"Hanz pinaalala mo nanaman yang cookies. Saan naman ako bibili non eh ang layo ng mga starbucks cafe dito" sabi ko sakaniya.

"Nah, edi ihahatid ko diyan" sagot niya.

"W-wag na. Mag papagawa nalang kami kay Mommy. Diyan ka nalang sa bahay mo okay? Naiistorbo kana namin eh" saad ko.

"Mommy cookies, g-gusto cookies mommy" sabi ni Liam habang hinihila ang kamay ko.

"Yes baby mag b-bake tayo okay?" Agad kong sagot.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon