[MIYUMI'S POV]
Magkahawak kamay kami ni Blake habang palabas sa isang souvenir shop. Gusto ko kasing bumili ng mga souvenirs dito sa baguio dahil hindi naman kami nakabili kahapon kase napatagal ang pagpasyal namin kung saan saan kasama si Liam.
"May bibilhin kapa ba?" Tanong niya habang palabas kami.
"Hmm" sagot ko na parang nag-iisip habang nakangiting pinagmamasdan ang mga keychain na may nakaukit na pangalan ni Liam, tapos yung isang keychain naman ay pangalan ni Blake ang nakasulat at yung isa ay pangalan ko naman.
"Ah! Oo nga pala, gusto ko ng peanut brittle at nung raisin bread nila dito. Pati na rin ng ube and strawberry jam bili tayo" sagot ko at nakangiting tumingin sakaniya.
"Yun lang?" Tanong pa niya.
"Bakit? May gusto kapabang bilhin?" Taka kong tanong sakaniya. Seryoso niya akong tinignan sabay bitaw sa pagkahawak sa kamay ko.
"Gusto mo pa talagang---" hindi kona siya pinatapos.
"Oo na! Bibili pa tayo ng choco flakes na gusto mo. Hindi ko pa naman nakalimutan yon" sabi ko at niyakap siya sa braso niya.
"So balak mo palang kalimutan?" Tanong pa niya habang hindi naaalis ang pagkaseryoso sa kanyang mukha.
"Bakit ko naman makakalimutan yung paborito mo?" Agad umaliwalas ang mukha niya at muling hinawakan ang kamay ko.
"Talagang hindi mo dapat kalimutan" sabi pa niya at hinila na ako papunta sa kung saan.
"Naalala mo ba yung last tayong bumili ng choco flakes?" Tanong niya habang nakangisi.
"Paano ko naman makakalimutan yon eh tumakas pa tayo kila Papa para lang makabili ng choco flakes mo? Alam mo bang napalo ako nun ni Papa dahil hindi tayo nagpaalam sakaniya? Hello? Baguio to at kasama natin ang parents ko na pumunta dito at hindi naman natin masyadong alam ang pasikot sikot dito tapos ang lakas pa ng loob mong tumakas para lang bumili ng choco flakes? Paano kung naligaw tayo nun?" Tanong ko sakaniya dahil kapag naaalala ko ang pangyayari na yon ay gusto ko talagang bugbugin si Blake.
Inirapan ko siya dahil tumawa lang ang mokong, aalisin ko sana ang pagkahawak niya sa kamay ko ng mas lalo niya itong higpitan. Hindi ko nalang yun pinansin at tinuloy na ang paglalakad.
"Teka, eto na pala ang keychain mo" sabi ko at binigay yung keychain na may pangalan niya.
"Ayoko niyan" mabilis niyang sagot.
"Eh anong gusto mo? Sabi mo gusto mo din nito?" Taka kung tanong sakaniya at pinakita ang hawak kung mga keychain. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ay isang keychain na may pangalan ko.
"Eto nalang" aniya at mabilis yung binulsa.
"Ah? Nababaliw kaba? Akin yang keychain eh!" Hiyaw ko pero hindi niya manlang ako pinansin at nauna ng lumapit sa isang stall kung saan makakabili ng mga peanut brittles.
"Bilisan mo diyan, baka kanina pa tayo hinihintay ni Liam sa hotel" mabilis akong lumapit sakaniya ng maalala si Liam.
Tulog siya ng iwan namin doon sa hotel kasama si Mama at sina Tita Angelica. Uuwi na din kase kami sa manila mamayang tanghali dahil may pasok na bukas at kung hihintayin pa naming magising si Liam at isama dito baka lalo lang kaming mag tagal at hindi agad makauwi ng maaga.
[AFTER ONE DAY]
Lakad takbo ang ginawa ko ng makapasok ako dito sa loob ng I.U. Late na akong nagising kanina dahil siguro sa pagod kahapon. Hayyy! First day na first day malalate ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/208292814-288-k508227.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomansaTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...