9. Relationship

1K 53 15
                                    

Lumipas ang Christmas at New Year na hindi kami nagkita ni Sir. Huling kita namin noong Reunion nya pa.

Wala din akong number nya at sinubukan ko ring imessage sya sa Facebook pero hanggang ngayon hindi parin naseseen.

Malapit na rin ang pasukan kaya nagpagpasyahan ko na bumili ng iilang gamit para sa school.

"Wag kang papagabi." Bilin ni Ate Feira.

"Opo." Matamis akong ngumiti sa kanya at humalik sa pisngi nya at umalis na para pumunta sa mall.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kotse ni Sir na nakaparada malapit sa bahay namin.

Omygosh!

Dali-dali akong tumakbo at kinatok ng bahagya yung salamin nun. Tinted yun kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nya sa loob.

The window rolled down and I saw him in his woke up like this aura.

"Nagising ata kita."

Binuksan nya ang pinto at pumasok naman ako.

"Where are you going?" Tanong nya sakin nang makaupo na ako.

"Sa mall..."

Nagulat ako nang ikabit nya ang seatbelt sakin.

"May bibilhin lang." Pahabol ko.

Ini-start nya ang kotse at tinahak ang daan sa pinakamalapit na mall samin.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko nang mapansin ang gusot sa kanyang damit at ang isang cup ng Starbucks.

"No."

"Oh! Kahapon pa?" Nang mapansin sa backseat ang ilan pang cups ng Starbucks.

"Nung isang araw pa."

"Weee? Ba't d ka nagsabi? So ibig sabihin after ng New Year, kinabukasan andito kana? Kina Kuya Mike kami nagnew year at ngayon lang ulit nakauwi dito. Pasensya na."

"No. I chose to wait so nothing to say sorry about."

Natahimik ako at tiningnan lang sya habang nagmamaneho.

May kaunting eyebag siya at halatang puyat na pagod. Ah ewan!

Naguguilty ako.

Huminga ako ng malalim at napansin nya iyon.

"I told you that it's not your fault. I really wanted to see you so I waited. It's not that I stayed there the whole time. From time to time umaalis din naman ako dun at bumalik, expecting that you'll be there. Stop over thinking, ok?" He caressed my cheek. I grabbed his hand and interlocked our fingers.

He smiled at me.

Pumasok kami ng National Book Store. Bumili ng papel at iilang notebook, sticky notes at ballpen.

"Ano yan?" Tanong nya nang makita ang tatlong librong hawak ko.

"Libro." Pilosopo kong sagot.

Kunot noo nya akong tiningnan at inagaw ang libro.

"Hindi mo'to bibilhin."

"What?!!" Di makapaniwalang sambit ko. Nakita kong binalik nya iyon at hinila na ako sa counter.

"Ano ba?! Wait lang! Bibilhin ko yun! Pera ko naman yung ibibili ko dun eh!"

"No." Matigas nyang sambit. Masama ang tingin sa akin.

Pilit kong kinukuha ang kamay ko pero mahigpit ang hawak nya.

"At bakit?!!"

"It is not suitable for you! And what's with the cover? It's..." Hindi nya nadugtungan.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon