[MIYUMI'S POV]
Nakangiti akong bumangon at mabilis na lumapit kay Liam na ngayon ay mahimbing pang natutulog para halikan sa magkabilang pisngi.
"Happy birthday baby" bulong ko sakaniya.
Yes, 3rd Birthday niya na ngayon. Ano kayang celebration ang gagawin namin?
Hindi naman kasi bongga kung ipaghanda ko ng birthday si Liam. Maliban sa magastos, kulang din sa oras at pagod din sa mga preparations kaya mas maganda ng simple basta memorable.
First birthday niya pinagluto lang siya ni Mama, then yung second birthday niya namasyal lang kami nina Mama sa amusement park at kumain sa labas. Tapos ngayong third birthday niya ano naman kaya ang gagawin namin?
Tumayo na ako at dumiresto sa banyo para maligo.
Alam kaya ni Blake na birthday ngayon ni Liam?
Tsk! Ano namang pakialam ko sa lalaking yon? Pagkatapos ng pag-uusap namin noong isang gabi, hindi na ulit kami nag-usap o kahit nagpansinan man lang.
Pagkatapos kong maligo ay agad na akong lumabas ng banyo at sakto naman na nagising ang baby ko.
"Happy birthday baby! Three years old kana!" Masaya kong saad at nilapitan siya.
"Birthday? Yehey!" Mabilis siyang tumayo sa taas ng kama at nagtatatalon sa tuwa.
"Mommy gift?" Tanong niya at yumakap saakin.
"Hmmm" sagot ko na parang nag iisip, biglang lumungkot ang mukha niya at mas hinigpitan pa ang pagkayakap saakin.
"Syempre may gift ako sayo, ikaw pa hindi ko bibigyan ng gift?" Sabi ko at pinadaanan ng daliri ko ang tungkil ng ilong niya dahilan para agad lumiwanag ang mukha niya.
Inayos ko ang towel sa ulo ko at naglakad palapit sa isang cabinet sa may ilalim ng closet ko at kinuha doon ang gift ko kay liam na nakabalot pa ng gift wrap.
"Charan!" Mabilis niya namang inagaw saakin ang gift na yon at niyakap ng mahigpit.
"O, anong sasabihin mo kay mommy dahil binigyan ka niya ng gift?" Tanong ko at pinantayan siya.
"Hmm. Hmm, t-thank you mommy!" Sagot niya at mabilis akong hinalikan sa magkabilang pisngi ko.
"Good boy!" Nakangiti kong sagot. "Teka, wag mo munang bubuksan" pinigilan ko siya ng muntikan niya ng baklasin ang gift wrap. Taka niya akong tinignan.
"Kailangan mo munang maligo, look may laway ka pa dito oh!" Natatawa kong saad sabay turo sa pisngi niya.
~/~
Binihisan ko ng pang-alis si Liam. Gagala nalang siguro kami ulit ngayon. Tapos tatawagan ko nalang sina Jicell at ililibre ko sila. Wala naman kasi kaming gagawin dito sa bahay, hindi ko nga alam kung naalala ni mama na birthday ngayon ni Liam eh.
Paglabas namin ni Liam ay dumiretso kami sa kabilang kwarto kung nasaan si mama, sabay kaming kumatok ni Liam sa pinto pero wala namang sumasagot, kaya pinihit ko nalang ang door knob at agad ng pumasok.
"Mama--" nilingon ko ang kama ni mama pero wala naman siya doon, sumilip ako sa banyo pero wala naman ding tao doon.
"Mommy, lola? Saan?" Tanong ni Liam, umiling ako.
"Hindi ko rin alam eh, tara na? Baka nasa shop na siya. Puntahan nalang natin siya doon, gusto mo?" Tanong ko sakaniya, nakangiti siyang tumango.
![](https://img.wattpad.com/cover/208292814-288-k508227.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...