14. Family

779 41 8
                                        

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya matapos akong ihatid dito sa bahay.

"Goodnight"

Tumango ako't inalis ang seatbelt.

"Kinay??"

Nagulat ako nang katukin ni Ate ang bintana ng sasakyan ni Sir.

"Kinay?!!"

Naku! Lagot!

"Tell her. She's your sister." Ani ni Sir.

Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto ng sasakyan nya.

Nakita kong nagulat pa si Ate nang makita ngang sakay ako ng kotseng iyon.

"Kinay?!! Anong..." Hindi nya na natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang kasama ko.

"Teacher nyo yan ah!" Gulantang nyang sambit.

Hinila nya ako pababa at tinago sa likod nya.

Bumaba naman si Sir at tiningnan ang braso kong hinila ni Ate. Tumango ako sa kanya para ipahiwatig na ok lang ako.

"I'm Christian Pascua, Kristine's boyfriend. Nice meeting you, Ms. Feira Magdayao." Pormal na pagpapakilala ni Sir. Naglahad pa ito ng kamay kay Ate pero tiningnan lang iyon ni Ate ng masama.

"Hindi pwede!" Sambit ni Ate.

Hinawakan ko ang braso ni Ate para patigilin na ito sa pagsasalita. Masama nya lang akong binalingan.

"Maghiwalay kayo ngayon din mismo!" Mabilis naman akong umiling sa kanya

"Magkasing edad lang kami ng Sir mo na yan!"

"No. I'm younger than you." He contradicted.

Masama syang tiningnan ni Ate. Hinila naman na ako ni Ate papuntang bahay.

"Feira!! Sino yan?!! Ba't hindi mo imbitahan dito?" Sigaw mula sa pinto ng bahay namin.

Oh? LOLA!!???

ANDITO SI LOLA!!!

Nagpakawala ng malalim na hininga si Ate at pumikit ng mariin.

"Talaga naman oh!" Bulong nya.

"Iho! Halika dito! Pumarito ka muna!" Tawag pa ni Lola.

Nilingon naming dalawa ni Ate si Sir na ngayon ay nakatingin narin sa amin na para bang naghihintay ng approval lalo na kay Ate.

Umirap si Ate at nauna nang maglakad kaya masaya kong binalikan si Sir.

"Tara na." Nakangiting yaya ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin at hinawakan ang kamay ko't sabay kaming pumasok ng bahay.

Pagkapasok namin ay napansin ko na lahat kami ay nandito pati yung pamilya ng mga kuya ko.

Bigla tuloy sumikip yung bahay na dati ay dalawa lang kami ni Ate Feira ang laman.

"Kyla, wag masyadong magtatakbo. Madapa ka, sige ka." Saway ko sa pamangkin ko. Takbo nang takbo kasi nasagi pa si Sir.

"Pasensya kana."

"No. It's ok. They're having fun."

"Kristine, pakainin mo na yung bisita ng ate mo." Sabi ng Lola sakin.

"La!" Lumapit kami sa kanya at nagmano ako ganun narin si Sir.

"Bisita ko sya hindi kay Ate. Saka boyfriend ko sya." Nakapout kong sambit.

Tiningnan naman sya ni Lola mula ulo hanggang paa kaya pumagitna ako pero hinawakan ako sa braso ni Sir at nilagay sa likod nya't pormal na yumuko sa harap ni Lola.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon