[MIYUMI POV]"Miyumi" Sigaw ni Jicell ng makita niya ako na mag-isang naglalakad dito sa university. Tinanguan ko lang siya at tinuloy na ang paglalakad ko.
Ayoko sanang pumasok ngayong araw dahil kulang ako sa tulog pero hindi pwede kasi bukas na ang camp week namin at kailangan naming tumulong sa pagp-prepare ng mga kailangan namin dalhin sa pupuntahan namin na ip-provide nitong university.
"Miyumi! Bakit hindi ka namamansin ah? Galit ka ba saakin?" Tanong ni Jicell ng malapitan niya ako, umiling ako.
"Masama lang ang pakiramdam ko" pagdadahilan ko at nagsimula ng maglakad. Agad naman siyang sumunod saakin at sumabay na mag lakad.
"Alam mo may sasabihin ako sayo" sabi niya habang nakangiti.
"Ano yon?" Tanong ko at tumingin sakaniya.
"Luh, umiyak kaba? Bakit namamaga 'yang mga mata mo?" Mabilis akong umiwas ng tingin. Mukhang kailangan kong lagyan ulit ng concealer ang mga mata ko.
"Excuse me. Comfort room lang ako" paalam ko at umiba na ng daan papuntang comfort room.
Pagpasok ko sa loob ng CR ay agad ko ng kinuha ang concealer ko na nakalagay sa dala kung maliit na pouch at naglagay na sa mga mata ko. Grabe ba ako nakaiyak kagabi kaya sobra ang naging pamamaga ng mga mata ko ngayon? Ang laki din ng eye bags ko dahil halos tatlong oras lang ang naging tulog ko kagabi or should I say, kaninang madaling araw.
"OMG! Nabasa mo ba ang status ngayon ni Ma'am Elise sa FB? In relationship na sila ngayon ni Sir Blake" dahil sa gulat ay nabitawan ko ang concealer na hawak ko dahilan para mapatingin yung dalawang babae saakin. Hindi nalang ako nagpahalatang nagulat dahil sa pinag-uusapan nila at agad ng pinulot ang concealer ko na nahulog.
"Really? Bagay naman silang dalawa. Nakakatuwa nga dahil may bago na namang love team ang University" sabi pa nung isang babae na medyo kulot ang buhok.
Hindi ko nalang sila pinansin at agad na ding lumabas ng Comfort room. Kaya pala ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko dahil may girlfriend na siya? Edi sila na.
Akala niya siguro ay hahabulin ko siya. Napalaki ko nga ng dalawang taon si Liam na wala siya sa tabi ko tapos ngayon pa ba ako mag hahabol sakaniya? Bahala siya sa buhay niya. Ang mahalaga ay nasabi kona sakaniya ang totoo.
"Call time tomorrow is 5am sharp. Exact 5:30 am ay aalis ang service natin bahala kayo kung gusto niyong magpaiwan. Every group will consist of 5 members. Then yung mga kagroup niyo, sila din ang makakasama niyo sa isang tent. Large tent naman ang gagamitin natin kaya no need to worry." Sabi nung class representative namin na si Bryan.
"Ang malas naman natin dahil sina Eunice pa ang naging na group natin. Para tuloy ayoko ng sumama" bulong ni Jicell.
"Hayaan mona, wala na tayong magagawa" sabi ko naman sakaniya.
"And gadgets are strictly not allowed during the camp week. Kung magdadala kayo ng cellphones i co-confiscate din 'yon tomorrow. Maliwanag?" Sabi ulit ni Bryan. Paano ko niyan matatawagan sina Liam kung bawal pala ang cellphone bukas. Five days kami doon sa camp site siguradong mamimiss ko ang baby ko.
"Okay that's all for today. Bukas ah walang malelate" sabi pa niya. Tumango nalang kaming lahat at inayos na din ang mga gamit ko.
Halfday lang kami ngayon para daw nakapaghanda kami ng mas maaga para bukas.
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...