Madaling araw nang magising ako. Hindi ko na alam kung kailan sya tumigil basta ang huli kong naaalala ay inaangkin nya parin ako hanggang sa huling sandali bago pumikit ang aking mga mata.
Masakit ang buong katawan na bumangon at napasigaw ng pahapyaw dahil sa sobrang sakit lalo na sa pagkababae ko pero mabilis na tinakpan ang bibig sa takot na marinig nya ako't magising sya.
Nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha nang mapagtanto ang nangyare sa'kin.
Akala ko masamang panaginip lang ang lahat. Akala ko magiging ok ang lahat pagkagising ko pero hindi.
Mga pasa at sakit sa katawan ang nagpapatunay ng malagim na kinahinatnan ko.
Mumunting ilaw ang tumatagos sa kwarto't tumila narin ang ulan.
Nanginig ako nang gumalaw sya ng bahagya. Dali-dali akong umalis sa kama at kinapa ang closet kung nasaan ang bathrobe na provided ng hotel. Binalot ang katawan at paika-ikang umalis ng kwartong iyon.
Patuloy parin sa pagluha na pinilit ang katawang makababa sa hotel na iyon. Habang tumatagal ay bumibigat ang aking pakiramdaman pero mas nanaig sa'kin ang kagustuhan na makaalis na sa lugar na iyon at ang takot na baka maabutan nya ako't gahasain ulit.
Madaling araw na kaya kokonti ang tao sa labas at wala ni halos ang nakapansin sakin.
Nakalabas na ako ng hotel pero tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko.
'Pagod na pagod na ako.'
Bulong ko habang nakatingin sa kalangitan at pumikit na nang tuluyan.
"Happy Birthday to you, Kinay!"
Masayang sambit ni Ate Feira.
"Ate naman! Ang aga-aga eh! Ang ingay mo!"
"Ano ba! Bumangon kana dyan! Pupunta na tayong Baguio." Sabay hila sa'kin.
"Baguio??" Gulat kong tanong.
"Oo. Surprise!"
"WHAAAAAAHHHH!!" Sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit.
Payak at simple lang ang buhay ko noon kasama si Ate Feira at ang mga kuya. Hindi ko alam kung kailan naging mali ang lahat. Hindi ko alam kung san ako nagkamali't napunta ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mali ang nagawa ko't naging ganito.
Sa aking pagmulat ay mukha ni Ate Feira ang una kong nakita.
Hindi ko na napigilan ang sariling maiyak ulit.
"Shhh! Andito na si Ate, Kinay. Andito na ako."
Sabay yakap sakin. Umiiyak narin sya.
"A--aatteee..." I uttered.
I cried hard because of too much relief I felt when I saw Ate's face. I know that I'm safe now. I am safe and sound with her.
"Kinay, sorry. Sorry! Hindi kita nabantayan ng maiigi kaya nangyare iyon. Kinay, sorry." Mas lalong humigpit ang yakap ni Ate at lumakas ang kanyang iyak.
"A-aatteee...Gi-gina... AHHHHHHHH!!" Sigaw ko nang manumbalik ang mga alaala ng nangyare.
Pinagsusuntok ko ang aking ulo para lang mawala iyon pero patuloy parin.
"AAAAAHHHHHHH!" Sigaw ko habang malakas na pinagsusuntok ang aking ulo.
"Kinay! Kinay!" Pigil ni Ate habang pilit na hinahawakan ang aking mga kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/208662102-288-k907919.jpg)