CHAPTER 2: A PAIN THAT WAS NEVER FORGOTTEN.

3.4K 75 2
                                    


[MIYUMI'S POV]

"Ano ba naman Miyumi? tara na pumasok na tayo sa first subject natin. Baka nandiyan na si sir Blake!" Hiyaw saakin ni Jicell habang hila-hila ang braso ko.

"Eh, ayaw ko nga'ng pumasok sa first subject natin ikaw nalang, sige aalis na ako" sagot ko habang hinihila sakanya ang braso ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Hindi mo naman ugali na hindi pumasok sa isang subject natin or magm-cutting ah! Sabihin mo, may problema ka ba kay Sir? Ano?" Sabi niya at nag-cross arms pa sa harapan ko, inirapan ko siya.

"Hmm a-ano kasi, w-wala akong assignment k-kay sir, baka mapagalitan ako hindi nalang ako papasok sa subject niya" dahilan ko habang pinag-didikit ang dalawang hintuturo ko.

"Ahh? Eh wala naman tayong assignment kay Sir!" Napatingin ako sakanya.

"Ah? W-wala ba? Saan kasi ang assignment natin?" Tanong ko, inis niya akong tinignan.

"WAG KANA NGANG MAGDAHILAN PA MIYUMI TUAZON! PAG HINDI KA PUMASOK NGAYON SA FIRST SUBJECT NATIN ISUSUMBONG TALAGA KITA KAY SIR!" Sigaw niya sa harapan ko, napapikit ako dahil pati laway niya ay napunta sa maganda kong mukha.

"Edi magsumbong ka! Basta hindi ako papasok sa first subject natin! Bye!"

Saktong pagtalikod ko ay nakita ko na nasa likuran ko pala Blake. I mean sir Blake, Wtf!? Narinig niya kaya ang balak kong pagcu-cutting? Oh my sana hindi!

"You two are my students in Contemporary Mathematics right? Our First subject" hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya kaya dahan dahan nalang akong pumunta sa may likuran ni Jicell.

"Yes Sir!" Magiliw na sagot nitong lokalokang si Jicell.

"Uy tara na nga pasok na tayo" bulong ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay na parang may kalokohan siyang naisip.

"Then what are you doing here? Its already time for our subject." kalmado niyang tanong, yumuko nalang ako, bahala na si Jicell na mag-paliwanag diyan. Tss kung hindi niya sana ako pinigilan na mag-cutting class edi sana hindi kami mahuhuli, edi kasalanan niya.

"Eh kasi po sir, etong si Miyumi gustong mag-cut ng class sainyo. Ayaw niya daw pumasok sa first subject namin, kaya pinipigilan ko siya na huwag nalang ituloy ang gusto niya." nakangising sumbong ni Jicell, sinamaan ko siya ng tingin.

"ANO? SINABI KO YON?!" Hiyaw ko, nakalimutan ko na nasa harapan pala namin si sir Blake.

"Both of you, go back to your room, now." Hindi kona pinansin si Sir Blake at tinalikuran kona sila, mabuti nalang at--

"Ms. Tuazon, see me in my office later" napahinto ako dahil sa narinig ko, a-ano daw?!

"'Yan cutting pa more!" Natatawang bulong saakin ni Jicell at nauna ng maglakad saakin. Masasabunutan ko talaga ang babaeng yan!

Pag-pasok namin sa room namin ay hindi ako tumabi kay Jicell, naupo ako sa pinakadulong upuan. Tsk! Naiinis ako sakanya.

"Hi Miyumi! War yata kayo ni Jicell?" Sabi ni Gina, na nakaupo sa may gilid ko, isa siya sa mga classmate ko pero hindi kami ganoon ka close.

"Ah? Medyo hehe" simpleng sagot ko, tumango lang siya at hindi na muling nag tanong dahil nag-umpisa ng mag-discuss si Sir Blake.

Kasalukuyan siyang nag-eexplain sa harap pero wala talaga akong maintindihan, nakakaantok tuloy! Inaamin ko guys na mahina talaga ako sa subject na Mathematics kaya kapag math na ay gusto kong nasa harapan ako para makapagfocus ako at hindi tulad ngayon kanina pa daldal ng daldal saakin itong si Gina.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon