CHAPTER 1

3.9K 73 0
                                    


[MIYUMI'S POV]

Hindi ko alam kung anong i-rereact ko ng nakita ko ulit siya, after 3 years. Marami na siyang pinagbago, physically and mentally. Nung nakita niya ako kanina ay parang wala kaming pinagsamahan. Parang ibang tao ako sakanya at simpleng estudyante niya lang kung ituring.

Para ngang nakalimutan niya na ako, na hindi ko alam kung posible bang mangyari 'yon sa amin dahil sa tagal ng pagsasama namin noon. Pero kahit na ganoon, masaya parin ako dahil natupad na ang pangarap niya para sa sarili niya, na pangarap ko din para sakanya.

'Yan naman ang gusto kong mangayari diba? Kaya ko siya hiniwalayan para sa pangarap niyang 'yan, dahil siguro sa sobrang talino at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa. Kaya mabilis siyang nakapagtapos at nakahanap ng magandang trabaho dito sa Pilipinas.

[FLASHBACK]

"Mi, ano 'yang binabasa mo?" Tanong ko sakanya sabay silip sa cellphone niya.

Nandito kami ngayon sa ilalim ng puno dito sa garden ng school na pinapasukan namin. Parehas kaming grade 11 student.

"Ah ito ba Mi? tinitingnan ko lang kung kailan magkakaroon ng world wide examination ang school" taka ko siyang tinignan.

"Ah? paano ba 'yon?" Curious kong tanong.

"Napili ang school para sa isang worldwide examination. Kapag nakapag-take ako sa exam na 'yun pwede akong mag-aral sa kahit saang university or academy all over the world ng wala akong ni singko na gagastusin. Magkakaroon din ako ng monthly allowance galing sa government kapag nag-aaral na ako. Sa alam ko every 3 years lang sila nagpapa-exam ng ganito at sabi dito, next year pa daw magkakaroon ng examination. And lucky 50 student lang dito sa buong pilipinas ang mapipili para makapag-exam niyan. Kaya malaking opportunity yan para sa mga student na gustong magkaroon ng mataas na pag-aaral, tapos kapag nakatapos na ako ng pag-aaral dahil diyan. Ang trabaho na ang maghahanap sayo na hindi bababa sa 100k na salary. Oh diba? saan kapa" paliwanag niya, napatango nalang ako.

"Bakit kapa kukuha ng ganyan kung afford niyo naman ang tuition sa ibang bansa?" Tanong ko sakanya.

"Wala lang, gusto kona kasing maging independent at ayoko ng umasa sa parents ko, and tiyak na magiging proud saakin si dad pag nakapasa ako dito. At para sa future din natin to, Mi. Ano? gusto mo ring mag-take?" Tanong niya, mabilis akong umiling.

"Wag na baka hindi ko kaya, ikaw nalang at susuportahan nalang kita sa gusto mo" sabi ko sakanya.

"At future ka diyan! Masyado pa tayong mga bata para diyan sa future future na yan! 16 palang ako tapos ikaw 17--"

[END OF FLASHBACK]

Biglang natigil ang pagi-isip ko ng kung ano-ano nang bigla akong sinampal ng loka lokang kasama ko.

"ARAY KO NAMAN JICELL! BAKIT KABA NANANAMPAL!" Hiyaw ko sakanya sabay hawak sa kaliwang pisngi ko na sinampal niya.

"Eh kanina pa ako dada ng dada dito hindi mo naman pala ako pinapansin! Kanina ka pa lutang diyan. Nadala mo ba ang utak mo dito sa University or naiwan mo sa bahay?! Kanina ka pa absent minded eh!" Sermon niya saakin dahilan para mapasimangot ako.

"Wala! Bahala ka nga diyan!" Tatayo na sana ako ng bigla niya akong pinigilan.

"Kainin mo muna 'yang lunch mo! Minsan na nga lang ako manlibre hindi mo pa kakainin tsk!" Inis niyang saad sabay iwas ng tingin. Napatingin ako sa pagkain na nasa harap ko.

MY PROFFESOR IS MY EX FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon