34. Hans

408 21 6
                                        

"Hindi ka kasama."

"A-anong...?" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil narin sa sobra akong naguguluhan sa mga nalaman.

"Yun na nga eh. Ipagpalagay nating totoong nagsuicide yung mama mo, five months before your birthday, diba dapat consider kana as her daughter? Regardless of being alive or dead, dapat kasama kana dito sa mga naging anak niya. Saka wala man lang note dito na pregnant siya bukod sa sinabing too much intake of drugs as the cause of death. Wala na." Pagpapatuloy ni Trisha.

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa sobrang lito at sa mga tanong na mas lalong dumadami. Mahabang katahimikan ang bumalot sa'min ni Trisha. Pareho kaming nag-iisip ng mga pwedeng maging kasagutan sa kahit isang tanong lang namin.

"Si Papa? May nakuha kaba?" Tanong ko kay Trisha.

"Heto." Kumuha siya ng panibagong folder at binuksan. May picture siyang pinakita at mga dokumento.

"Buti nalang tiningnan ko yung death certificate ng mama mo, nakuha ko ang pangalan ng papa mo."

Tiningnan ko nang mabuti ang picture. Siya ang papa ko?

"Ang sabi dito, naging empleyado siya ng kompanya niyo. Doon rin sila nagkakilala ng mama mo pero dahil sa antas ng buhay ng papa mo, ayaw pumayag ng lola mo sa relasyon nila kaya niyaya niya ang mama mo na makipagtanan. Sa loob ng sampung taon na magkasama sila ng mama mo, naging mahirap ang buhay nila lalo na't may anak na silang tatlo kaya matapos ang sampung taon na pagsasama, napagpasyahan ng mama mo na bumalik sa lola mo. Bumalik man ang mama mo, hindi parin tanggap ng lola mo ang papa mo kaya hindi siya binigyan ng trabaho nito sa kompanya unlike your mother, naging Director siya kaya ang papa mo ang nag-alaga sa kuya't ate mo. Bago pa man 'magpakamatay' ang mama mo, nawala nalang daw bigla ang papa mo. Hindi na siya nakita in public pero may bulong-bulongan dati na kaya daw hindi ito nakikita in public dahil pinakulong daw ng lola mo."

"Bulong-bulongan?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko pwedeng panghawakan ang isang bulong-bulongan lamang.

"Oo. Wala na kasi akong mahanap pang iba kundi yun lang. As if he vanished into thin air. Bukod sa birth certificate niya't biodata, wala na."

"Walang death certificate?" Tanong ko. Tumango naman si Trisha.

Ibig sabihin malaki ang possibility na buhay siya. Buhay pa si Papa.

"Pwede mo ba siyang hanapin?"

Saglit na nag-isip si Trisha.

"Subukan ko." Uminom siya ng tubig at ganun din ako. Kailangan kong pakalmahin ang sarili.

"How about the incident five years ago?" Tanong ko ulit.

Niligpit ni Trisha ang mga previous documents at tinago na saka naglabas ng panibagong folder. Binuksan at...

"Bakit walang laman?!" Gulat kong tanong nang makita ang isang page lang ng papel.

"Walang record ng cctv sa hall, bar at kahit sa floor kung saan ka nagcheck-in. Ang sabi ng empleyado doon, kinabukasan daw, may pumunta na babae at hinanap ang cctv records after that,wala na yung mga records. I tried to retrieve it pero wala na talaga sa system nila. Even the day nang pumunta ang babae, wala na din ang record. Burado na lahat. Ito lang ang nakuha ko, list ng mga guest na nagcheck-in ng gabing iyon." Inabot niya ang papel at may tinuro.

"Heto ka, VVIP. Sobrang lasing ka daw that time kaya wala silang nakuhang information sayo and later on, ginawa nilang VVIP dahil narin sa laki ng binayad ng babaeng pumunta sa kanila." Tiningnan ko ang tinuturo niya at VVIP nga lang ang nakalagay at walang ibang information tungkol sa'kin.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon