"As in Legal Guardian??" Gulat kong sambit.
"Oo. Ayaw mo ba nun? Magkasama tayo? Parang kayo lang ng ate mo." Nakangiti parin si Lola habang tinitingnan ang gulat kong mukha.
"La--" I distanced myself to her. "Hindi ko na kailangan 'yan. I'm at my legal age. I can live on my own and even decide on my own."
Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Lola na kalaunan ay napalitan ng matamis na ngiti.
"Alam ko, Apo. Nag-alala lang talaga ang lola mo sayo. Pasensya kana't nagulat ata kita." Sambit ni Lola sa mababang tono.
"Sorry. Sorry, La." I felt guilty because of what I did.
Ang gulo-gulo lang kasi talaga ng isip ko ngayon. Ang daming tanong na naiipon sa'king isip. Hindi ko rin naman magawang itanong ang mga iyon dahil sa hindi malamang kadahilanan. Parang ang bilis at hindi ko ine-expect ang mga pangyayare. Ang pagpapakita ni Lola, ang pag-uusap nila Lola at Dester, ang pagiging legal guardian ni Lola. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin.
"Naiintindihan kita, apo." Nakangiting sambit ni Lola. I've known Lola for her sweetness especially to me kaya hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin iyon kay Dester. Bakit sila magkakilala? Anong pinag-uusapan nila??
"Hindi mo man ako kailanganin ngayon pero darating din ang panahon na kakailanganin mo ako kaya lagi mong tandaan na nandito lang ang lola para sayo." Hinawakan niya ang aking kamay at tinitigan ako sa mga mata bago lumabas ng hall at nauna na sa paglilibingan ni Ate.
Sa isang ilog binuhos ang abo ni Ate. Kaunti lang ang tao na naaayon sa gusto ko na hanggang sa maaari ay hindi ganoon ka dami ang tao dahil gusto kong ihatid si Ate sa tahimik at maayos na paraan. Mabilis ang naging seremonya. Hindi pa lumulubog ang araw ay nasa apartment ako't inaayos ang mga gamit na inuwi galing sa hospital.
"Kristine??!" Gulat na sambit ni Sherby pagkapasok ko ng office ko kinabukasan. Nagbabasa ito ng New York Times na Newspaper. Tumayo ito't sinalubong ako.
"Good morning. Gulat na gulat ka ah. Baka nakakalimutan mong office ko'to??" Pinasawalang bahala ko nalang ang pagkagulat niya't nagtungo na sa table ko. Inayos ko ang mga gamit ko doon at tiningnan ang lesson plan. Bumalik si Sherby sa pagkakaupo habang abala ito sa cellphone. Mabibilis ang pagtipa niya dito. Napailing nalang ako sa ginawa ni Sherby. Hindi na ako magtataka kung mamaya, andito narin iyon.
"Kuya--" sambit ni Sherby sa kakadating na si Sir Christian.
"Kuya, diba dapat hindi muna siya papasok kasi--"
"I've sent you the presentation for the meeting. Check it out. You're going to go there instead of me."
"W-whattt?!! Akala ko pa naman bakasyon ko na!! Kuya naman!"
Masama lang siyang tinitigan ni Sir. Walang ibang nagawa si Sherby kundi sundin ang utos ng kuya niya.
"I'm taking an off for today." Sinenyasan niya ang kapatid na umalis na. Nang masigurong wala na ang kapatid ay saka niya ako tiningnan. Umupo ito sa sofa.
"Kumuha ako ng substitute mo for the meantime but since you're here, I'll send her to you so the two of you can discuss the turn over of the class. You can start tomorrow so for now, you can prepare your materials for tomorrow. " He said.
Hindi niya ba ako pipilitin na umuwi at magpahinga muna katulad ng nasa isip ni Sherby. Speaking of Sherby, alam niyang hindi niya ako mapipilit kaya tinawag niya kaagad si Sir pero bakit parang hindi iyon ang nangyayare?
"If you need something else, I'm at my office." Tumayo ito't naglakad patungo sa pinto.
"S-sir!" Pigil ko. Nilingon niya ako.
