CHAPTER 11: MET ONCE AGAIN

2.8K 61 0
                                    

[MIYUMI'S POV]

"Manong dito nalang po" sabi ko doon sa driver ng taxi na sinakyan ko at inabot na sakaniya ang bayad ko.

Pagbaba ko sa backseat ay pasimple kong tinignan ang oras sa suot kong relo 6:45pm na pala. Hindi ko kasi namalayan ang oras kaninang pumunta ako sa library at doon nakatulog dahil sa kakaisip sa mga sinabi saakin ni ma'am Elise.

Tapos nagpatawag pa ng meeting ang bawat councils sa loob ng university dahil sa darating na camp week namin at required daw ang lahat ng college students na umattend sa event na 'yon dahil isa daw ito sa requirements namin para makagraduate. Tsk! Nasaan ang hustisiya doon? Inayos ko ang pagkasukbit ng sling bag ko sa may balikat ko at tuluyan ng pumasok sa gate.

"Miyumi" napahinto ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko si Blake pala, teka. Kanina pa ba siya nandito?

"Puwede ba tayong mag-usap?" Inunahan niya na akong mag salita.

Sasagot na sana ako ng bigla niya na akong tinalikuran at naglakad papunta sa likod ng mansion kung saan ang nandoon ang napakagandang hardin nila. Wala akong nagawa kaya sumunod nalang ako sakaniya

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin--"

"Anong sinabi sayo ni Elise?" Nagulat ako dahil sa tanong niya, bakit gusto niyang malaman? Matutulungan niya ba ako sa problema ko kung malalaman niya?

"S-siya ang tanungin mo. Wag ako" sagot ko at tinalikuran na siya. Hindi pa naman ako nakakaalis ng magsalita na naman siya.

"Wag mong pansinin ang mga sinabi niya tungkol saatin. Dahil wala namang katotohanan ang mga 'yon." Muli ko siyang tinignan.

"At paano mo naman nasabing walang katotohanan ang mga sinabi niya?" Tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko na hindi siya sigawan.

"May relasyon ba tayo? Diba wala naman? Kaya walang katotohanan ang mga binibintang niya saatin. Wag kang matakot sakaniya. Parehas lang kayo" aniya bago ako lampasan.

Ano ba ang ibig sabihin niya sa mga sinabi niya saakin? Oo at wala nga kaming relasyong dalawa pero kamusta naman ang mga maling tingin saamin ng mga tao na nakakakita at nakakapansin saamin?

[PAGLIPAS NG MGA ORAS]

"Sige Liam kuha ka lang kung anong gusto mo bibilhin yan lahat ni lolo Hanz mo" sabi ni William habang buhat buhat si Liam at binibigyan niya ito ng kung ano anong mga pagkain na makita nila dito sa loob ng grocery store.

Nandito kami ngayon dahil gusto nilang bumili ng mga snacks para daw baon nila sa camp week namin. Next week na kasi 'yon at kahit na may pagkain kami na makakain doon sa camping dahil kasama yon sa babayaran namin ay naggrocery parin sila dahil daw hindi naman niyan masarap ang mga foods doon at wala pang mga snacks.

"Hoy tumigil ka nga William! Sayo palang kulang na ang allowance na binigay saakin ni daddy gumastos ka naman kahit minsan lang" sabi sakaniya ni Hanz habang kumukuha ng mga chips at nilalagay sa push cart na tulak tulak niya.

"Luh. Akala ko ba magpapaimpress ka kay Miyumi at Liam kaya ililibre mo kaming lahat?" tuwang tuwang sabi ni William.

"At sabi mo sagot mo na ang baon natin sa camp week" dagdag pa ni Jicell.

"Hoy tama na nga yan. Basta bilhin niyo lang ang mga kailangan." sabi ko sakanila at kumuha ng isang balot ng candy.

"Oo nga, pero sige sagot ko na lahat ng baon natin pero ikaw William ang sasagot sa lunch natin ngayon. Nagugutom pa naman ako" sabi ni Hanz at kinuha niya si Liam kay William at inupo ito sa push cart na tulak tulak niya.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon