[MIYUMI's POV]
Ilang araw na ang lumipas simula ng mangyari iyon, dahil doon mas lalo akong nailang sakanya. Nararamdaman ko palang ang presensya niya na palapit saakin ay halos mabaliw na ako at hindi alam kung saan pupunta o magtatago para hindi niya ako malapitan at makausap. May fiance na siya pero bakit niya ako hinalikan noong gabing 'yon?!
"Mommy" nabalik ako sa realidad ng biglang lumapit saakin si Liam at inabot ang hawak nitong sapatos.
Inupo ko siya sa may hita ko at sinuot yon sakanya. Sunday ngayon at nakaugalian na namin na pumunta sa simbahan every sunday. Noong buhay pa si papa kasama namin siya ni mama na nagsisimba pero ngayong wala na siya kami nalang nina Mama at Liam pero madalas ding hindi na sumasama si Mama saakin sa pagsisimba kesyo busy daw siya sa shop niya. Tulad ngayon, kami na namang dalawa ni Liam ang magsisimba dahil maagang umalis si Mama. Inispray-an ko ng pabango si Liam at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
"Liam wag tatakbo" sabi ko ng bigla niyang bitawan ang kamay ko at nauna ng bumaba sa hagdan.
Nakasimpleng kulay peach na dress lang ako na above the knee. Wala na kasi akong mga pantalon at Jeans dahil basa pa ang mga ito at 'yon kasi ang mga sinusuot ko kapag may pasok sa university. Inayos ko ang paghawak sa sling bag na dala ko at sinundan na pababa si Liam. Nasan kaya sina Tita Angelica? Hindi ko pa siya nakikita simula ng mag-almusal ako kanina sa kusina.
"Liam hintayin mo si mommy! Sige ka iiwan kita dito" sabi ko sakanya at hinawakan ang braso niya ng mahuli ko siya, at sabay na kaming lumabas ng bahay. Nagulat ako ng makitang nasa labas sina Tita Angelica kasama si Blake. Mukhang aalis sila ngayon, dahil nakabukas ang malaking gate at mukhang palabas ang isa nilang kotse. Mamaya nalang siguro kami aalis ni Liam. Kapag nakaalis na sila. Tatalikod na sana ako pero huli na ng bigla akong tawagin ni Tita angelica
"Miyumi" Lumapit siya saamin habang nakangiti.
"Hi, baby. Where are you going?" Tanong niya kay Liam at binuhat ito.
"Hmm, babye" sagot ni Liam.
"Ah magsisimba po sana kami--" sagot ko.
"Talaga? Magsisimba din kami. Gusto niyo bang sumabay?" Tanong niya. Mabilis akong umiling.
"N-naku tita, wag na po, n-nakakahiya po" agad kong sagot at kinuha si Liam sakanya. Agad naman siyang sumimangot
"Sure ka?" Panigurado niya. Walang pagdadalawang-isip na tumango ako.
"Mommy let's go" tawag sakanya ni Blake habang papasok ito sa loob ng kotse, pero hindi 'yon pinansin ni Tita Angelica.
"Kung ganon, pasasamahan nalang kita kay Blake. Mahirap mag-commute sa lugar na 'to. At hustle lang kung maglalakad kayo dahil malayo at baka ma-late pa kayo sa first mass" tuloy tuloy niyang saad at naglakad papunta sa kotse.
"Tita ayos lang po talaga kami" hiyaw ko pero hindi siya nakinig at kinatok ang backseat kung saan pumasok si Blake.
"Blake, wag kang sasabay saamin ng daddy mo, join miyumi to go to church. Magsisimba din sila, hurry up! Lumabas ka na diyan!" Hiyaw ni tita habang kinakatok ang backseat. Nang bumukas yon, ay agad niya namang hinila palabas si Blake na nakasimangot.
![](https://img.wattpad.com/cover/208292814-288-k508227.jpg)
BINABASA MO ANG
MY PROFFESOR IS MY EX FIANCE
RomanceTitle: MY PROFESSOR, IS MY EX FIANCE. Genre: romcom (student & teacher #lovestories) Author: miss mae ー Synopsis: Ito ay patungkol sa pag-iibigan ng isang babae at lalaki ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanilang nabuong koneksyon sa isa...