Dedicated to ElaihzaOlegario ShaneGayon18 ShayneCatamco
"Little Prince! What are you doing there? Wait! Wait for me there!" I said panicking.
"Just stay there. We're coming." Sabat ni Sir.
Mabilis na tinapos ni Sir ang pakikipag-usap sa police at umalis na sa bahay na iyon.
"Anong nangyare? Bakit kayo nandoon? Little Prince, ok ka lang ba?" Aligaga kong tanong.
"We're ok. No need to worry." Sagot ni Sir.
"I'm ok, teacher." Sabay yakap sa'kin.
Unti-unti akong kumalma dahil doon.
"Little Prince noticed that there's someone stalking you out of that window. Sinabi nya iyon sakin at ngayon sana namin huhulin but unfortunately, he escaped."
S-stalking?
Unang pasok ko palang dito parang may nakatingin na sa'kin. Akala ko guni-guni ko lang iyon. Tao pala talaga iyon.
Napalunok ako.
Unti-unting nabubuhay ang takot na halos limang taon ko nang pilot na kinakalimutan.
"W-why?" I said, teary-eyed.
"It's ok. We're here for you."
I'm scared.
Again.
"Teacher?" May pag-aalala sa tono ni Little Prince.
"Kristine?" Ganun din ang kay Sir. Humakbang ito papalapit sa'kin.
"Wag!" I shouted.
Nagulat silang dalawa sa'kin.
"Wag kayong lalapit sa'kin. Don't come near me!" Malakas na sigaw ko habang umaatras papalayo sa kanila.
"T-teacher?" Nag-aalalang sambit ni Little Prince. Humakbang sya papalapit sa'kin na mabilis na pinigilan ni Sir. Naguguluhan itong tumingin kay Sir.
"Not now." Maikling sambit ni Sir. Umatras si Little Prince at hindi na humakbang pa.
"Leave. Leave!!!"
Wala silang nagawa kundi ang umalis.
Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko't tinawagan si Dester.
'D-dester! Help me! I'm s-scared! I'm scared a-again!'
'What?! Where are you?! What happened?!' taranta nyang sambit.
'D-dester. I'm...'
'Kristine! Inumin mo ang gamot mo. Yung pampakalma mo. Tinuro ko na yun sayo, dba?'
Tama! May gamot ako. Yung gamot ko!
Mabilis kong hinanap sa bag ang gamot na sinasabi ni Dester at ininom iyon. Hindi rin nagtagal ay unti-unti akong kumalma.
Nagpadala ng mensahe si Dester na pupunta sya dito sa office kaya hintayin ko raw sya dito't sabay na kaming pupunta kay Ate.
Hindi na ako nakabalik sa klase ko't naglabas narin kasi ng memo na maagang matatapos ang klase ngayon matapos ang insidente
Gabi nang matanggap ko ang mensahe mula kay Dester na nasa parking lot na daw sya't hinihintay ako kaya mabilis akong nagligpit.
"L-little Prince? What are you doing here?" Gulat kong tanong nang makita si Jastice sa labas ng office ko.
