27. Numb

510 22 4
                                        

'I already lost my child. Please, spare my Ate.' I prayed endlessly.

"Anong problema, Doc? Bakit siya inatake sa puso? Bakit?! Ok pa ang ate ko kahapon. Ok siya. Bakit ngayon bigla siyang inatake? Bakit, Doc?!" Sunod-sunod kong tanong sa Doctor ni Ate na kakalabas lang galing sa operating room. Naghahalo ang mga emosyon ko ngayon. Mayroong kaba, takot, pagtataka, at pag-aalala para kay Ate.

"Ms. Magdayao, tatapatin ko na po kayo. Ginawa na namin ang lahat para sa Ate mo pero pasensya na. Hindi na namin hawak ang buhay ng ate mo. Her body gave up on her but she's still fighting. Nagkaroon ng multiple organ failure caused by different medications she took for her cancer. Kasama na doon ang puso niya. Mayroong heart failure ang ate mo, Ms. Magdayao." Mahabang paliwanag ng doctor. Nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinabi niya. Nawala ako sa balanse't napasalampak sa sahig. Mabilis naman akong dinaluhan ni Sir Christian.

"Hindi pwede. Hindi." Nanghihinang bulong ko. Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi ng doctor. Unti-unting nabuo ang mga luha sa'king mga mata.

Inabot ko ang labgown ng doctor at mahigpit na hinawakan iyon.

"Ms. Magdayao??" Gulat na sambit ng Doctor.

"Kristine!" Sinubukan akong ilayo ni Sir Christian sa doctor pero desperado na ako sa pagkakataong ito. Tumutulo narin ang mga luha ko't napapahikbi paminsan-minsan.

"Iligtas niyo ang ate ko, Doc! Nagmamakaawa ako. Iligtas niyo siya, Doc!" Pagmamakaawa ko. Kinuha ng doctor ang kamay ko't pinatayo ako. Inalalayan din ako ni Sir Christian sa pagtayo. Halos nailipat ko na ang buong bigat ko kay Sir dahil nga sa ako'y hindi makatayo ng maayos at nanghihina. Nakasandal lang ako sa kanya at inaalalayan niya ako.

"Nasaan ang ate ko? Nasaan siya?" Tanong ko. Matagal pa akong tinitigan ng doctor bago nagsalita.

"Follow me this way." Nauna itong naglakad samantalang maliliit na hakbang akong sumunod. Nakaalalay parin si Sir Christian sa likod ko.

Pumasok kami sa isang kwarto kong saan nakita ko ang ate na nakahiga, walang malay. Sa pangalawang pagkakataon, nawalan na naman ako ng lakas. Hindi ko na maramdaman ang tuhod ko. Para akong nakaluta g sa hangin habang lumalapit kami kay Ate. Pinaupo ako ni Sir sa chair katabi ng kama ni Ate.

"Kailan magigising ang ate? Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya." Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito samantalang pumwesto naman sa likod ko si Sir.

Hindi sumagot ang doctor kaya napabaling ako sa doctor. Nakita ko itong nakatingin kay Sir na para bang may sinasabing hindi ko dapat malaman.

"Ano yun, doc? Bakit hindi mo masabi sa'kin? Doc?!" Kinakabahan kong sambit. Mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak sa kamay ni Ate.

Tumango si Sir at naramdaman ko ang paghigpit niya ng hawak sa balikat ko. Huminga naman nang malalim ang doctor bago magsalita

"We, her doctors, tried to revived her but it was all in vain."

"A-ano?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Bumilis ang paglandas ng mga luha ko't parang pinipiga ang puso ko sa sakit.

"I'm sorry, Ms. Magdayao. Say your last words to her. She may not respond to you but she can still hear you. She's hanging on a thin rope right now. You need to cut it down for her." Makahulugang sambit ng doctor.

"No! Hindi! Hindi! Ate!! Ate!!!!!!!!!!" I shouted hysterically.

I can feel the pain and it's killing me.

"Ateeeeeeeeee! Ateeeeee!" I hugged her tight.

"No, Ate. Don't leave me. Please, Ate! Don't!!!" I panicked as if anytime, my ate will be gone just like some magic.

"ATEEEEEEE!!! WAKE UPPPP! PLLLEAASSEE! WAKE UPPP FOR ME!! I NEED YOU, ATEEEE! ATEEE!!" Nagpapadyak pa ako't pinilit na gisingin siya pero parang lahat ng hinanaing at pagmamakaawa ko sa kanya ay tinatagay lang ng hangin.

"Ateeee! Please! Please! Ate, Please. Wag naman oh! Ate!"

I don't know how many time do I said those words. Hindi ko narin namalayan ang pagdating ni Dester.

Mahigpit ang mga yakap ko kay Ate sa gitna ng pag-iyak ko. Nakatulog nalang akong nakayap kay Ate't umiiyak.

Kinabukasan nagising nalang ako sa mga mumunting hikbi galing sa loob ng kwarto.

"I requested for a copy of Feira's medical records and presented it to some of the doctors I've known but they said that it was all hopeless. She can't be save." Rinig ko mula sa kanila.

Dahan-dahan kong binuksan ang namumugtong mga mata dahil sa kakaiyak kagabi. Nakita ko sila ni Kuya kasama ang mga asawa't anak nila. They're all crying.

"Bakit kayo umiiyak? Ate is fine. She's well. Ate, wake up. See? Andito sila ni Kuya oh at mga pamangkin mo. Lahat sila nandito. Wake up, Ate." I said those words as if everything is fine and well.

"K-kinay, let A-ate go." Isa-isa silang lumapit sa'kin at niyakap ako.

Wala akong maramdam sa mga nangyayare. Hindi ko maramdaman ang sitwasyon at ang mga yakap nila. Napatulala nalang ako sa kawalan dahil doon. Natapos lang ang yakap nila'y parin akong maramdaman.

"K-kinay?" Nag-aalala silang tumingin sa'kin. Isa-isa ko silang tiningnan. Kumpleto ang pamilya nila Kuya. Andito rin si Dester at Sir Christian. Napokus ang atensyon ko kay Sir Christian. Pareho parin ang damit nito mula kahapon pero nakapolo nalang ito dahil ang coat niya ay nilagay niya sa balikat ko para hindi ako lamigin habang natutulog.

Someone held my hand.

"I called them this morning about Feira's condition and I already told the school to give you a break." Sambit niya sa'kin. 

"Let's go? Doon na muna tayo sa sofa." Yaya ni Sir sa'kin. Sumama ako sa kanya't naupo sa sofa. Hindi parin ako umiimik dahil sa kawalan ng pakiramdaman.

"I'm here." Mahinang sambit ni Sir habang nag-aalalang nakatingin sa'kin. Umupo ito sa tabi ko. Tinitigan ko siya't hindi alam ang sasabihin.

He held my hand and rubbed the back of it. I moved closer to him and just like last night, I let him carry my weight. My burden. My pain.

Spoil Me, Sir ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon