[MIYUMI'S POV]Nandito ako sa cafeteria habang kinakain ang order ko na topsilog at cappuccino. Konti palang ang mga estudyante dito sa university at halos nag-aalmusal lang din ang mga kasabay ko na kumakain dito sa loob ng cafeteria. *yawn*
Muli akong humikab dahil sa antok. Maagang nagigising si Blake. At kailangan kong mas maaga or maunahan siyang magising para hindi na kami magkita sa loob ng bahay nila at para maiwasan na din ang mga hindi magandang nangyayari tulad nalang ng nangyari kanina. *pout*
Okay na siguro ang 3am ako magigising at aalis ako ng 4:30am. Oo tama, ganun nalang siguro ang gagawin ko. Inubos kona ang cappuccino na order ko at lumabas na din ng cafeteria. Para akong zombie na naglalakad ngayon patungo sa room namin. Doon nalang siguro ako magpapalipas ng oras dahil 6:30 palang at mamaya pang 8:00 ang first class ko. Habang naglalakad ako sa may hallway nitong second floor ay bigla akong may narinig na kaluskos, at mahihinang mga boses na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Mas lalo kong binagalan ang paglalakad ko paakyat ng hagdan dahil mukhang nasa taas ang mga taong nag-uusap, dahan-dahan akong sumilip sa may taas ng hagdanan na nagdudugtong sa second at third floor kung nasaan ako ngayon.
Fifth floor pa kase ang room ko at may elevator naman pero hindi ko ba alam kung bakit dito pa ako sa hagdanan dumaan. Nasa may madilim na parte ang dalawang tao na nag-uusap, ang isa ay mukhang babae at isang lalake dahil nakikita ko ang bawat galaw ng mga anino nila. Medyo madilim pa kase dito at nakabukas pa ang iilang mga ilaw sa mga lamp post na nagkalat dito sa university dahilan para masinagan sila. Wala naman akong pakealam sa mga pinaggagawa nila doon at mas lalong wala akong balak na maki-usyoso sa usapan nila kaya bababa na sana ako ng hagdan dahil kung ipagpapatuloy ko ang pag-akyat baka makita pa nila ako at isipan ako ng masama kaya bababa nalang ako at gagamit ng elevator para makaakyat ulit. Napahinto ako sa pagbaba ng marinig ko ng pinag-uusapan nila. Natigilan ako dahil parang pamilyar saakin ang boses na yon.
"Bitawan mo nga ako Paul! Baka may makakitang estudyante saatin" inihakbang ko ang paa ko ng isang baitang at sumilip doon sa pinaggagalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali, si ma'am Elise yon. At kausap niya ngayon si Sir Paul, siya ang instructor ng varsity team dito sa university at nagtuturo din siya ng College physical education. Gwapo si Sir Paul at marami ding mga babae dito sa university ang nahuhumaling sa kagwapuhang taglay niya, at may usap-usapan din na may relasyon silang dalawa noon, pero hindi ko alam kung totoo yon.
"Wag mong ibahin ang usapan Elise! Ano ba ang meron sa lalaking yun na wala saakin ha? Bago lang siya dito pero baliw na baliw kana agad sakanya!" Hatalang galit na saad ni Sir Paul at inayos ang pagkasabit ng gym bag niya sa kaliwang braso niya.
"Yes, he's just new here but we have enough time to get to know each other, imagine? Almost three years na kaming magkakilala dahil sa iisang university lang kami nag-aral noon sa ibang bansa. Sapat na siguro ang mga taon na yon para mahalin ko siya ng husto" sabi sakanya ni Ma'am Elise na ikinagulat ko. Ngayon ko lang nalaman ang mga yan.
"Liar! Sinabi mo saakin na ngayon mo lang siya nakilala!" Sabi sakanya ni sir Paul.
"Nagsinungaling ako. Niloko lang kita. Nauna ako ng isang buwan sakanya dito kaya isang buwan din akong nabakante at agad mo naman akong pinormahan---" hindi niya na tinapos.
"But you didn't told me that you're in relationship with him! You fooled me!" Hiyaw ni Sir Paul habang dinuduro si ma'am Elise. 'ANO BANG GINAGAWA KO DITO? BAKIT BA AKO NAKIKINIG TSK! SABAGAY WALA NAMANG MASAMA HEHEHE' sabi ko sa isip ko kaya't nagpatuloy ako sa pakikinig
"Im so sorry Paul, akala ko kasi hindi moko mamahalin dahil ilang buwan palang tayong magkakilala." Sabi ni Ma'am Elise at lumayo ng konti kay sir Paul.
![](https://img.wattpad.com/cover/208292814-288-k508227.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...