[MIYUMI'S POV]
"Mama mauna na po ako" paalam ko at humalik na sa pisngi niya.
Lunes ngayon at kailangan ko ng pumasok sa university, every monday pa naman ay napakadami naming ginagawa. Isang stressful na araw na naman!
Saktong paglabas ko ng gate ay nakita ko si Blake na may kausap sa cellphone habang nakasandal sa may unahan ng kotse niya. Nakasuot siya ngayon ng isang white long sleeve polo habang nakasabit sa kanang kamay niya ang black coat at sa kaliwang kamay niya naman nakahawak ang cellphone niya.
Bakit ba ang HOT niyang tignan kahit anong isuot niya? Teka. May sinabi ba akong hot siya?
Napairap ako sa hangin dahil parang aliw na aliw siya sa taong kausap niya sa cellphone. Sino naman kaya 'yon? Si Ma'am Elise ba? Ts. At ano bang pakialam ko sakanila? Wala naman diba? Sinarado kona ang gate at naglakad na paalis. Saktong lalampasan ko na siya ng bigla siyang nagsalita.
"Ayaw mong sumabay?" Aniya. Teka, ako ba ang kausap niya? Pasimple akong tumingin sakanya.
"Ako ba?" Tanong ko. Nginisian niya ako at binaba ang hawak niyang cellphone.
"Malamang. May iba pa bang tao dito na pwede kong isabay papuntang University?" Pamimilosopo niya. Muli ko siyang inirapan.
"No thanks--" hindi kona natuloy ang sinasabi ko ng bigla niya na akong hinila papasok ng passenger seat.
"Sinabi ng ayaw kong sumabay eh! Bakit ba ang kulit mo?" Inis kong saad ng makaupo siya sa driver seat.
"Ang kulit mo din kasi. Now fasten your seatbelt wag mong antayin na ako pa ang magsuot niyan sayo" mabilis pa sa pagkurap ng mga mata ko na hawakan ang seatbelt at nilock yon.
Narinig ko pa siyang tumawa pero hindi kona pinansin 'yon.
"Kumusta si Liam?" Basag niya sa ilang minuto naming katahimikan. Gulat ko siyang tinignan. Bakit niya kinukumusta ang anak ko?
"I-i mean. Sobrang likot at mukhang napagod siya kahapon, so how is he?" Paliwanag niya dahil nakita niya yata na nagulat ako sa tanong niya.
"A-ayos naman siya maaga siyang natulog kagabi dahil yata sa pagod. Nag-enjoy siya at gusto niya daw ulitin yon. Next time" paliwanag ko. Tumango siya at ngumiti.
"Nice. Maayos ang pagpapalaki mo sakaniya kahit na ikaw lang mag-isa." Sabi niya habang deretsong nakatingin sa kalsada.
"Hindi naman ako mag-isang nagpalaki sakaniya. Kasama ko si mama" sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.
"Yeah. Ilang taon na kasi siya?" Tanong niya saakin.
"Si Liam? 2 years old palang turning 3 this year" nakangiti kong sagot dahil excited na ako sa birthday ng anak ko. Ewan ko ba. Tuwing sasapit ang kaarawan niya ay may excitement akong nararamdaman. Tuwang tuwa din ako kapag nakikita at nasusubaybayan ko ang paglaki niya.
Pero kahit na lumaki pa siya at maging isang grade school student siya parin ang baby ko. FOREVER.
"Shit si Jicell!" Hiyaw ko at mabilis na yumuko para hindi niya ako makita sa harap ng bintana.
"Who? W-wait, what are you doing?" Taka niyang tanong.
"Si Jicell classmate ko, hindi niya dapat tayo makita dahil baka anong isipin niya." paliwanag ko habang nakayuko parin.
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomansaTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...